Nakatanggap ng tawag si Daejin mula kay Shin nang hapong iyon. Buti na lamang at nasa itaas ang kanyang asawa kaya malaya niya itong nasagot. Medyo masakit parin ang ulo niya ngunit hindi na ito katulad kanina."Kelan ka babalik dito, baby?" Malungkot na boses ni Shin ang bumungad sa kanya pagkasagot niya sa tawag nito.
"I'm sorry hon if I can't be with you right now but promise I'll be there later at diyan ako matutulog." Tugon naman niya rito. Narinig niya ang paghinga nito ng marahas."Is something bothering you?" Puna niya rito sabay tingin sa itaas kung saan naroon ang asawa.
"No, It just that I missed you so much." Alam niyang nagsisinungaling ito base na rin sa boses nito ngunit hindi na lamang siya nagtanong pa.
"I've missed you too.. Wait me there baby. I'm coming, now." He stood up quickly to change his clothes.
Alam niyang masama ang loob nito dahil sa pag-iwan niya rito kagabi kaya babawi siya dito ngayon. He'll make sure to make her happy tonight.
"Okay. I will wait you here, baby. I love you."
"I love you too, Shin." Buong puso niyang tugon dito bago niya pinutol ang tawag.
Dali-dali naman siyang pumasok sa room niya at agad na nagbihis para puntahan ang babaeng iniibig. Nag-iwan nalang siya ng note para sa asawa at nakalagay dito na may mahalaga siyang pupuntahan at huwag na kamo itong mag-alala sa kalagayan niya dahil okay na siya. Mabilis na niyang pinaharurot ang sasakyan patungo kay Shin.. Patungo sa babaeng minamahal.
Samantalang ipinaghahanda naman ni Jiayue ang asawa ng gamot para sa sakit ng ulo nito. Nagpaalam siya rito kanina na kukunin lang niya sa medicine kit yung gamot nito. Ngunit pagbalik niya sa may sala ay wala na ito at gaya ng dati, tanging note nalang ang iniiwan sa kanya.
She sighed. Hindi pa rin talaga siya tuluyang nakapasok sa puso ng asawa. Kibit-balikat na lamang siyang naglinis ng buong bahay. Nilabhan na lang din niya ang mga pinagbihisan na damit para abalahin ang sarili.
"HANGGANG kailan tayo magiging ganito Daejin?" Yun ang bungad sa kanya ni Shin pagkabukas nito ng pinto. "Hanggang kailan natin itatago ang pag-iibigan natin?"
"I'm working things out, Shin. Don't get rush. Maaayos din ang lahat." pang-aalo naman niya sa babaeng minamahal. Lumapit siya rito at mahigpit itong niyakap.
"Pero hanggang kailan? O may patutunguhan pa ba ang relasyong ito?"
"Why, of course! Just give me time to solve this, 'kay? Hayaan mo, magiging maayos din ang lahat sa pagitan natin."
"Kailan mo ba ipapa-annul ang kasal ninyo ni Jiayue? Can't you see? Its the only way to make us free, Daejin."
"Please hon, konting panahon nalang. Bumubwelo lang ako sa kanya. Don't worry, magsasama rin tayo ng legal." Hinagkan niya ang tuktok ng noo nito upang hindi na ito mangulit pa.
Ayaw niyang malagay sa ganitong sitwasyon pero nangyari na ang mga bagay na hindi dapat mangyari. Isa sa dalawang babaeng importante sa kanya ang maaaring masaktan pagdating ng panahon. Ayaw man niyang masaktan isa man sa mga ito subalit iisa lang ang kanyang puso at isa lang din ang dapat niyang piliin.
Ngunit sino nga ba ang dapat niyang piliin? Ang babaeng labis na minahal o ang bestfriend niya na asawa na niya ngayon? Oo, mas lamang si Shin sa puso niya ngunit bakit kayhirap hiwalayan ng kanyang asawa? Ano ba ang nararapat niyang gawin? Ang patuloy itong lokohin dahil sa namamagitan sa kanila ni Shin o ang hiwalayan ito para di na patuloy na masaktan? Hanggang kailan siya malalagay sa ganitong sitwasyon? May aasahan nga rin kaya si Shin sa kanya? Pero hanggang kailan ito aasa?
BINABASA MO ANG
BUKAS NALANG KITA MAMAHALIN (Completed)
RomanceMAHAL NA MAHAL ko siya pero asawa na kita. Sino ba ang dapat kong piliin? Ang babaeng tunay kong minahal na ngayo'y nagbalik para bawiin ako o ang asawa ko na siyang dahilan kung bakit naging kumplikado kami ngayon? Dapat ko bang iwanan ang asawa ko...