Naka dungaw ako dito sa munting bahay na aking tinutuluyan.
May tahanan ako pero di ko alam kung tahanan ba ang tawag dito.
Umupo ako sa sira sirang upuan na mayroon ako dahil wala akong sariling pera pambili.Kung magkaroon man ng salapi ay ibibigay ko na lamang sa aking pinakamamahal na anak.
Dapit-hapon na pero wala pa rin ang aking anak.Siya na lamang ang meron ako at ayaw kong mawala.
Dumungaw ako sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin.
Nagulat ako nang may yumakap sa likuran ko."ma bakit mo iyon ginawa? All this time nabuhay ako sa kasinungalingan"
Naririnig ko siyang humihikbi at hinalikan ako sa pisngi na parati niyang ginagawa.Isang napakagandang alaala anak ko.
Ngumiti ako kasabay ng pag tulo ng mga luha ko.
Pasensiya ka na anak.
Sambit ko mula sa aking puso
"Hindi man kita totoong anak pero totoong minahal kita.
Kung nagawa kong itago,
Nais kong malaman mo mahal na mahal kita."Months after.
Nagising ako kinaumagahan para dalawin ang puntod ng aking kinikilalang ina.Huli na para bumawi sa kaniya
Dahil siya ay pumanaw na.Huli na nang nalaman na ang sarili kong mga kamag anak ang may dahilan kung bakit nangyari ang mga ito.
At hindi siya.
Patawad ina.