Chapter 28

516 16 1
                                    

Gumising ako kinaumagahan at wala nang Donny sa tabi ko. Napangiti ako ng makita ko ang note niya na nasa unan niya kagabi.

Good morning, Love. Maganda ka pa sa umaga. See you later! I love you.

Love,
D

Ang corny niya talaga! Pero saan na naman kaya siya dumaan? Don't tell me sa bintana ulit? Tsk! Napailing ako.

"Good morning po, ma'am." bati sa akin ng mga employees ko.
"Good morning." bati ko pabalik.
"May bisita po kayo sa loob. Kanina pa po naghihintay." sabi ni Anne, secretary ko.
"Sino?" tanong ko.
"Secret daw po. Bawal daw po sabihin. Basta love of your life daw." sagot niya sabay hagikhik na parang kinikilig.
Bigla naman akong naexcite. Ang aga naman ni Donny. Binilisan ko ang lakad ko. Nang buksan ko ang pinto, tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki na may dalang bouquet of flowers.
"Ricci." tawag ko.
"A-Ang aga mo yata." sabi ko.
He just shrugged his shoulder.
"Namiss kita eh." sabi niya. Sabay bigay sakin nung dala niya.
"May pa flowers ka pa ah. Anong nakain mo?" asar ko.
"Wala lang. I just want to surprised you." sagot niya. Umupo ako sa chair ko.
"I have lot of patients na nakaschedule today. So, hindi ata kita masasamahan today. " sabi ko.
"Grabe siya, hindi naman ako magpapasama sayo ngayon. Wala naman akong balak gumala. Tatambay lang sana ako dito, kung okay lang sayo." sabi niya.
"Bawal kasi visitors dito sa loob. Alam mo naman yun, diba? Wala ka ba talagang gagawin dito? Ayaw mong bumisita sa mga cousins mo sa Palawan?" tanong ko.
"I am planning to visit them by next week. Syempre gusto ko munang makipagquality time sayo." sabi niya.
"Ricci, I'm not your girlfriend, okay?" paalala ko.
"I know. Not yet." sabi niya.
"Okay. May mga patients akong nag-aantay sa labas. I don't want to wait them for too long." sabi ko.
"Kanina mo pa akong tinataboy." sabi niya na parang nalulungkot. Bigla naman akong naguilty.
"I'll call you later. Dinner tayo after shift. Okay lang?" tanong ko. At mabilis naman siyang tumango.
"Okay! See you later then." sabi niya. Pagkatapos nun, nagpaalam na siya at umalis. Napabuntong-hininga ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko na hindi siya nasasaktan? Haaays!

Hindi pa ako nakakalahati sa patients ko nang lumapit sa akin si Anne at may binulong.
"Ma'am, meron na naman po kayong bisita sa labas." bulong niya.
"Sino na naman? Please if hindi naman importante yung sasadyain nila, tell them to wait." utos ko. Tumango naman siya at lumabas na ulit.

"Okay, balik ka ulit next week for another session. You can call me anytime, okay?" advised ko sa last patient ko. Tumango siya at nagpaalam na din. Napabuntong-hininga ako. I glanced at my wristwatch. It's already 2:30 pm. Nice! Makapaglunch break na nga.
I called Anne.

"Nakalunch break kana?" tanong ko.
"Opo. Kanina pa po." sagot niya.
"Sayang hindi ako nakapagpasuyo sayo ng pagkain. Hindi na kasi ako nakabaon kanina. Hays! Anyways, sa labas nalang ako kakain. I'll be right back by 3 pm onwards. Okay?" bilin ko at nagsimula nang tumayo at aakmang lalabas pero pinigilan niya ako.
"Wait lang po. May bisita pa po kayo sa labas. Kanina pa nag aantay." sabi niya. Oh! I almost forgot!
"Sige papuntahin mo dito." sabi ko.
"Okay po." sabi niya at lumabas na.
Hay naku! Kung kailan gutom na gutom na ako.
Habang nag-aantay sa bisita ko, naisipan kong i-text si Donato. Hindi ko pa natapos yung pagtype ko nang dumating yung bisita ko. Gulat na gulat akong nakatitig sa kanya.
"Donato!" mahinang saad ko.
"Iwan mo muna kami, Anne. Salamat." sabi ko nang nakangiti sa kanya bago bumaling kay Donny na may dalang paper bag. Tumango naman si Anne at umalis na.
"Hi." bati niya nang nakangiti nang malapad pero naglaho nang makita kung ano ang nasa likod ko. Flowers ni Ricci.
"Oh! May nauna na pala sa akin dito." sarkastikong sabi niya.
"Akala ko hindi na tayo magkikita ngayon." sabi ko ng nakapout.
Kinurot niya ako sa pisngi at niyakap.
"Bakit naman hindi? Kanina pa ako naghihintay sayo." sabi niya.
"Sorry naman. Busy lang talaga. Ang dami kasing nakaappoint this day. Meron pa akong patients mamaya." sabi ko. "Gutom na ako." dagdag ko.
"I know. Bumili ako kanina sa fast food kasi sabi ng secretary mo hindi ka pa daw naglalunch." sabi niya. Nilapag niya naman yung paper bag na dala niya sa mesa ko at kinuha ang pagkain sa loob nun. Pinanood ko siyang ihanda yung pagkain namin. Kumunot na naman ang noo niya nang makita ang bulaklak.
"Pakitapon naman nitong basura." sabi niya sabay turo sa bulaklak. Napatawa ako sa pagiging childish niya.
"Wag naman. Ang ganda kaya. I-didisplay ko nalang to sa front desk namin. Sayang naman kung itapon to." malambing na saad ko.
"Kaya kitang bilhan nito kahit sampu pa." sabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran niya.
"Tama na yang selos mo. Gutom na ako." sabi ko.
"But make sure next time na wala na akong makikita na ganyan dito sa loob. Of course, mine is an exception." sabi niya na ikinailing ko lang.

Cracks of the Broken Heart (Shardon Story)Where stories live. Discover now