CHAPTER 21

184 5 5
                                    

CHAPTER 21

BALL



CLEOPATRA


"I'M ALIVE!" narinig kong sigaw ni Rhyder habang kinukuyog ako ng iba at pinapagalitan kung bakit raw ako nawala nalang nang basta.

I couldn't explain myself yet because the whole story would be long and we don't have enough time. They didn't stop nagging me until Spade thought of the same thing as me and stopped them.

"Hoy! Baka nakakalimutan niyong nasa tuktok tayo ng pader?" sarkastikong wika ni Spade. Pinangkitan siya ng mata ng mga kaibigan ko.

"Don't worry, ganiyan talaga 'yan. Natural na sa kaniya ang pagiging demonyo." sabi ko sa kanila.

"Whoo!" masiglang dumating si Killy. Inikot-ikot niya pa ang kamay niya dahil kakatawid niya lang sa lubid. And then I noticed that it was already Forseti's turn to cross, hindi ko man lang namalayan. The fear inside me tripled. I hope he crosses safely.

"You okay?" tanong ni Spade sa akin kaya napapiksi ako. Bakit ba kasi ako kinakabahan?

"Y-Yes, of course." sagot ko sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin ko kay Forseti at nakitang malapit na siya.

What should I do? We just broke up but I missed him so much. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o kakausapin o wala akong gagawin. Pero kahit alin pa man doon, paniguradong magiging awkward talaga. Ah shit, sayang 'yong friendship namin.

Naguguluhan pa rin ako nang dumating na si Forseti. But the moment he stepped on the wall of Eras, he wasn't looking at my direction. Ah, of course. Ano pa ba ang saysay na maguguluhan ako kung anong gagawin, nandiyan na si Miranda so technically, I'm out of the picture.

Parang star crossed lovers tuloy ang dating nila Forseti at Miranda nang nagkatinginan sila at kaagad na nagyakapan. Okay, I'm out of here.

Nang lumingon ako sa mga kaibigan ko ay nakatingin pala silang lahat sa akin.

"What?" tanong ko sa kanila. Sabay-sabay silang umiling. Sakto naman at inilabas na nina Jade, Yelena at Pam ang mga suit at night gowns.

"What the hell is that?" tanong ni Rhyder.

"For the ball!" sagot naman ni Vander. Nagkatinginan silang dalawa. At nagkita na rin sa wakas ang dalawang ugok na hindi na ako magugulat na long lost twins pala.

"Ball, as in 'yong may mga sumasayaw?" tanong ni Reia.

"Yes, and you need to dress up real quick now. The ball's about to start." sabi ko sa kanila.

"We're in!" sabay na wika nina Poppy at Peppy. Kinuyog nila si Jade, Yelena at Pam.

"Cleo, tanong ko lang. Sinong matinong tao ang magpapasimuno ng isang ball sa gitna ng zombie apocalypse?" tanong ni Wyatt sa akin.

"Ako." si Spade ang sumagot. Oo nga pala, siya pala ang student council president at ang namamahala school-held Eras festival activities.

"Okay, I'm giving you a heads-up. The people of Eras city don't know about the apocalypse." I dropped the bomb.

"What?!" sabay-sabay nilang sigaw.

"Pati ako nagulat. At dahil may alam ako sa katotohanan, my actions were restricted and watched. Sila lang ang mga nasabihan ko at pumayag na tumulong." paliwanag ko pa.

"That's sick.." kumento ni Killy.

"Cleo." tawag sa akin ni Quin at tumingin sa kalangitan. The sun has just set.

Cleopatra: The Zombie SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon