"Hey. Wake up. It's time for breakfast."
Naalimpungatan ako nang may kumikiliting hangin sa kaliwang tenga ko. May humahaplos din sa buhok ko. Kinusot kusot ko muna ng marahan ang mga mata bago dahan-dahang nagmulat.
"Good morning" nilingon ko si Zykiel na nasa gilid ko. Siya ang kanina pa bumubulong sa'kin at ang humahaplos sa buhok ko. Kanina pa ako ginigising.
"Morning." I greeted back groggily.
Nag-inat ako ng bahagya para iwaksi ang antok sa sistema. Nang nakuntento ay nilingon ko si Aki sa kabilang gilid para batiin din sana siya. Pero wala na siya sa kinahihigaan niya.
"He's downstairs."
Pagbibigay alam niya na napansin siguro ang paghahanap ko sa anak namin. Umalis siya sa kama at inayos ang damit niyang bahagyang nagusot. Pero kahit gaano pa kasweet ang pakikitungo niya sa akin at gaano kalambing ang mga sinasabi niya ay nananatili pa ring blangko ang mukha niya. Nananatiling malamig ang aura niya. Void of any emotions. Para siguro sa iba ay maotoridad siya at parang nakakatakot i-approach. Pero sa'kin ay balewala lang 'yon. Komportable pa nga ako.
Bumangon na rin ako at inayos ang kama bago ginawa ang morning rituals ko na matiyaga naman siyang naghintay. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang nakasandal sa hamba ng pintuan at nakapamulsa ang dalawang kamay. Akala mo naman kaaway niya ang dingding dahil sa paraan ng pagtitig niya rito. Parang makakabutas ng kahit anong pader. Aakalain mong aattend siya ng lamay dahil naka all black siya ngayon. Black Jacket na na may puting panloob at pinaresan ng black sweatpants at black ding sapatos. Para rin siyang model ng Puma kasi mula pang-itaas niyang suot hanggang sa sapatos ay tatak puma.
Napaismid ako. Akala mo naman kung saan pupunta samantalang dito lang naman kami sa bahay niya. Today is the truth day nga diba?
"You're with a girl?" Napalingon siya agad sa'kin na may nagtatakang tingin.
Pinapatuyo ko ang buhok at naupo sa kama. "May pambabae ka kasing gamit dito. In all fairness kasya sa akin lahat at pareho kami ng taste sa pananamit."
Tinapos ko na ang pagpapatuyo sa buhok at hinanger na ang towel habang hindi pa rin siya umiimik at sumusunod lang sa bawat galaw ko ang mga mata niya. Naglakad na ako palapit sa kanya at nakatutok pa rin sakin ang mga titig niya.
"We even have the same taste when it comes to bathing equipment" dagdag ko pa at tinaasan siya ng kilay.
"You own all that. This is your room after all."
"What?"
Bumuntong hininga siya at inunahan na ako sa paglalakad patungo ng first floor kung saan matatagpuan ang kusina.
"Let's eat first. I will answer all your questions later."
Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod na lang sa kanya.
Tahimik lang kaming bumababa sa mala pangfairytale na hagdanan habang tinitingnan ko ang paligid. Inaasahan ko nang malaki ang bahay niya pero hindi ko pa rin maiwasang humanga sa disenyo nito. Halatang planado ang bawat detalye. Masyadong magara. At hindi ko rin maintindihan ang sarili. Para bang pamilyar sa akin ang lahat ng nakikita ko. Para bang...malapit sa puso ko. Nilingon ko ang malayong bahagi ng kaliwang side out of instinct at hindi nga ako nagkakamali. Lanai iyon.
I was busy checking his house nang bigla akong napahinto at namimilog ang mga matang napatingin sa kanya.
Nagsalubong naman ang kilay niya na tiningnan din ako ng diretso. "What? I'm asking you."
Hindi pa rin ako makaget over at namamangha pa ring nakatingin sa kanya na dahilan para halos magdugtong na ng tuluyan ang dalawa niyang kilay.
"Pwede ko bang iwan saglit si Aki kina mommy at sa nanny niya? Sasagutin ko ngayong araw ang lahat ng katanungan mo diba?"
BINABASA MO ANG
Hiding The Mafia's Son
RomansBeing a rape victim is a calamitous experience anyone can endure. Rape is a barbaric crime. Neither becoming a mother at age 12 will ever be humorous to anyone. It is a heavy responsibility that adds pain to a past wound she thought would never heal...