Chapter 1

20 0 0
                                    

Trisha's P.O.V

Hay... ano ba to?! Ang dami dami kong kailangan na tapusin na article. Ugh! Ang hirap maging writer! Kung ba't naman kasi nasali ako dito sa Journalism achuchu. Ba't ako ginawang writer ng newspaper ng school?! Hustisya! Tambak na nga yung assignments and projects namin eh. Tingin talaga nila kaya ko tong gawin? First year high school lang ako hello?!

"Ms. Ferrer pakikuha naman yung mga topic sa table ko." Wow. Nagawa pa kong utusan. Asar na! Editorial writer ako. 5 articles sakin. Then pag hindi nakapagpasa on time papagalitan? Kung gusto nilang makapagpasa on time yung mga writer dapat hindi nila inaabala!

"Alam mo naman siguro yung table ko diba?" Sabi ni Sir Torres. E di syempre. Ano pa bang magagawa ko? E di tumayo ako at lumabas ng library.

.....

Ugh. Nasan na ba yun? Nasa tapat na ko ng table ni Sir ngayon. Sabi niya nakapatong lang daw sa table. Eh nasa cabinet naman. Mag-uutos na nga lang di pa inayos.

.....

Ano ba naman tong mga to?! Nakaharang pa sa daan! I really hate it pag may mga barkadahan ng boys na ang babagal maglakad. Feeling cool huh?

"Uy padaanin niyo naman si Trisha." Sino yun? I heard someone say my name. And nagtinginan sila sakin.

"Yieee. Trisha ka na pala ngayon huh?"

"Dre di kami informed!"

Bat kilala ako nun? Tch. Nevermind.

A/N : Hi guys! Nangyari po talaga sakin to. So based on a real experience ng author ang story na ito. Nagkaroon ako ng Boy Bestfriend but di naging kami and we didn't fell for each other. So the rest is fiction. Enjoy! Intay nalang po ng updates.

Flood LikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon