MFW💫30
"Love are you okay? "
tanong saakin ni Nathan, panay kasi ang ikot ng mata ko kakalibot sa kabuohan ng bahay na pinuntahan namin,
ang laki ng bahay na pinuntahan namin sobrang ganda at mukhang mamahalin talaga ang mga gamit sa loob ng bahay." A-Ah?. uo okay lang ako"
"lets wait for mom, she cant wait to see you very soon"
hinatid nya ako sa isang kwarto at sinabing magpahinga muna ako dahil baka pagod ako,
o baka gusto ko pang mapag isa.
kahit na gulong gulo ako ay sinunod ko na lang ang sinabi ni Nathan, nagpahinga ako at nag isip isip.
talaga bang ito ang dati kong buhay?malayong malayo sa kung ano ang buhay namin ni Gabriel,
kumpara sa pamumuhay namin ni Gabriel masasabi kong napakarangya nito.
parang isang panaginip lamang at hindi ako makapaniwala hanggang ngayon.hindi ako mapakali sa loob ng kwarto kaya naman lumabas ako at nakita kong nagluluto si Nathan.
"ahm, Nathan? G-Gusto mo tulungan kita dyan? "
agad naman itong napatingin saakin ng may pagkabiglang ekspresyon ng mukha.
" h-hindi na, hindi ka naman marunong nito eh""marunong ako noh, ano bang lulutuin mo? "
itinigil nito ang ginagawa nyang pag hiwa sa rekado
lumapit ako sakanya upang tulungan syang maghiwa," pano kang natuto? sino naman ang nagturo sayo? "
" yung asawa ko"
mabilis at seryosong sagot ko,
napahinto si Nathan sa ginagawa nya.
maging ako ay nabigla rin sa nasabe ko,"your what?? "
taas ang isang kilay na tanong nito saakin.napahinto ako sa ginagawa ko, at di na muling nakasagot.
" Anastasia sabihin mo nga sakin, did you really lost your memory?. saan ka nagpunta?. what happened to you? "
***
" and who is that guy?. where is he? "
tanong ni Nathan ng ikwento ko sakanya ang lahat ng nangyare saakin, mula sa aksidente.
maliban na lamang sa parteng nalaman kong may ibang asawa talaga si Gabriel," N-nasa probinsya"
"bakit hindi ka nya sinamahan? "
" hiwalay na kame? "
" what!, why? "
" mahabang kwento Nathan"
hindi ko alam kung bakit hindi ko pa kayang ikwento ang totoo maliban na lamang kay Lily dahil sya naman ang kilala kong bestfriend."wait. is he cheating on you? "
sasagot na sana ako ng Hindi Nang biglang may edad na babae ang biglang pumasok sa loob ng bahay at agad akong niyakap.
nanginginig sya habang umiiyak,
mainit ang mga yakap nya na tila ba may halong pag aalala.***
makalipas ang dalawang linggo ay tuluyan na nga akong napaniwalang sila ang tunay kong pamilya.
upang maging mas mabilis ang aking pag galing ay ikinonsulta nila ako sa isang psychologist,
kung saan ay malaki ang naitulong saakin dahil pakonti konti ay naaalala ko ang nakaraan ko."so how's your therapy? "
tanong sakin ni Nathan nang pagbuksan nya ako ng pintuaan ng kanyang kotse.ngayon kasi ay kakatapos ko lang sa schedule ko sa aking doctor.
" okay lang naman, ah. nga pala Nathan pwede mo ba kong turuan ng tungkol sa trabaho mo?. diba sabe mo naman ako yung dating gumagawa nyan? naiinip kasi ako sa bahay na walang ginagawa"