Chapter 6: X Games

19 4 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa opisina ng Headmaster ng akademya, naghihintay sa pagdating niya para malaman ko na kung anong magiging kapalaran ko rito.

Kapag minamalas ka nga naman, sa lahat ng pwede kong kalalagyan, dito pa sa lugar na kinamumuhian ko. Linibot ko ang tingin ko at namamangha ako sa kulay ginto nilang mga pader, kisame, carpeted ang sahig, at parang hindi isang opisina ang kwartong ito. Para itong living room.

Kumpleto at narito rin naman ang chosen players, maging si Korrina na kakalabas lang ng infirmary kahapon. Nalaman kong dalawang araw pala akong nasa infirmary bago ako nagising at nakita si Serena. Tatlong araw namang nandoon si Korrina.

Dalawang araw na ang nakalipas magmula nang magising ako. Tumama naman ang tingin ko kay Grimsley na kasalukuyang nakikipag-usap kay Korrina sa isang tabi. Hindi pa rin mawala sa isip ko na alam niyang nandito si Serena pero wala naman akong napapansin na sinabi niya ito sa kasamahan niya.

I need to be careful around him. Kahit na bulag siya, malakas ang pakiramdam ng isang 'to. Nakita ko namang sumulyap-sulyap si Korrina at noong nagtama ang paningin namin, agad siyang nag-iwas.

Hindi ko naman siya masisisi kung natatakot siya sa akin. Muntik niyang ikamatay ang x ability ko. Mali si Serena. I can never be safe since danger lurks when I am around, causing harm to those around me.

Totoo man o hindi ang sinabi ni Grimsley tungkol sa pagiging guarded ng akademya, I will find a way to get out. Tatakas ako rito at magpapakalayo nang hindi nila ako masundan. Hahanapin ko ang mga Mesa at hinding-hindi na ako aalis sa tabi nila. Pasensya na, Serena. Kahit gusto mong dumito ako, alam ko na ang pagprotekta sa pamilya mo lang ang tanging paraan upang makabawi ako sa'yo.

Bigla naman sumagi sa isip ko ang isa pang sinabi ni Serena sa araw na iyon.

"Alam kong may nakita ka sa laban mo sa mga Greyscale," pagsasalita muli ni Serena noong nakaalis na si Aragon.

Tinignan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Agad kong iniwas ang tingin ko.

"'Di ko alam ang sinasabi mo," depensa ko.

"Alam kong nakita mo ang pamilyar niyang tingin. Alam mong nakita mo ang buhok niyang kasing kulay ng kadiliman," patuloy niyang pahayag. 'Di ako kumibo at nasa baba lang ang tingin ko.

"Alam kong nakita mo siya, Alain. Nakita mo ang kapatid mo," pagtatapos niya.

Hindi na ako nakapagsalita at nakasagot kay Serena. Maaaring tama siya. Ngunit imposible, alam kong namatay siya siyam na taon na ang nakakaraan. Kakalap ako ng impormasyon dito sa loob ng akademya, hangga't 'di ko pa alam paano tatakas dito.

Bumukas naman ang pinto ng opisina at sabay kaming napalingon sa taong pumasok. A woman in her late 30s striding towards her table. Her mere presence was enough to make everyone in the room stand up and bow since she exudes respect and confidence. Nagawi naman ang tingin niya sa akin and at that moment, I knew her green eyes pierced my soul, as if she knows everything about me already.

"I'm sorry, I'm late," wika niya and she nodded, senyas na umupo na kaming lahat sa aming kaniya-kaniyang upuan. She sat on her chair and I saw the plate the bore her name.

Evergreen Meadowes
Headmistress

Tumingin ito sa akin at ngumiti. "You must be the missing last member of the Altaria team." Kumunot naman ang noo ko, dahil hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Nakita niya naman 'yon kaya't agad siyang nagsimulang magpaliwanag.

"Alam mo naman ang pitong rehiyon, hindi ba?" Tumango ako. Sa lugar na ito, natututunan ng mga batang x-citizens ang paggamit ng x-ability, history, geography, at ibang mahahalagang dapat nilang malaman sa basic education mula 5-16 years. Kung kaya mo naman, pwede mong ipagpatuloy ito sa mga akademya tulad nalang nitong Altaria.

Ang bansang Ariados ay may pitong rehiyon: Arcen, Clandes, Del Luna, Del Sol, Gamora, Ochre, at Regigauss. Ang Altaria Academy at ang Altaria (Paguitan) Village ay mismong nasa border ng dalawang rehiyon ng araw at buwan.

"Bawat labing-walong taon, isinasagawa ng bansang ito ang Extrasensory Games, o mas kilala sa tawag na X Games. Pamilyar ba sa'yo 'yon?"

Hindi ako agad nakasagot sa ibinatong tanong ni Headmistress Evergreen. Naituro sa amin iyon sa basic education. Para malaman kung anong rehiyon ang bibigyan ng malaking pondo at pag-unlad, isinasagawa ang X Games.

"Your face shows that you already know what the said game is about. Magpapadala ang bawat rehiyon ng kanilang team. As for us, tayo ang representante ng Rehiyon Del Luna at Del Sol, since ang dalawang rehiyon ay ang pinakamaliit na rehiyon sa bansa."

Realization strucked me. Ibig sabihin... lalaban ako sa X Games? What the hell?

"Wait, there must be a mistake. Bakit ako ang isa sa mga lalaban? Wala ba kayong mahanap na iba?" tanong ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin ng ilang sandali bago sumagot.

"I don't call the shots here, Mr. Eclipse. I'm sure that you've heard of the crystal ball?"

Ang mahiwagang bola ng dalawang rehiyon simula pa noong unang panahon. Ayon sa napag-aralan ko, ang crystal ball ang nagbibigay ng mga propesiya at mga dapat gawin sa bansang Ariados. Walang may alam kung sino ang gumawa o kumukontrol nito.

"Ibig sabihin, siya ang namili ng mga lalaban para sa X Games?"

Tumango lang ito at idinako ang paningin sa bintana kung saan tanaw ang Altaria Village. Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago niya ito binasag muli at tinawag ang aming atensyon.

"Ang X Games ay isang survival game. Ang winning team lang ang mabubuhay pagkatapos ng laro. Kung hindi kayo papalarin, mamatay kayo sa games," wika niya habang tinitignan kami isa-isa. Halos silang lahat ay umiwas ng tingin.

"Kung ayaw kong sumali? I don't want anything to do with all of you," matigas kong pagkontra. Hindi ko ibubuwis ang buhay ko para lang dito.

"You have no choice. You were chosen. Kung hindi mo gagawin ito, you will die. Not because of us, though. But because anyone who refuses to do what the crystal says shall suffer instant death. When the day of the games came, and you aren't around — don't say you haven't been warned."

ExtrasensoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon