ang nakaraang pilit tinatakasan
ang nakaraang pilit tinatakbuhan
ang nakaraang pilit makalimutan
ang nakaraang pilit iniiwananako'y nakakadena sa nakaraan
ako'y binabalikan ng kadiliman
at ang kalungkutang babalot sa akin
ay muli kong ito mararamdamannakapulupot parin ako sa salitang,
salitang makakapanghina sakin
salitang makakapagpatumba sakin
salitang hinding-hindi ko kayang labanankaya di ako makatayo sa sarili kong mga paa
dahil alam kong paulit-ulit akong matutumba
dahil sa mga salitang kinakatakutan ko
mga salitang ayokong marinig mula kahit kaninopero kahit anong gawin ko bumabalik parin ang nakaraan
pero alam kong lalaban ako
para sa aking kasiyahan.
BINABASA MO ANG
Words From Within (poem book)
Puisi•ongoing• "these are words I gained from within." this is a book full of poems to express my feelings for a certain person or situation that i've written with passion and genuine love.