Si Gale, maganda, maputi, matangkad, matangos ang ilong at nagniningning ang kanyang mga mata.
Si Gab, matipuno, maginoo, lahat ng gugustuhin mo sa isang lalaki ay nasa sakanya bonus points na lang ang pagiging gwapo niya.
Unang araw pa lamang nila sa kolehiyo ay may gusto na si Gab kay Gale pero wala siyang lakas ng loob para sabihin ito kaya naghintay pa siya at kumuha ng tamang tiyempo. Kalaunan, nasabi rin ni Gab na may gusto siya kay Gale at pumayag naman si Gale na ligawan siya ni Gab.
August 21 noon...
*Phone call
"Gaaaaaaaab! Asaan ka na punta ka na rito sa park!"
"Ano bang meron?"
"May sasabihin ako.."
"Di ba pwedeng dito na lang?"
"Punta ka na rito dali!!"
"Opo"
Kahit busy si Gab noong panahong 'yon ay pumunta pa rin siya sa park.
"OO" sambit ni Gale
"Ha? Anong oo?" Pagtataka ni Gab.
"OO NGAAAAAAAAA!"
"Ang alin?" Napaisip si Gab "Talaga!? OO!? WOOOOOOOOOOOOOO. ANSAYA-SAYA KOOOOOOOOOOO."
Noong araw na iyon ay sinagot ni Gale si Gab, matagal na rin siyang may gusto kay Gab kaso hindi niya lang ito pinapahalata. Naging maayos ang pagsasama ng dalawa sa naunang dalawang buwan. Naging masaya sila, pero minsan para silang aso't-pusa kung mag-away pero di nila hahayaan ang di pagkakaunawaan na magtagal at inaayos nila ito agad. Kinainggitan din ang tambalan nilang dalawa sa campus nila, dahil napaka-perpekto raw.
Isang araw, nagtataka ang magbabarkada dahil parehong absent yung dalawa sa klase nila..
*Sa rooftop ng building nila...
Napakaganda ng pagkakaayos. Napaka-romantic ng setting doon, may isang table na nakalaan para sakanilang dalawa at may rose petals na naka-shape ang salitang MAHAL KITA.
"Happy 3rd Monthsary, mahal ko"
"Ang aga naman. Haha. 10 palang kaya."
"Mas maganda na yung maaga. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari bukas eh"
"Heh! Ano ka ba, wag ka ngang ganyan."
"Mahal kita"
"Mahal na mahal na mahal din kita"
Iniabot ni Gab ang kanyang kamay na akmang humihiling ito na isayaw si Gale. Iniabot naman ni Gale ang kanyang kamay, sumayaw sila, sumayaw sila hanggang sa sumilong na ang araw...
Naihatid na ni Gab si Gale sakanila at biglang tumunog ang phone ni Gale.
"Hello, mahal ko. Pwede magtanong?"
"Corny mo ha! Hahaha. Ano yun, Gab ko?"
"Corny ka pa xD"
"Ano yung tanong mo?"
"Paano kung mamamatay na ako bukas, ano gagawin mo?"
"Halaaaaa! Ayoko, ayoko, ayoko. Wag ka namang ganyan oh. :("
"May isang araw pa ako para maghanap ng mag-aalaga sa'yo"
"Gab, masamang biro yan"
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita :*"
"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita. Huwag ka ng magbiro ng ganun ha?"
"Opo. Bukas, 10 am ba?"
"Opo"
"Sige tulog ka na mahal ko. Kita tayo bukas!"
"Good night"
Kinabukasan, nagkita-kita ang magbabarkada at bumili ng tickets para manood ng sine. Biglang namutla si Gab, lumabas sandali at tumungong banyo. Dali-daling sumunod si Gale dahil sa pag-aalala. Nataranta ang lahat, hindi na nila pinatapos ang movie at dali-daling tinakbo sa ospital si Gab.
Lumipas ang dalawang oras.
Pagkalabas ng doctor sa ER
"Ginawa po namin ang lahat-lahat pero di na po kinaya ng katawan niya"
"ANONG NANGYARE!?" Kumawala ang mga luha sa mata ni Gale.
"Wala na po siya"
"HA!? BAKIT? ANONG SAKIT NIYA?"
"Liver failure"
Huminto ang mundo ni Gale. Bumuhos lahat ng luha. Nadurog ang kanyang puso. Hindi niya alam ang gagawin niya. Sa isang kisapmata, nawala na ang pinakamamahal niya. Hindi niya alam yung biro pala ni Gab ay totoo. Kaya pala siya binati ng happy 3rd monthsary ng maaga. Hindi niya alam na ang kanilang pagsayaw kahapon ay ang HULI na nilang SAYAW.
BINABASA MO ANG
Huling sayaw (One shot, true-to-life)
RomanceWalang nakakaalam kung anong pwedeng mangyari bukas. Maaaring may aalis, maaaring may darating...