Prologue:
Mahal mo sya
May mahal syang iba
Mahal din sya
Ano? Pakamatay na?
Kagandang gm na nareceive ko. Kasabay ng pagsesenti ko.
Pero pano kung wala naman talaga syang mahal na iba at panakip butas nya lang un?
Pano lang naman diba?
Di naman masamang mangarap
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pen's POV
"Ano ba?! Di ako mag-eemote dahil sa bote ay este dahil sa kanya pala" I sighed. Napatingin ako sa lababo na malapit lang sa la mesa sa dorm
"Pen, tapos ka na ba?" tanong ng bespren kong kadorm ko
"Hindi pa, Jeng." tapos tinuloy ko ang pagkain ko
Kahiya-hiya naman oh! Nagmomonologue ako dito! Mukha na akong sira! Nak ng tokwa naman yan!
Pati bote pinag-eemote-an ko! Aish! Wanna know why?
Maya na lang, bilang nabanggit naman na ung pangalan ko kanina, pakilala pa ako ng mabuti
Ehem ehem, ako po si Penelope "Pen-Pen" Garcia. Disi-sais. Studying in EngEng High School
Kung tutuusin, ag snob ko ngayon pero alam naman ni Jeng ang dahilan. Ano? Gusto nyo malaman?
Maya na uli, pakilala ko muna si Jeng. Sya ang aking bespren. Parehas lang naman kami ng age at school kaya un lang. BOW na. Alam ko namang gusto nyo nang malaman ang dahilan ng pag-eemote ko
**
Naghihilamos ako sa banyo at naku naman! Walang sawa akong nagmomonologue
"Bat naman kasi ako iiyak? Sino ba sya? Kawalan ba sya? In fairness nga, di ako umiyak eh! Achievement! Woo!!" I tried to fake a smile
"Hay, nakakainis talaga, aaminin ko, mahal ko na talaga sya eh kaso anong magagawa ko diba? Kung masaya na sya, hayaan mo na, marami pang iba dyan. Ay mali, di pa pwede, pag nagmahal ka uli magmumukha ka nanamang sira. Pag pinili mo ang taong mahal mo, masasaktan ka, pag pinili mo ang nagmamahal sayo, masasaktan mo sya, edi FOREVER ALONE na lang!!"
Mukha talaga akong tanga noh? Nagsasalita mag-isa!
Nakita ko ung cp ko, hay. Andito lahat ng memories ko sa taong yun pero wala na burado na.
Eto na talaga ang napakawalang kwentang typical na story na gusto kong iyakan
**flashback**
One day, I mean nung Intrams, excited na excited ako noon manood ng event na sasalihan nya. Secret na lang kung ano. Tinititigan ko lang sya pero syempre ung di obvious. Ang gwafuu. Ang galing. Ang hot. Aish! Nababanas ako ng may marinig ako sa likod ko
"Ano? Bakit? Kaya nga ako pumunta dito para mapanood si Ace eh!" nakakainis lang. Ang pagkakaalam ko ang pangalan nya ay Bertha. Sya ung naging crush daw ni Ace noon. I looked at her from head to toe. Mas matangkad naman ako dito sa taong to. Tsaka malandi to eh! Lower section din. Kaso.... maganda sya, sexy, at maputi. Yun naman ang tipo ng karamihan, nakakainis lang kasi kahit ilang beses ipangalandakan na kailangan tingnan ang inner beauty, bihira lang ang gumagawa nun
Siniko lang ako nung bespren ko and I just glared at her. Naiinis talaga ako. Ano ba kasing meron sa kanila? Lately, ang sweet nila eh? Tell me, sila na ba?
