"Ano ba naman yan Genocide." patuyang saad ng babaeng may kulay pulang buhok. Inayos nito ang kargang bata saka mabilis na naglahad ng kamay sa lalaking nakaupo sa isang one seater sofa.
Kinuha ng lalaki ang kamay ng babae subalit sa halip na magpadala rito upang makatayo, hinigit pa nito ang kamay dahilan upang mapasubsob ang mukha ng babae sa dibdib nito.
Isang matinis na hiyaw ang pinakawalan ng batang karga dahil maging ito ay nasubsob rin ng hindi inaasahan.
"Tito Geno, you ruined mommy's hair." Pananakot nito. "She'll kill you now for sure." Umiling-iling ito saka nag-akmang kakagatin ang ilong ng lalaki.
"Will she now?" Pilyong usal ng lalaki bago ibinaba ang mukha upang mahalikan ang babae.
The woman smiled despite the awkward situation they were in. Their mouths molded perfectly as if they are made right for each other.
"No! Don't kiss him mom! Nooo!" Nagsisisigaw ang bata saka pinaghahampas ang dibdib ng lalaki. Tumawa naman ang lalaki bago pinakawalan ang dalawa saka inayos sila upang maayos na makatayo.
The three of them then looked at the bed beside the one seater.
Sabay-sabay na buntong hininga ang kanilang pinakawalan bago nagsalita ang bata.
"When will Mommy Moira wake up?" medyo nanginginig na usal nito. Everytime they come to visit, the little girl would cry so much that's why they told her that her mommy Moira will wake up one of these days.
But that was 3 weeks ago. Mag-iisang buwan na ngayon mula ng mangyari ang pangakong iyon. Moira still hasn't moved an inch.
"I dont know baby." Malungkot na usal ng babae. "It's my fault." Maging ito ay hindi na mapigilan ang luhang nagbabadya. Humigpit ang pagkakayapos nito kung kaya't medyo napadaing sa sakit ang bata.
"Pru, stop blaming yourself." Genocide scolded the woman.
Oo at may mga kasalanan sila sa nangyari, pero hindi na maibabalik ang nakaraan. They all learned their lesson.
"No Geno, if I was only stronger, hindi sana mangyayari ang mga yun. I let my guard down for a moment, and look how people suffered. I even.. I even k-killed.."
Isang nakabibinging katahimikan ang namayani kung saan ay umalis sa pagkakakarga ang bata saka lumipat sa kama kung saan nakahiga si Moira. The little girl put her fingers on the unmoving palm, then sighed when it didn't close around like it always do before.
Nabasag ang katahimikan ng magsalita ulit ang lalaki. "He wanted you to Pru. He wanted you to, yan ang tatandaan mo. He was atoning for Moira's mistake. Kilala mo si dad. He considers Moira his saving grace. So when he learned that his little angel was really an assassin, someone who killed your family to boot, he gave his life to atone for her."
"Pero kung hindi ako kinain ng poot--"
"Shhh. Stop. All are accounted for Prudence. It's time to start again. Let's start all over again please?" May bahid ng pakiusap ang tono nito, at mumunting kalungkutan din.
Hinalikan nito ang babae sa gilid ng ulo saka muling ibinalik ang tingin sa kinakapatid na hanggang ngayon ay wala paring malay. He doesn't know how far she is with the pregnancy but he can detect the small bump on Moira's abdomen. The little guy was sticking to his place in his mother's womb. Or was it a girl?
Inilipat nito ang tingin sa dibdib ni Moira. The part where the bullet striked was a clean shot. Lumabas ang bala sa katawan ni Moira ng walang tinamaang vital organ, kaya naman hindi mawari, maging ng mga doctor kung bakit hanggang ngayon ay hindi ito nagigising.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
Ficción General"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...