"Hindi ko maisip na may katulad mong magmamahal pa sakin kahit anong pinagdaanan ko. hindi ko akalaing may taong tulad mo na tatanggap sakin at mamahalin ako sa kung sino ako. Ang bilis ng pangyayari. di ko na maisip basta ang alam ko, dahil sayo, nabuo ulit ako."
Sa dami ng taong nakakasalubong mo araw araw, masasabi mo bang isa na dun yung taong magmamahal sayo at mamahalin mo ng totoo? sya kaya yung nakasabay mong kumain ng fishball sa labas ng campus nyo? yung taong nakatabi mo sa printing station? yung nag aabang na matapos ka sa internet cafe kasi walang vacant at ikaw na yung pinakamalapit mag time? sya kaya yung seatmate mo nung first day of classes? o baka sya yung nakachat mo sa facebook na nakilala mo sa isang group? sa dami ng populasyon sa pilipinas, sino kaya yung nag iisang taong magmamahal at mamahalin mo ng totoo?
Ryan's POV
"Ano ba yan? ang tagal mong kumilos! late na tayo sa gig oh?" pasigaw na sinabi ni liam habang nag aayos ako. "Kakamadali mo, nagagahol ako, lalu lang tumatagal dahil puro mali nagagawa ko." masungit kong sagot sa kanya. napaka sungit kasi nitong si liam pero the best best friend yan. napakasupportive. halos ata lahat ng competition na sinalihan ko, nandun sya. haha by the way, I'm Ryan Ang , 22 yrs Old from bulacan. Nagtatrabaho ako sa isang learning center. Graduate ng education course. well , makikilala nyo pa ko while the story goes. "Oh, arte, tara na." sabi ko kay liam habang binuhat ko na yung bag ko. may gig kami somewhere in bulacan. Lead vocalist ako habang sya ay gitarista ng banda. back up din pag di ko kaya yung kanta. haha well, he's also a good singer. marami ngang nagkakagusto sa kanyang chicks dahil bukod sa maganda ang boses, 5'9 ang height, slim at may itsura. ang kaso dito (.............)
" hey bro! kanina pa kayo hinihintay ni manager. bat ba natagalan kayo?" bungad samin ni erwin. sya yung kapalitan ko sa pagkanta at kaduet sa ibang kanta.
"Eh kasi tong si rya------"
"sobrang traffic bro kaya natagalan kami. nasira pa yung gulong namin kaya ganun." napigil yung pagsasalita ni liam dahil nagsalita ako. ayoko pang mawalan ng trabaho nu? haha
"oh tara na sa backstage ng makapag ayos kayo ng konti at makita kayo ni manager." hinila na nya ako.
"sorry po medyo nahassle sa way papunra dito." sabi ni liam sa manager namin. haha sasakay din pala ang lolo mo.
"ok lang, oh sige na, lumabas na kayo at simulan nyo na ang first set." sabi ni manager. akin ang first set kaya lumabas na ko at si liam. medyo ayoko ng mga kanta ngayon, You and me by lifehouse yung una, tapos sinundan ng Mahal na mahal ni sam concepcion, kung akin ang mundo ni erik santos. naenjoy ko naman pero hindi talaga. haha ang gulo. after nun, umupo na kami sa table at uminom ng konti.
"O liam, kumusta na nga pala kayo ng (............)" tanong ni erwin.
hahaha sige na nga, yung unang (.......) sinandya ko talaga. pero sige, sasabihin ko na.
ang kaso, si liam ay bisexual kaya hindi sya ganun kadalas makipagrelasyon sa babae. "kumusta na nga pala kayo ng BOYFRIEND mo?" may boyfriend sya. model sya pero di ko naman alam kung saan. siguro sa tindahan ng tubo haha just kidding. 1year and 9 mos na sila. madalas man silang mag away dahil sa simpleng bagay, matibay parin sila kasi parehas namang di gumagamit ng pride. hehe at syempre TIWALA LANG.
"Ok naman kami, actually papunta sya ngayon." tipid na sagot ni liam.
"Eh ikaw naman ryan? naaalala ko pa yung lagi mong kasama nung college ka ha? yung kaya ka natanggal sa banda dahil sa kanya lahat ng oras mo? yung unang una mong pinakilala sa pamilya mo? " ang daldal talag nitong si erwin.
"Past is past. shot!" tipid kong sagot.
"woooooah! yah right , I know you're still affected about it." pasigaw na sinabi ni erwin
BINABASA MO ANG
beginning of the end
RandomLOVE has no gender. And we are all equal when it comes to falling inlove. mahirap, minsan masakit pero kadalasn, It will make you happy and motivated. I am writing this story not only to catch the attention of everyone and not to impose that I am...