CHAPTER 18

139 7 0
                                    

CHAPTER 18

ISOLATION


CLEOPATRA


"I CAN GIVE YOU MY NOTES." Pam offered as we eat in the cafeteria. Isang buwan na ang nakalipas simula noong magsimula ang klase at dahil ngayon lang ako nag-transfer kuno dito sa Eras ay madami akong nakaligtaan.

Basically, I'm way behind. Not that it matters anyways, considering that there are actually zombies outside waiting to devour us. Hindi na mahalaga ang pag-aaral ngayon! Mas importante ang makaligtas!

There are zombies! Not the kind of zombies you see before mid-terms and finals but real-life walking zombies! God knows how I wanted to shout that out right here, right now.

"Cleo?" I snapped back to reality after Pam called me.

"Yes! Yes, thank you." pagtanggap ko sa alok niya.

"Kanina ko pa napapansin sa klase kanina, you space out a lot." sabi ni Vander habang nginunguya ang pagkain niya. Napatingin ako saglit sa kanila at mukhang katulad ni Vander ay napansin rin ako at nagtataka. I sighed.

"It's just that, I've been through a lot before I got here." sabi ko. That may not be the whole truth but it is still true. Hindi ko pa pwedeng sabihin na nakatira lamang sila ngayon sa isang pekeng realidad.

"Aww, puwede kang magkuwento sa amin, Cleo." sabi ni Yelena at hinimas ang likod ko. I just smiled at them, which of course means that I am not yet ready to tell them anything.

"Anyways, anong balak niyong gawin sa Eras Festival?" tanong ni Quin. Ngumiti siya sa isang babaeng dumaan na siyang nagpataas naman ng kilay ni Pam. Oh, is there some kind of romance going on between them?

"Tinatanong pa ba 'yan? Malamang sa Maid Cafe na naman tayo iaassign ng student council." sagot ni Jade at pinunit punit ang tissue na hawak niya.

"Pumapatok kasi ang Maid Cafe dahil sa inyong anim, na magiging pito na ngayong Eras Festival." umupo sa tabi ko si Miranda habang umiinom ng milkshake.

"Wait, what happens in Eras Festival?" tanong ko sa kanila dahil sa totoo lang ay hindi ako makarelate. Biglang pumalakpak si Vander at tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Ha! Madami! It's the best time of the year and it will happen in two weeks! Buong siyudad ng Eras ang magdiriwang at ang school natin ang magiging sentro nito. And as the school's residents, it is our job to entertain guests—" hindi na natapos si Vander dahil malakas na ibinaba ni Miranda ang baso niya at tumingin sa amin.

"Vander? Save it. As the newly elected secretary of the student council, I am hereby formally assigning your section to operate the Maid Cafe this Eras Festival." sabi ni Miranda at ngumiti sa amin. Biglang nanlumo ang mga kasama ko.

"Hindi ko na kaya.." parang naiiyak na si Yelena at napasubsob sa mesa.

"Miranda, payag akong maging all-around boy ng student council, huwag niyo lang ako pabalikin doon." nagmakaawa si Vander kay Miranda but Miranda just displayed a cold-hearted smile.

"Shit, I don't want to be harassed again." nakatulala lamang si Jared.

"Is the Maid Cafe that bad?" tanong ko sa kanila.

"No, Cleo. Huwag mo silang pakinggan, they're exagerating." sabi ni Miranda. Tinignan siya nang masama ng mga kasama ko.

"Mira! Traumatized pa rin ako nang pisilin ng matandang lalaki ang pwet ko!" sabi ni Jared. I can't even imagine that.

"And you know what? Some guy asked how much am I for the night? Ginawa ba naman akong prostitute!" sabi ni Pam.

"I didn't know that." seryosong wika ni Quin.

Cleopatra: The Zombie SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon