Captive

6 0 0
                                    


This is a work of fiction. Names, Events and some place are purely fiction.

-----------------------------------------------------------

Nanlamig ang tiyan ko ng pumasok ang dalawang lalaking nakaitim at marahas akong itinayo.

"Walk!" sigaw niya habang nakatutok sa ulo ko ang baril.

Nanginginig ang mga paa ko habang naglalakad hanggang sa naramdaman ko ang pagtulak nila sakin sa labas ng bahay. Napaupo ako sa putikan habang patuloy ang malakas na ulan.

Patuloy sa pagdaloy ang luha ko. Takot na takot ako. May video camera sa harapan ko habang may dalawang lalaki na may malalaking itak na hawak ay lumabas mula sa bahay at naglakad papunta sa direksyon ko.

I looked left and right, to think of an escape plan. At nung narealized kong wala. I looked above the dark skies and prayed to God.

"Behead! Behead! Behead!" sabay sabay na sigaw ng mga lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Iginala ko ang mga mata ko sa kanilang lahat at napako ito sa isang lalaking nakatitig sakin. Hindi sumisigaw at tila walang expression. I can't speak so i used my eyes to ask for help.

"Kill now! Kill now! Kill now!" mas naging agresibo ang sigaw nila. Pumikit ako at nanginig.

Lord, if this is how my life will end, I will accept it. But please save my mom and sister. I cried.

Umiiyak ako at naninikip ang dibdib sa takot nung pumunta ang isang lalaki hawak ang itak sa posisyon niya habang nakangisi sakin. Itinaas ang itak para bumuwelo. I flinched and closed my eyes.

Nawala ang sigawan at hiyawan. Naging tahimik ang paligid at tanging ulan lang ang maririnig.

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napatitig ako sa lupa at unang nakita ko ang sapatos. Kaya kabado ako at dahan dahan itinaas ang paningin. Nanlalabo man dahil sa ulan at pagiyak, nakita ko pa din ang lalaking hiningian ko ng tulong kanina.

Nawala ang kaba.

Pero bumalik.

Pagkatapos niyang bunutin ang baril at itapat sa ulo ko. I don't know what to do anymore. Pumikit ulit ako habang iniintay ang kamatayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Captive Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon