CHAPTER 09
DEATH
CLEOPATRA
"FUCK!" sabay na wika ni Forseti at Rhyder habang ako naman ay napatili.
The cable snapped. Napasigaw din ang mga kasama namin sa kabilang building. The wind was slapping my face and blowing my hair as we neared to the wall of the building.
"Brace for impact!" sigaw ni Rhyder. Ikinapit ko ang braso ko sa cable wire at pumikit habang tumitili. I gasped when the left side of my body hit the wall hard, kamuntikan pang matanggal ang pagkakakapit ko sa cable.
I groaned as I felt the pain in my body. Shit! I hope my arm isn't broken! Napatingin naman ako sa baba ko kung nasaan si Forseti. Tulad ko ay parang may iniinda rin siyang sakit.
"Are you hurt?" tanong niya sa akin. My face crumpled when my injured knee ached. Not again!
"A little." Sabi ko nalang sa kaniya pero mukhang hindi siya naniwala.
"Ikaw?" tanong ko sa kaniya.
"It's nothing." Sagot niya. Wow naman! Porket puro muscles 'yang nasa katawan niyo.
"Wala bang magtatanong kung ayos lang ako?" nahihirapang tanong ni Rhyder na mukhang masakit din ang katawan. Buti nalang at hindi ang likod niya ang tumama sa pader kundi ay maiipit si Red, I'm glad that the dog is safe. Masama naman naming tinignan si Rhyder.
"That's what you get pag nag-iinarte ka." Sabi ni Forseti sa kaniya. Rhyder frowned.
"And Rhyder? Your pants are falling." Sabi ko sa kaniya. Napatingin siya sa pantalon niya, ngayon kasi ay nakikita ko na ang red niyang underwear. What an unpleasant sight.
"Guys! Okay lang kayo?" tanong nila sa amin mula sa itaas. Tiningala namin sila at nakadungaw silang lahat mula sa gilid ng building.
"Yes! Yes! I'm very fine!" natutuwang wika ni Rhyder.
Nagsimula na kaming umakyat sa cable. Nang makarating kami sa tuktok ay dinaluhan nila kami kaagad.
"Cleo! Your knee.." sabi sa akin ni Peppy at tumingin sa bandage na kayon ay bahagyang dumudugo na ulit. Umiling ako sa kaniya.
"Hindi naman na masyadong masakit." Sabi ko sa kaniya. Ang mas masakit ay ang buong katawan ko dahil sa pagtama namin sa pader. Parang nahulog na rin kami mula sa building. If we delayed a few more seconds, baka naging meryenda na kami ng mga zombies.
"Don't move too much, I know it hurts." Sabi sa akin ni Forseti na nasa tabi ko. Tumawa nalang ako dahil sa sinabi niya. Naramdaman kong may yumakap sa akin.
"Thank you for not leaving me.." sabi sa akin ni Valerie. I chuckled.
Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong lumapit si Rhyder sa puwesto namin. Nilahad nito ang kamay niya kay Valerie bago nagsalita.
"Can I have my belt back?" sabi niya. Reia who was behind Valerie frowned at him. She shoved the belt at Rhyder's chest.
"Oh! Lamunin mo!" Asik ni Reia sa kaniya. Mukhang hindi naman pinansin ni Rhyder ang pinagsasabi ni Reia, sa halip ay tuwang-tuwa pa siya dahil nakuha niya na ulit ang belt niya.
"Alam mo Rhyder? Panira ka talaga ng moment!" sermon pa ni Reia sa kaniya. Napahawak si Rhyder sa mukha niya at parang may pinunasan doon. He made out a disgusted face.
"Reia! Tumatalsik ang laway mo!" sabi ni Rhyder sa kaniya. Maski ako ay naramdamang may tumalsik din sa pisngi ko. That's weird. Nakatalikod kaya si Reia sa akin, ano 'yon, nagtatumbling ang laway niya? Muling may tumalsik sa akin ngunit ngayon ay sa braso na ito. Reia isn't even speaking!

BINABASA MO ANG
Cleopatra: The Zombie Slayer
Misterio / SuspensoFirst, there was a mysterious virus. Next came the apocalypse. Then death. And the girl who stood at the center of them all is Cleopatra, the Zombie Slayer.