Chapter 3

2.8K 120 20
                                    

Chapter 3

Bago kami magtapos sa Grade 12 ay naghiwalay sila ni Louie. Hindi ako nakaramdam ng tuwa...kundi matinding galit. Ilang taon na sila pero ni minsan ay hindi niya naramdaman na niloloko siya ni Louie?

Nagpunta ako sa bahay nila Alexandra para tingnan kung ayos na siya pero iba ang nangyari.

"Alex..."

"Nandyan ka pala. Bakit mo ako pinuntahan?"

Mukhang ayos naman siya.

"Nabalitaan ko lang--"

"Ah, oo. Nakikibalita ka na lang pala sa best friend mo ngayon?" sabi niya na natatawa. "Buti naman at naisipan mong dalawin ako ngayon? Baka magalit si Jennica."

Lalo akong nainis sa sinabi niya. Ako na naman ang mali? Samantalang siya ang unang lumayo.

"Ano bang problema mo ha, Alex? Nakakainis ka na talaga." I knew I shouldn't say those words.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pagkatapos ay bigla na lang siyang umiyak.

Nilapitan ko siya pero lumayo lang ulit siya.

"Kung naiinis ka, mas naiinis ako sa iyo!"

"Ano na naman bang ginawa ko?" inosente kong tanong.

"Iyan. Iyang mga ganyan mo. Lagi kang nagpapanggap na walang alam samantalang alam kong nahahalata mo na!"

Natakot ako sa kanya sa oras na iyon. Galit na galit siya sa akin kaya sobrang namumula ang mukha niya.

"Hindi kita maintindihan," mahinahon kong sabi. Kung susumbatan ko pa siya, alam kong walang mangyayari. Gusto ko nang maibalik iyong dati. Namimiss ko na rin ang best friend ko.

"Ang bobo mo, Otep!"

Ako lang siguro ang nasabihan ng bobo na napangiti. Ewan ko ba pero sobrang namiss ko ang pagtawag niya sa aking Otep.

"Anong ngini-ngiti mo d'yan?" asar na tanong ni Alexandra.

Nakangiti ko siyang nilapitan at inakbayan.

"Namiss kita, Alexandra," sabi ko pagkatapos ay pinunasan ang mga luha niya. "Ang pangit mong umiyak."

Nag-asaran na kami pagkatapos. Walang humingi ng tawad pero alam naming maayos na kami. Lagi naman kaming ganoon. Natagalan lang dahil nagselos kami.

Nagkwentuhan kami ng matagal, kinwento namin ang mga nangyari sa loob ng ilang taon na hindi namin pagpapansinan. Naikwento ko rin sa kanya na ilang buwan na nang hiwalayan ko si Jennica. Gusto ko siya pero parang niloloko ko lang ang sarili ko dahil alam kong si Alexandra talaga ang mahal ko.

Hindi ko siya niligawan ng maayos. Ang alam ko lang ay pagkatapos kong magtapat sa kanya habang kasayaw ko siya sa debut niya ay naging kami na.

"I am in love with you, Alexandra."

Napahinto siya sa pagsasayaw at natulala. Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang pisngi.

"I am so in love, Alexandra."

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko habang titig na titig pa rin ito sa akin na parang hindi makapaniwala.

"Alam mo ba kung anong sinasabi mo, Otep? My God!"

Nang tumango ako para sagutin ang tanong niya ay nagsimulang tumulo ang mga luha niya.

"Ang tagal mong bumigay, Otep" umiiyak niyang sabi bago niya ako niyakap nang mahigpit.

"I am sorry for everything, Alexandra."

Naramdaman ko ang pagtango nito.

"I love you, Otep. I love you. I love you."

Pakiramdam ko ay may humaplos ng puso ko ng dahil sa narinig ko.

Nagpalakpakan ang mga ibang bisita kabilang na ang pamilya ni Alexandra. **

Five days.

Gaano ba kabilis ang isang araw? Gaano ba katagal ang limang araw?

Bakit pakiramdam ko ay hindi magiging sapat ang limang araw para magpaalam sa kanya?

I was with her for almost my whole life. And here...we are counting the days before the final moment with her.

Nasa labas lang ako ng ICU at hinihintay na lumabas sina tita. Nang bumukas ang pinto ay lumabas doon ang isang nurse na umiiling at namumula ang mga mata.

Mabilis akong tumayo para salubungin ang nurse.

"Nurse, what happened?" tanong ko sa babae.

Hindi sumagot ang nurse pero tinuro niya ang ICU pagkatapos ay naglakad na ito paalis.

Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko habang papasok ako sa loob.

Not now. I am not yet ready, Alexandra. Not ever.

"You are the greatest blessing we received, Alex. Absolutely greater than my own life, baby girl."

Napako ang mga paa ko sa tabi ng pintuan nang narinig ko ang sinabi ni tita pagkapasok ko.

"Alexandra means bravery. I know you are brave, baby. But brave people also feel pain. I know it. We know it. We should understand it."

Kinakausap ni tita si Alexandra habang umiiyak at nakikinig lang si tito sa may tabi.

"You are the kindest, baby. It's hard. It is very hard but we will do it for you. Mommy and daddy loves you very much. You will forever be our angel," umiiyak na sabi ni tita.

Nilapitan siya ni tito at mahigpit na niyakap ang asawa.

"Take a rest, baby. Take a good one."

Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko kaya agad akong lumabas para hindi nila makita.

I don't want them to see that I am giving up. Isa isa na silang nagpapaalam pero hindi ko pa kaya. I am still hoping and I trust Him for my Alexandra's life.

**

A/N: Nagkataon lang po na Alexandra at Joseph ang pinili kong names. Hindi ko ginagaya ang Pure Love at lalong lalo na ang If I Stay. Malayong malayo po ang plot. They have a lot of twists but I intend to make this story very simple yet very realistic.

Just Stay (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon