CHAPTER 11
LOCKED
CLEOPATRA
"GAGO KA WYATT! BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?" tanong ni Sage habang lumalangoy sila nina Louise at Reia papunta sa isang bus.
"Ngayon ko lang naalala!" sagot ni Wyatt habang lumalangoy naman papunta sa isang sasakyan.
Sinubukan kong umakyat sa isang sasakyan pero masyadong itong madulas at mataas, hindi ko maangat ang sarili ko. Hanggang sa naramdaman kong may pumulupot sa bewang ko. Akala ko kakagatin na ako ng buwaya pero braso lang pala ni Forseti iyon. Walang hirap niya akong binuhat at inangat. Nang makaakyat na ako ay siya naman ang tinulungan kong makaakyat.
"Ikaw ang matalino sa atin diba? Wyatt naman!" nagreklamo si Rhyder habang lumalangoy pa rin. Si Red na nasa likod nito ay parang sarap na sarap at walang pinoproblema sa buhay.
"Sorry ah? Nakakahiya naman sa'yo." sarkastikong saad pa ni Wyatt atsaka siya umakyat sa isang sasakyan.
"Rhyder! Faster! Papunta na sa'yo ang buwaya!" narinig namin ang nagpapanic na boses ni Reia. Parang naubusan ng dugo sa mukha si Rhyder at binilisan pa ang paglangoy, kahit si Red ay tinatahulan na ang paparating na buwaya.
"Shit. Shit. Shit." sunod-sunod na mura ni Rhyder. This is not gonna work, maaabutan sila Rhyder. I remembered that we brought guns. Hallelujah!
Mabilis kong kinuha sa bag ko ang isang baril. Mabuti nalang at waterproof ang bag ko at hindi ito nabasa.
"Itapon mo si Red dito! Kahit si Red nalang!" sigaw ni Nami.
"Tangina niyo!" mura ulit ni Rhyder. Kapag titigil siya ay malamang maaabutan na siya ng buwaya.
While they are all busy cheering for Rhyder, I aimed at the crocodile. It's moving and it's fast, I'm not sure if I can make this shot but anywhere will do except for Rhyder.
Malapit na talaga ang buwaya kay Rhyder at si Rhyder naman ay parang iiyak na sa takot. Then I pulled the trigger.
Nagulat silang lahat dahil sa malakas na tunog. Ang buwaya naman ay nagwala dahil natamaan ito sa likod. Rhyder took that chance and climbed at the nearest car.
"The zombies certainly heard that." sabi ko sa kanila.
"The zombies are already coming this way, anyways." sabi sa akin ni Forseti.
"Thank you, Lord! Buhay pa ako! Thank you, Cleo! I swear, I can kiss you right now." sabi sa akin ni Rhyder hindi kalayuan sa amin.
"You better not." pagbabanta ni Forseti sa kaniya.
"Joke lang." pahabol ni Rhyder. Kahit tinamaan ang buwaya ay mukhang hindi pa rin ito namamatay. Crocodiles have thick hides afterall, at sa likod lang ito natamaan.
"We should get out of here before the zombies come. Hindi ko alam kung nakakalangoy sila but I don't want Baskerville waters to be infested by zombies instead." sabi ni Sage sa amin.
"Pero paano tayo aalis dito kung may mga buwaya namang nakaabang?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Louise.
"We'll think of a way. Raph, ilang minuto bago sila makarating?" tanong ni Forseti.
"I'm not sure, we might have 15 minutes left, more or less." sagot ni Raphael. That's not good.
"Ilabas niyo lahat ng baril niyo." sabi ko sa kanila at ginawa naman nila.
"Cleo, we can't shoot something we can't see." sabi ni Valerie sa akin.
"Nagtatago ang mga buwaya at hindi natin alam kung ilan sila." dagdag naman ni Raphael. Yes, this crocodiles are damn smart. Wala kaming mapapala kung maghihintayan lang kami dito.
BINABASA MO ANG
Cleopatra: The Zombie Slayer
Mystery / ThrillerFirst, there was a mysterious virus. Next came the apocalypse. Then death. And the girl who stood at the center of them all is Cleopatra, the Zombie Slayer.