Isang maayos na gabi,matutulog na si Lorenzo ngunit bigla syang napaisip kailangan nya palang gumising ng madaling araw para makapag simba sya ng simbang gabi kaya agad agad nyang kinuha ang kanyang Telephono para ialerto ang orasan ng alas-tres ng madaling araw para magising sya ng maaga.kinaumagahan nagulat si Lorenzo " Hala 7 na ng umaga tapos na ang simbang gabi bakit hindi tumunog ang aking telephono, ay mayang gabi nalang ako mag sisimba kasama sila papa at mama" bumangon na si Lorenzo para kumain.
kinatanghalian Gumagawa si Lorenzo ng kanyang gawain at biglang naalala nya na sasabihan nya ang kanyang magulang na samahan sya mag Simba,pumunta si Lorenzo sa Kwarto ng kanyang magulang" knock!knock!" Ma, Pa Simba po tayo mayang gabi samahan nyo po ako mag Simba para din po makalabas tayo ng kumpleto" pero parang alanganin ang kanyang magulang "Anak baka hindi kami makasama ng iyong Papa dahil kakauwi lang namin at marami pa kaming aasikasuhin pasensya na anak " biglang nalungkot si Lorenzo pero naintindihan nya ang kanyang magulang dahil pagod ito " Sige Ma,Pa balik na po ako sa kwarto ko"
kinagabihan nag aayos na si Lorenzo para pumunta na sa Simbahan "Ma alis na po ako,punta na po ako ng Simbahna" sabi naman ng ina "sige anak mag iingat ka ahh ".Nakarating na si Lorenzo sa Simbahan at mag sisimula na ang misa.Ng pauwi na si Lorenzo habang nag lalakad may nakita syang Matanda sa tabi ng kalsado ng hihingi ng pagkain dahil hindi pa nakakakain ang matanda "Anak penge naman ako ng kaunting barya para pang kain lang " sinagot naman ni Lorenzo "Saglit lang po babalik po ako" at ang ginawa ni Lorenzo bumili lang makakakain ng matanda imbis bigyan ito ng pera at masayang masaya ang matanda "maraming salamat anak sa iyong mabuting puso " sagot naman ni Lorenzo "Wala yun Nay kailangan nyo pong kumain lalo na po ngayong gabi mag iingat po kayo ".Umuwi si Lorenzo ng masayang masaya dahil nakatulong sya at may napasaya pa sya. Pag dating ni Lorenzo sa kanilang bahay nag mano ito sa kanyang mga magulang at nakisabay na sa hapag kainan at kwinento ang buong pang yayari.. walang sama ng loob si Lorenzo sa kanyang magulang dahil hindi nila nasamahan ang kanilang anak at si Lorenzo naman ay naiintindihan naman nya ang lahat.
Tauhan:
Lorenzo
Magulang
Isang MatandaTagpuan:
Bahay
Simbahan
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi
Short StoryIsang maikling kwento na may dalang aral sa bawa't kabataan