CHAPTER 17
PEACE
CLEOPATRA
"LARGA!" I groaned when I felt my head ached. I think I haven't fully recovered from my concussion yet. And I just had a bad dream.
"Larga na!" Sino ba 'yang sigaw nang sigaw? Natutulog pa ako kaya puwedeng huwag silang sumigaw?
Kaagad nagmulat ang aking mga mata nang maramdaman kong gumalaw ang higaan ko. Or maybe not.
I forgot that I bawled my eyes out last night and fell asleep on the rooftop of a random bus! Napabalikwas ako mula sa hinihigaan ko at tumingin sa paligid ko. Shit. These are the buses that will take the quarantined people to Eras City.
Hindi pa nga kami dumaaan sa quarantine tapos pupunta na ako sa susunod na siyudad. Well, it's great, really. Pero kapag nahuli ako ng mga bantay sa gate malamang madadagdagan na naman anag criminal record ko!
Umaandar na ang bus at hindi ko alam kung papaano ako bababa. I can't just jump and break my bones. So I've decided that I'll peacefully come down when the bus stops.
The bus didn't make any stops.
Halos lumabas na mula sa dibdib ko ang puso ko habang papalapit kami sa gate ng Eras city. Sana tumalon nalang ako sa damuhan kanina, I think that is better than facing hundreds of soldier in the gate of Eras city.
Hindi ko alam ang gagawin ko! Should I tell them that I'm lost? Or that I accidentally slept here? Hindi sila maniniwala, alam ko. Tatakbo nalang ba ako?
Hindi na nga ako makapag-isip ng tama dahil sa break-up ko tapos mangyayari pa 'to sa akin ngayon. Hindi ko ba alam kung malas ba ako o tanga lang talaga ako.
Nakahiga lang ako sa taas ng bus ngayon. Ipinagdadasal ko lang na sana hindi ako makita ng mga bantay na 'yan. Kung makita man nila ako, magpapanggap nalang akong patay.
Halos hindi na ako humihinga nang tumigil na ang bus para inspeksiyunin ito ng mga sundalo.
Huwag kayong tumingin sa taas, huwag kayong tumingin sa taas.
"Psst!" napatingin ako sa lalaking nakadungaw ang ulo. Nanlalaki ang mata na tinignan ko siya. Why is he?
"Pasok, bilis." bulong niya sa akin.
"Suriin niyo ang bubong ng bus." narinig kong utos ng isang sundalo sa baba. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at sinundan ang lalaki. Mabilis akong pumasok sa loob ng bus mula sa bintana kung saan dumungaw ang lalaki kanina. Mabuti na lamang at walang sundalong nakatingin sa kabilang parte ng bus.
Pigil-hininga akong umupo kaagad sa isang upuan sa bus katabi ang lalaking sumagip sa akin. Mukhang hindi ako napansin ng ibang mga pasahero.
Nakahinga na lamang ako nang maluwag nang maramdamang umandar na ang bus at tuluyang nakapasok ng Eras City. I rested my body on my seat and sighed.
"You're the lady that saved us, right?" masiglang wika ng lalaking katabi ko. He is around fifteen year old, I guess.
"I didn't—" save you. I was immediately cut of by a woman in front.
"Nakita ko, inaresto ka dahil sinira mo ang mga speakers para hindi pumasok ang mga zombies." sabi niya. They saw me? Uhm, this is awkward.
"Well, that is partly true—"
"Oh diba? Sabi ko sa inyo siya 'yon!" hinampas-hampas ng babae ang katabi niya at tuwang-tuwa.
"Pero hindi ako ang sumira ng mga speakers. May nauna na." sabi ko sa kanila.

BINABASA MO ANG
Cleopatra: The Zombie Slayer
Misterio / SuspensoFirst, there was a mysterious virus. Next came the apocalypse. Then death. And the girl who stood at the center of them all is Cleopatra, the Zombie Slayer.