Chapter Forty Two: Revelation of the ten Letters

113 6 0
                                    

TNGOT Alert:

Mianhe mianhe po if now lang po nakapag-update, medyo busy po kasi si author this past days eh.

Malapit na talaga po ang pagtatapos nito, abangan niyo po ang mga susunod ko pang mga storiesssss :) Haha lols..

Sana po mag-enjoy kayo ^___^

Vote, Comment, Read :)

-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'

                          Aya's POV

Biglang namatay yung mga ilaw, pero may spotlight naman eh kaya hindi ganung madilim.

May mga men in black naman na biglang nag-sulputan, tapos kung sino yung matapatan ng spotlight kukunin nila tapos ewan ko na.

Lakas talaga ng trip ng school na ito, grabe hindi na keri ng bangs ko ang ka-echosan nila.

"Okay students, wag kayong mag-panic. Calm down."

Pagsasaway ng teacher, kasi naman yung ibang students super OA kasi may nagdadasal na, may tumatawag na sa magulang nila, meron pang nag-sasabi na marami pa silang pangarao sa buhay nila at tutulungan pa nila ang parents nila.

Jusko naman mamamatay na kayo??

"Listen, kaya kami kumuha ng 10 students para sa letter niyo."

Para namang nabunutan ng malaking tinik ang mga students dito.

Eh kung para sa letter yun bakit may pag-patay effect pa sila ng ilaw??

Hindi ko na keri toh!! Buti na lang talaga last year na ako dito.

"Lights on."

                      Tristan's POV

"Lights on."

Bigla namang bumukas ulit yung mga ilaw at mga Christmas lights.

(sigh) Buti na lang talaga, bumukas na yung mga ilaw at tumigil narin yung mga students sa pag-papanic.

Sows, akala mo naman isasalvage eh, ang OA sobra.

"Tol, daming pakulo ng school na toh noh?"

Pabulong na tanong ni Tom sakin. Tumango na lang ako sa kanya, tinatamad ako mag-salita eh.

"Sila ang bubunot ng letters niyo, at sila din ang babasa nito. So wag niyo kaming sisihin na mga teachers ang may kasalanan kung bakit nabunot or hindi nabunot ang letters niyo. Sila ang may kasalanan."

Bigla naman may isang malakinhmg box ang lumitaw sa stage. And I think nandun ang mga letter namin.

Bumunot na isa-isa ang mga students. Nung nakabunot na sila, pinapila naman ulit sila ng mga teacher.

"Nakabunot na ang 10 students na nandito sa stage. So babasahin na nila ang mga letters na nabunot nila. Yung una please step forward."

Instant Girlfriend (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon