LIARMabilis kong iniyapos ang aking mga braso sa aking dibdib nang biglang humangin. Nanginginig akong sumunod kay Adan papunta sa kung saan.
Hindi ko talaga alam kung bakit hinayaan ko lang siya na isama ako rito. Nagreklamo ako pero hindi naman ako bumaba ng sasakyan niya kanina. Nagpatianod na lang ako dahil wala rin naman akong gagawin sa dorm.
Nakakatawang isipin na hindi ko naman talaga siya kilala and yet sumasa ako sa kanya. Kahit pa ilang beses ko na siyang minura sa aking isipan at isa siyang ungas at isa siyang sinungaling, sumama pa rin ako sa kanya. Hay nako, heto na ata ang naiisip ng mga taong walang magawa sa buhay. Kahit sa stranger nakikisama na.
"Nilalamig ka ba, Hattie?" Napalingon ako kay Adan nang magsalita ito.
"Yes." Tipid kong sagot at nanginig ulit sa dulo. Napailing ako at mas lalong hinigpitan ang aking yakap sa aking sarili.
"Bakit kasi hindi ka nagdala ng jacket?"
"Hello! Wala ka po kayang sinabi." Nakairap kong sagot.
"Didn't you read---oo nga pala! Hay! Just wear this jacket. I'm good." Marahan niyang binato ang kanyang jacket papunta sa akin. Napasinghal ako nang tumama ito sa aking mukha.
Parang wala itong nakita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napapadyak ako at padamog na isinuot ang kanyang jacket.
Bakit kasi hindi na lang niya binigay kanina? Alam naman pla niyang hindi ko nabasa yung letter tsaka alam niya ring wala akong dala. Tapos sa Baguio pa niya ako dinala? Wala atang utak itong ungas na ito eih.
"We're here."
I roamed my eyes to the house. I was so amazed with the house. It really looks like an ancient house. Sobrang detailed nung mga gamit. Makaluma yung vibe tapos sobrang daming antik antik sa iisang lugar. Luma na yung mga gamit pero sobrang ganda at nakakabilib pa rin.
"So amazed, huh?" I heard Adan's chuckle. I ignored him and continued walking through the house.
"Whose house is this?" Tanong ko sa kanya habang tutok na tutok pa rin sa bahay.
"My grandparents' house." Sagot nito.
"When was this built?" I asked again. Napabaling ang aking tingin sa mga nakaukit na mga salita sa pader sa may dulong bahagi ng bahay.
Dahan-dahan naman akong naglakad papunta roon, "year 1954. When my grandparents were just dating."
Napahinto ako sa paglalakad, "That's ridiculous! Nagtayo na agad sila ng bahay kahit nagliligawan pa lang sila?"
Grabe naman yun! Eih walang kasiguraduhan yun. Paano kung nagpagawa na kayo ng bahay kahit nagdadate pa lang kayo tapos iiwan ka rin pala? Ang non-sense lang.
"Yeah, that was actually my reaction noong ikwento sa akin ni mama yan. Pero, yeah, oo. May kasiguraduhan kasi sila dati. Hindi naman sila magpapatayo agad ng bahay kung hindi sila sigurado na sila na talaga ang itinadhana." Kwento nito.
"Sigurado na pala sila eih bakit hindi pa sila nagdesisyon na maging magkasintahan?" Tanong kong muli. Marahan kong hinawakan ang mga nakaukit sa pader.
Sobrang sarap sa pakiramdam habang hinahawakan ko ang mga ukit. Masyadong malalim ito.
"I don't know. Hindi na nakwento sa akin ni mama." Sagot naman nito. Feeling ko naiinis na sa akin ito pero pinipigilan niya lang yung sarili niya.
Napatango-tango na lang ako at hindi na nag-tanong ulit. Tinuon ko na lang ang aking pansin sa mga nakaukit. Tila mga salita iyon. Mga kakaibang salita.
YOU ARE READING
It Doesn't Really Matter
General FictionAll of the things that had happened to her didn't really matter. But when she got into an accident and no one was there for her, it mattered.