#4

448 13 0
                                    

4.

Natapos na ako't lahat-lahat di parin ako makatulog. Kasi naman--- nasa sofa malapit sa kama ang lalaking yon. 

I know he's not sleeping yet. At alam kong nakatingin siya sakin (-.-)

The heck is his problem?

"Ikaw ba---"

Narinig kong sabi niya. 

Napatingin ako sa kanya habang siya nakatingin sa kisame. Malalim ang iniisip.

"Ikaw ba, papayag kang magpakasal sa taong hindi mo mahal?"

123...

Loading ...

Processing ...

Ako ba kinakausap niya? Eh di naman siya nakatingin sakin eh. Baka yung kisame kinakausap niya?

Tatalikod na sana ako ng magsalita siya ulit.

"Ako nga pala si Tristan Hernandez. Ikaw?"

"Aaaaah-- ako si Yuri Kastro."

Pagkasagot ko nun tumingin na ako sa kanya. Habang siya, nakatingin din sakin---- ng seryoso (>o>)

"Hmmm. Sagutin mo na tanong ko."

"Haa-a?"

"Alam na natin pangalan natin. So, sagutin mo na tanong ko."

Ano bang pinagsasabi ng taong ito?

"Anong tanong---"

My Runaway Groom (Tao and Yuri Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon