I. Jam

0 0 0
                                    

i.

" Class" napatingin kami sa aming guro matapos kaming tawagin.

Nakangiti siya sa amin mula sa pinto pero ang mas nakakapagtaka ay ang kasama niya lalaki.

"You have a new classmate, Mr.--?" Sabay tingin ng aming guro sa lalaking kasama niya.

"Asdd fhdks"

"Ha?" Sabi ng marami sa amin.Maging ang guro namin ay naguluhan sa sinabi mo.

"Asfghnk" inulit mo pa. Ngunit walang makaintindi.

You smiled and then said "Jam, just call me Jam"

Sino ba naman kasi ang makakaintindi sa pangalan mo eh may lahi ka pala? Galing ka sa ibang bansa. Dun ka lumaki at di ka pa ganoon kagaling sa tagalog. Yung "Jam" na pangalan mo, english name mo pala.

Natuwa ako noon. 'May kaklase akong foreigner!' Sabi ko sa sarili ko.




ii.

Nagkaroon tayo ng seating arrangement. At swerte! Katabi kita. Pero may aisle na naglalayo satin.  Okay lang yun. Atleast makakausap kita. Gusto ko kasi magpaturo ng lenggwahe niyo eh.

Pero mukhang mahihirapan ata ako, english spokening dollar ka kasi! Haha mahina kasi ako sa english, huhu pano kaya kita makakausap?




iii.

Hay salamat! Nakakaintindi ka pala ng tagalog! Juice colored, akala ko manonose bleed ako sayo! Haha pero bakit di mo kayang magsalita ng tagalog? Haha  pero di parin kita makausap,  nakakahiya kasi! Haha ano bang dapat kong sabihin? "ni hao"?



iv.

Nagkaroon tayo ng class officers, treasurer ako samantalang ikaw escort! Sa chinito mo ba namang mata at gwapo mong yan eh di ka pa maging escort? Haha. Ang ganda din ng muse nakakainggit. Bagay nga kayo eh, nagkaroon na kayo ng love team, JamLyn. Hay sana kasing ganda ako ni Lyn. Kaso hanggang talino lang naman ako. Hays.

v.

Napakabait pala ni Lyn. Masaya siyang kasama at makulit. Sinama nga nila ko sa barkada nila eh. Nakakatuwa sila. Mahilig din pala si Lyn sa Kpop!  Parehas pa kami. Parang ang perfect na tuloy niya. Bagay na kayo, mukhang perfect ka din kasi eh! Mukhang shipper na ko ng team JamLyn. Hart hart.


vi.

Omg! Totoo ba to? Kinausap mo ko?! Kyaaaaa~ pero na nosebleed ata ako, nag english ka kasi eh. Tinanong mo ko about dun sa filipino.  Di mo kasi maintindihan. Natatawa nga ko sayo eh, para kang kawawang bata dahil di mo maintindihan yung teacher natin sa filipino. hahaha pwede bang itutor kita sa filipino tapos turuan mo ko ng lennggwahe niyo? Ay ano ba yan,feeling close ako.nevermind na nga. :|




vii.

May kumakalat na chismis. Liligawan mo na daw si Lyn?! Omg JamLyn is shipping~

suportado ko kayo pero bakit ganun? May kumukurot sa puso ko. Baka may sakit na ko? Magpatingin kaya ako bukas sa doctor? Tama.tama.




viii.

Baliw na ba ko? Hindi kasi maalis yung ngiti sa labi ko. Pakialis nga! Bakit ka kasi tumitingin sakin kanina? Bakit nung tinanong kita kung bakit ka tumitingin, ngumiti ka at sinabing nothing??? Bakit ako nakangiti?! Please explain. Kinukulam mo ata ako. -.-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On the 40th dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon