Ito na naman ako.
Umiiyak sa aking kwarto.
Inaalala ang mga panahaong
Magkasama pa tayo
Nakita kita kanina
Kasama mo ang iyong prinsesa
Alam kong mahal na mahal mo siya
Pero ganun din naman ako sayo sinta
Di mo man lang ba naisip
Na sa tuwing ika'y malapit
Nakakaramdam pa din ng ligaya hindi ko alam kung bakit
Ngunit nahahaluan din ng sakit
Naaalala mo pa ba
Yung panahong tayo'y masaya?
Yung parang tayo lang
Ang nasa mundo, sinta
Pero kahit na sinaktan mo ako
Kahit na iniwan mo ako
Masaya pa din ako kasi nagkasama tayo
Kahit na ako'y ginawang panakip butas mo.