CHAPTER 19
TERROR
CLEOPATRA
"CLEO, PAANO MO BASAHIN ANG Y-E-S?" sabi sa akin ni Spade habang nakatambay kami sa school lobby.
"Bakit ako pa? Hindi ka ba marunong sa spelling?" tanong ko at humikab.
"Suko ka na, pre?" tanong ni Jared kay Spade.
"Do I look like I easily give up?" tanong sa kaniya ni Spade. Muli akong humikab.
"Puyat ka ata, Cleo?" tanong ni Vander. Napatigil ako sa paghikab, nahuli kaagad ako.
"Maaga lang akong nagising." sagot ko.
"As early as 3 am?" tanong ni Pam kaya napatingin kami sa kaniya. Shit, she woke up?
"Y-Yes, nag-exercise ako. Sorry, out of habit." palusot ko. Nang sinabi ko iyon ay mukhang nagets na nila. Actually, I didn't sleep. I stayed up all night dodging guards and hiding from CCTVs just to gather supplies. Yes, I am up for something.
"What is it? Anong out of habit?" tanong ni Spade sa amin.
"Cleo's father is a military general. That explains why she's so good at combat." paliwanag ni Vander.
"Ibig sabihin, kung may balak ka mang masama kay Cleo, tandaan mo na isang military general ang makakalaban mo." sabi naman ni Yelena.
"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sa inyo na wala akong balak na masama?" naiinis na tanong ni Spade.
"Spade? I've been calling you! Bakit hindi ka sumasagot?" hinihingal na tanong ni Miranda.
"Kasi ayaw ko." sagot ni Spade.
"Don't ignore your responsibilities as the student council president! Hindi mo ba alam na may welga sa Eras ngayon? Gusto nilang ibalik ang signal sa Eras city at madami doon ay galing sa school natin!" sabi ni Miranda.
"What the fuck?" napatayo tuloy si Spade.
"Saan?" tanong niya.
"Diyan lang sa malapit!" sabi ni Miranda. Wala pang isang segundo ay tumakbo na sila paalis.
"So, people really can't live without internet, huh?" tanong ni Quin habang naglalaro sa phone niya. Napansin namin na tumayo na si Vander.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Jade.
"Ayaw niyo bang malaman kung ano ang nangyayari sa welga sa labas?" tanong niya sa amin.
"Napakachismoso mo talaga, Vander." sabi ni Quin. He really reminds me of Rhyder. God, how I miss those people. Malapit na tayong magkita-kita muli.
"Okay, aren't you curious how Spade, the devil who turned, is in action?" tanong niya sa amin. Bigla silang nagsitayuan lahat maliban sa akin.
"Come on, Cleo. Show some interest to your suitor." sabi sa akin ni Vander.
"Hindi ko siya manliligaw. Tsaka, diba ikaw 'tong may ayaw sa kaniya?" tanong ko pa.
"People change. I changed. And Spade also changed, kita mo naman na nagbago na siya diba? Ibinalik niya na ang mga gamit ng iba at magaling siya na student council president. Sa tingin ko rin ay mabuti siya tao—"
"It's pointless, Vander. I know he won you over by giving you a free VIP concert ticket." sabi ko sa kaniya. Sinuhulan na ako ni Spade kahapon kaya alam kong ginawa na niya ito kay Vander kaya kung ano –ano tuloy ang pinagsasabi niya ngayon. Napatakip si Vander ng bunganga niya.

BINABASA MO ANG
Cleopatra: The Zombie Slayer
Bí ẩn / Giật gânFirst, there was a mysterious virus. Next came the apocalypse. Then death. And the girl who stood at the center of them all is Cleopatra, the Zombie Slayer.