CHAPTER 14
CAUGHT
CLEOPATRA
"LET'S GO.." sabi ko at lumapit na sa metal fence.
"Wala akong nakikitang pintuan na puwede nating daanan." sabi ni Zac. I started climbing.
"Doors are really not much of help." tanging sagot ko. I heard Forseti cursed before climbing beside me.
"You are so reckless, baby." sabi niya sa akin nang mapantayan niya ako. Sa totoo lang, hindi ko gustong tinatawag niya akong 'baby'. Ayaw ko kasing umasa. But still, a part of me likes it and hopes that he'll call me his baby forever.
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil naging abala ako sa pag-akyat. When we were on top, I jumped to the ground. Hindi naman ito sobrang taas para masaktan ako pagkababa. I know that falling for Forseti is much more painful than any fall.
Bigla akong napatawa dahil sa iniisip ko.
"What?" naguguluhang tanong ni Forseti. They're probably thinking that I'm crazy right now for laughing. Umiling na lang ako sa kaniya.
May sasabihin sana ulit siya nang bigla nalang kaming nakarinig ng kulog. Sabay-sabay kaming tumingin sa langit, only to find out that dark clouds loomed over us once again.
Kanina sobrang init tapos ngayon ay gusto naman umulan. Honestly, if zombies won't kill us then climate change will.
"Bilisan na natin, hindi magandang abutan pa tayo ng ulan." sabi ng isang lalaki.
"Actually, the rain is in our favor." sabi ni Wyatt. I guess he is pertaining to yesterday's rain. Wyatt started explaining to others about what happened.
Kahit man umulan at lituhin nito ang mga zombies, nasa kabilang parte pa sila ng tulay. As long as they remain where they are, we'll be safe. What could go wrong?
Kidding aside, our group ran towards the entrance of the airport. Gaya rin ng inaasahan namin ay nakakandado ang mga pinto. What made it harder is that tables were blocking the doors.
"Someone's inside.." sabi ni Forseti. Saglit akong naguluhan bago ko narealize kung bakit nakaharang ang mga mesa. They were acting as a barricade and of course, someone put it there.
"Paano tayo makakapasok?" tanong ko. He shrugged.
"Maybe we should look for another entrance." sagot niya. Bukod dito sa main entrance, merong pasukan sa likod kung saan bumababa ang mga pasahero ng eroplano. Malaki ang airport na ito kaya matatagalan kaming umikot pa.
"What if we break the glass?" tanong ko pa. Umiling naman siya.
"I don't think it's a good ide—"
Nagulat nalang kaming lahat nang biglang nabasag ang isang bahagi ng salamin sa tabi. A big portion of it came off. Ang salarin ay si Rhyder na nagtapon ng luggage cart.
"Rhyder!" sinita namin siya.
"What? At least may mapapasukan na tayo." sabi niya sa amin at pumasok na habang sumisipol pa. Saglit kaming nagtinginan ni Forseti dahil hindi raw ito magandang ideya. Sa huli ay wala na kaming nagawa kung hindi ang sumunod na.
"Nasa west wing ang mga carts." sabi ko sa kanila. Lumingon sa akin si Forseti.
"How did you know that?" tanong niya sa akin. Napatigil ako sa paglalakad dahil nagtaka rin ako kung papaano ko nalaman.

BINABASA MO ANG
Cleopatra: The Zombie Slayer
Mystery / ThrillerFirst, there was a mysterious virus. Next came the apocalypse. Then death. And the girl who stood at the center of them all is Cleopatra, the Zombie Slayer.