Introduction
“Teka, nasa langit na ba ako? Bakit mukha kang anghel, ah eh kasi may halo ka, pero wala kang mukha...hoy! Bakit ka nagmmeow? Huwag ka ngang tumakbo. Sagliiiit!”.
Teach me how to dougie..
Teach me how to dougie...
Can u teach me how to dougie?
You know why?
Ay petrang.... (sabay bato ng cellphone) Ano ba naman yan! Ang ganda ng panaginip ko, ang ganda sa heaven e. Tapos, bigla kang eepal dougie. Pero, June...13...2011?! Oo nga pala, first day ng klase ko ngayon! At 6:30 na?? Fact that sheet! (bagsak effect ng pinto ng banyo)
(sabay bukas at sumilip kunwari :p) Ay, oo nga pala. Ako si Nikko. Isang “hindi-tipikal-na-girl-next-door”, hindi kasi ako kagwapuhan, hindi gano’n katalino at lalo pa, hindi normal. O diba, pero hindi ako pangit at may ibubuga.....teka nga, maliligo na ko e. Bakit ba ako nagpapakilala, malayo pa lalakbayin ko!!!!!!
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Nikko Sarmiento’s POV
Ayun, gaya ng sabi ko, ako po si Andrei Nikko Sarmiento, isang balasubas mula sa Muntinlupa. Joke! Matino naman po ako, hindi nga lang normal. (weeeeh sound fx here XD) Hala oo nga, may magiging girlfriend ba ako kung hindi ako matino? *pogi pose* Kaye ang pangalan niya. Hindi naman siya gano’n kaganda, pero swak na sa panlasa ng mga Pilipino. Biro lang :P May kwento kasi sa likod ng pagiging kami.
2nd year HS kami non. Bigla siyang nagtapat ng feelings niya, ewan ko ba sa mga kababaihan ngayon, sila pa nanliligaw. Kaklase ko kasi siya since elem, well..hindi sa hindi ko siya napapansin, wala talaga akong pinapansin na mga girls, kasi hindi ko talaga hilig ang mga lovelife-lovelife na yan. Pati na sa maniwala kayo at sa hindi, wala akong bisyo. Ultimo pagdodota, basketball, lalo naman ang pag-inom at paninigarilyo. Sabi nga nila, ang gay ko raw. Hindi rin, nasa lifestyle lang yan.
‘yong tungkol pala sa amin ni Kaye, ayun naging kami after a month, ewan ko ba. Pero siguro natutunan ko rin naman na siyang mahalin. Kung itatanong niyo kung sino ang sumagot, ako po. Oo. E ako ang niligawan e.
Papasok na nga pala ako ngayon sa bago kong paaralan. Bago kasi nasa kolehiyo na ako, hindi lang talaga halata dahil ang cute ko. *wink*
“Ugh, what the---“, may bumangga sa likod ko kaya’t muntik na ‘konh madapa.
“Hala! Kuya, I’m so sorry po, hindi ko sinasadya”, mahinang sabi ng babaeng nakatama sa akin na napaluhod na kasalukuyang nagpupulot ng mga papeles niyang nagsiliparan.
“Ayos lang”, at tinulungan ko nalang siyang magpulot.
“Salamat po ah. Kuya, sorry talaga. Sige po, bye-bye!”, and she waved.
“She’s cute”, nasambit ko at nagwave-back nalang ako.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
IYAK NI MIHO [Author’s Note :P] Ang ching ba? Na lalaki ang tagakwento o ang kiliging may lovelife sa kwento o ayos lang? Hehe. Ang kwentong ito ay sumasalamin sa buhay kolehiyo, pagkakaibigan, pagkaka-ibigan at kung anik-anik pa sa buhay. \(^o^)/
Dahil bago lang ako, malamang pangit ‘tong dating ng story ko pero ‘yong laman ng story? Ibang usapan na yan, siyempre... L (OvO)/ aleee, thumbs up yan, hindi hands. Haha. Dahil sa kakabasa ko ng mga story ni Denny (HaveYouSeenThisGirl) e ito, nahikayat ding magcreate. Hi Denny-saur. Fan mo ko! =))))
BINABASA MO ANG
F.R.I.E.N.D.S.H.I.P. (Isang "makitid" na kwento XD)
Teen Fiction“I don’t mind waiting for people, because the longer you wait, when you do meet, you’ll be happier.” - Ran Mouri Matino ang buhay ko bago pa man siya makilala. Pero hindi ko naman sinasabing magulo na ang buhay ko ngayong nagkadaumpalad na kami. Kak...