Chapter 9

8 1 0
                                    

Loweil's Pov

"Thank God you are now fine!" Wika ni Mommy habang hinihimas himas ang buhok ko. Nalaman ko na ilang araw na akong nakaconfine sa Ospital. Buti na lang daw at kaunting injuries lang ang natamo ko.

Hindi na lang ako umimik. Patuloy lang akong nakatutok sa librong binabasa ko. Nabalitaan ko rin na ayos na si Saxton pero 'di gaya ng akin, mas malala ang natamo niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Hindi ko pa rin nakikita si Saxton hanggang ngayon. Agad kasing inilipat siya sa states at lahat ng nakalap ko na impormasyon ay sinabi lang ni Allisha sa akin.

Ang sakit. Kapag naaalala ko lahat ng nangyari ay bumabalik yung sakit. Paano kaya kung hindi nangyari ang aksidente? Nakatakas kaya kami kay Kuya James at nakapamuhay ng maayos?

"J-james..buti at nandito ka na." Agad akong napatigil nang malaman ko na nandito si Kuya James. Ngayon lang siya dumalaw simula nang magising ako. Pero sinabi ni Mommy na siya raw ang nagbabantay sa akin nung hindi pa ako nagigising.

Lumingon ako at nakita ko na nakatayo lang siya sa may pintuan, naghihintay ata ng hudyat ko na papasukin siya. Tumango ako at tuluyan nga siyang pumasok.

"I should go and get us some food okay?" Sabi ni Mommy at lumabas na ng kwarto.

Matagal nanaig ang katahimikan.

Hindi ako galit kay Kuya James. Hindi ko siya sinisisi dahil una sa lahat, wala naman talagang dapat sisihin dito. Aksidente ang nangyari, hindi talaga maiiwasan iyon. I know that he is doing his role as a brother to me. And now, seeing him with loneliness in his eyes, I can't help but to feel an urge of guilt.

With all the gathered courage, I spoke. "I-im sorry Kuya.." at ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay lumabas na.

Mabilis niya akong niyakap. A warm and gentle hug. Niyakap niya ako habang patuloy akong umiiyak.

"Im sorry if I chose my heart over my family. Sorry if I plan to escape with Saxton. Sorry Kuya..." I cried and he hug me tight.

"You don't need to say sorry, Sweet. Wala kang kasalanan. I am the one who's sorry because sa una pa lang, tutol na ako sa inyo ni Saxton." He stares at me

"If in the first place hindi ko kayo tinutulan, hindi sana mangyayari ito. But now, I will do what is right, Sweet. I will now give my blessing for you and Saxton." He ended the hug and smile at me.

***
7 years ago

Years passed by and here I am, graduate na ako sa college. Nagkaroon na ako ng maayos na trabaho. Isa ako sa mga writer ng isang sikat na publishing house dito sa pilipinas. Sa ilang taon na rin na iyon ay naging tanyag ako sa larangan ko. Kabi-kabilaan ang book signing events at ang ilan sa mga libro ko ay ginawa ng pelikula.

"Ms. Loweil? Bakit ayaw niyo po na gawing pelikula ang una at isa sa mga tumatak na libro na 'The Bitter Sweet'?" Tanong ng isa sa mga nag iinterview sa akin. Ngumiti naman ako at tumugon.

"The Bitter Sweet is one of the book that I really put all my efforts. For me, this book doesn't need to have a movie adaptation because once you read it, there's a particular person in mind that artists can't take his role. And also, I just want my readers to be the one who will imagine their protagonists. I know that my readers have a great imagination at ayokong malimitahan sila ng movie." And they give me a round of applause.

"Pahabol lang Ms. Loweil! Wala na bang book 2 yung libro? Masyado po kasing bitin yung ending." Nagsitanguan naman sila bilang pagsang-ayon sa nagtanong. Ngumiti naman ako bago sumagot.

The Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon