Sa mga sumunod na week ay puro lang klase, meeting ng SSC at kasakasama si Alvin. Pagkatapos ng nangyaring iyakan at patawaran moment namin ay lagi ko na siyang kasakasama. Nagtaka nga silang lahat eh, as in silang lahat. Kasi naman dati para talaga kaming total stranger noon kung magturingan sa isa't isa tapos ngayon biglang boomm..oh diba sinong di magtataka nun??
And ilang weeks ko na ring sinusubukang kalimutan ang feelings ko kay Charles and siyempre part nun ang pag iwas ko sa kanya. Eh pano naman ako makakamove on sa kahibangan ko kung lagi ko siyang kasama diba?? And so far so good naman dahil hindi siya nangungulit. Pero may part parin na sad kasi diba ilang weeks mong di kinausap ung best friend mo tapos parang wala lang, parang ok lang sa kanya. Eh sabagay sino ba naman ako sa buhay niya diba? Isang hamak na best friend lang naman ako.
Para mas madaling makalimot ay ginawa ko na lang na busy ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko wala parin talaga. Sa totoo nga niyan mas lalo pa itong lumala. Haixt diyos ko ano bang dapat kong gawin para makalimutan ko na itong nararamdaman ko. Kasi ang hirap na eh, ayoko namang maging selfish na iiwasan ko siya ng dahil lang sa rason ko na iyon.
After two weeks..........................
Andito kami ngayon sa auditorium para sa audition ng mga students sa gaganaping concert na inoorganize naming mga officers para makalikom ng pondo. Andito kaming lahat na barkada and take note 16 na kaming lahat dahil kabilang ang THE ULTIMATUM na kinabibilangan nina Jason Virtuso (Jason Tubyo Virtuso ang leader ng grupong THE ULTIMATUM, mayaman, matalino, maangas sa kanilang grupo siya ang pinakasuplado lalo na sa mga girls pero lagi siyang nagpapacute kay Ms. Pres siya ang GANG MASTER ng grupo), Jordan Gomez(anak mayaman, gwapo, talented, mabait, at mapagbigay na kaibigan, sweet and jolly tulad ni hazel siya rin angsisilbing clown ng grupo nila, lahat na ata ng magagandang katangian ay na sa kaniya na kahit na he's a member of a gang is still mabait parin siya pero matinik daw sa pakikipaglaban..kaya nga siya nagustuhan ni Hazel ehh ang SWEET COMEDIAN ng grupo :)), RJ Fuentes(gwapo, mayaman, at talented, happy go lucky tat habulin pero sa kabila ng mga yun ay mayroon siyang pass na hindi makalikalimutan.. lagi siyang laman ng detention room sa dami ng mga naviviolate niya na rules everyday kaya nga lagi silang nagbabangayan ni Janet M. o ni Colonel ang BITTER PLAYER ng grupo), Christian Leo Andrada (tulad ng mga naunang kasamahan gwapo, habulin, silent at misteryoso ang MYSTERIOUS GUY ng grupo ) and ofcourse Prince Charles Gamboa(gwapo, talented, mayaman, a hopeless romantic pero dense ang POGING DENSE ng grupo)....yung tatlong ugok haha Ralph Andrada(gwapo, mayaman, matalino, mabait at tulad din ng pinsan niyang si Hazel na magaling magsalita at total opposite naman siya ng kuya niyang si Cristian, sweet sa lahat ng mga babae inshort babaero, ang CHICK MAGNET ng grupo), Bil Jayson del Gado (gwapo, mayaman, mabait, magalang at maginoo hindi tulad ng pinsan niyang si Jason, sobrang talino pero sobrang torpe..yun lang ang MAGINOONG TORPE ng grupo ), Bryan (syempre gwapo, mayaman, matalino, tahimik at napaka seryoso sa lahat ng oras na daig pa ang lolo't lola namin kung manermon ang SERIOUS GUY ng grupo) and dumating narin ang kagrupo naming si Jane Taliba galing Canada(Jane Taliba maganda, mayaman, laking America kaya liberated ang pag iisip pero hindi naman umaabot sa puntong you know na hahah hmm misteryosa at happy go lucky pero sa kabila ng lahat ng ito ay isa siyang rebeldeng anak ang REBEL BEAUTY ng grupo)...oo nga pala hindi niyo pa alam ang tawag sakin sa grupo hmm syempre Kathleen Timothy hindi naman sa nagbubuhat ng bangko pero ito talaga ang katotohanan maganda, matalino, mayaman, sweet, loving and caring but torpe daw ako sa pag ibig hahah hmm ako nga pala ang SILENT LOVER ng grupo.
Kung mapapansin niyo ay hindi lanh ako ang tahimik ngayon halos lahat kami. Sa loob kasi ng two weeks madaming hindi inaasahang pangyayari ang naganap na muntikan na ring nakabuwagan ng grupo ng THE ULTIMATUM at ang isa jan ay ang biglaang pagtatapat ni Jordan ng nararamdaman niya para kay Hazel. He felt betrayed that time and at the same time heartbroken kasi nalaman din niya na mutual pala ang feelings ng dalawa.
Masakit man na makita siyang mag isa ay kailangan. Para matapos narin itong chapter na ito ng buhay ko.
Pero kahit na nasaktan ay natuto pa rin siyang magpatawad. Kahit na okay na silang tatlo ngayon ay alam kong masakit para sa kaniya ang nangyari. Dahil ilag parin siya kung minsan sa mga ito.
"Best!!" alam kong siya ang tumawag saakin pero nagpanggap ako na walang narinig "Best pansini mo naman ako. Ano bang nagawa ko huh para iwasan mo ako?" pinagpatuloy ko lang ang paglalakad "Best kailangan kita, pansinin mo na ako please!!" pagsusumamo niya, huwag tama na please, tama na
Hindi ko na kaya. Heto na naman tayo mukhang bibigay na naman ako ng ganun ganun lang. Pero ayoko na talaga ehh, pag pinansin ko siya't kinomfort baka maisuggest ko na sa kanya na ako na lang, na ako na lang ang mahalin niya. Pero sa huli magiging talunan na naman ako sa huli at ayoko na sa ganun sawa na ako.
"W-wala, alam mo n-naman na b-busy ako this past few weeks diba?"
"Kathleen!!" waaah thanks Alvin I was saved by the bell again, pero hanggang kailan?
"Uhm sige best alis na kami." sabi ko sa kanya sabay ngiti isang napakaplastic na ngiti
Nang makalayo kami ay kinausap ako ni Alvin na nagpalinaw sa isipan ko.
"Kath hindi mo na ba siya mahal?" tanong niya saakin
Hindi ako umimik sa tanong niya dahil ayoko siyang saktan.
"Alam niyo kailangan niyo ng mag usap. Matagal na kayong di nagkakausap eh. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Oo alam ko na pinagbibigyan mo lang ako. Pero nasabi ko yun dahil gusto kitang sumaya. pero sa nakikita ko mas lalo ka lang nasasaktan eh.."
"pero---..."
"Tama na sabihin mo ang feelings mo sa kanya at pag nagkahappy ending kayo, huwag mo na akong alalahanin. Dahil kung saan ka sasaya dun na rin ako." sambit niya ng nakangiti pero ang ngiting iyon ay parang nakaguhit lang sa labi niya dahil hindi man lang nakaabot sa mata niya
"Salamat Alvin huh kahit na ang dami ko nang kasalanan sa iyo still andito ka parin para sa akin."
Ngumiti lang siya bilang tugon st saka tumalikod. Sobrang salamat talaga Alvin and sorry kasi hindi ko kayang ibalik sa iyo ang nararamdaman mo sa akin. Alam ko mahahanap mo rin ang taong magmamahal sayo tulad ng pagmamahal mo.
.....................................................................................................................
oh ayan na po...matagal na hindi nakapag UD sorry............sa mga silent readers po thanks sa pagbabasa but try niyo rin naman pong mag ingay kung pede..haha please read, vote and leave your comments..
mazel _01
BINABASA MO ANG
=GIRL BETWEEN THE WORD BEST FRIEND=
Teen Fiction"Siguro ito yung sinsabi nila na unconditional love. Nagmamahal tayo ng lubusan sa isang tao ng walang kapalit..... " KATHLEEN TIMOTHY ....a best friend love story