CHAPTER EIGHT

8 2 0
                                    

*Sheryll Fox*

***

Sheryll's POV

Bumaba na ko ng taxi papasok na ng school. 

May sasakyan ako, pero hindi pa ako masyado marunong ako mag drive okay? Sadyang late na ko ngayon, kaya nag taxi na lang ako.

Nang makababa na ko ng taxi. May sumisitsit sakin.

Tumingin naman ako sa likod kung saan nandon ang taxi na sinakyan ko. Baka siya yung sumisitsit sakin eh. Nakabayad naman ako.

Tumingin sa gilid ko. Wala naman ako nakita.

Baka guni-guni ko lang iyon..

Nakapasok na ko ng school ng may humigit sa kamay ko.

"Ay potek!!!"

Kinaladkad ako patakbo nung lalaki humigit sa kamay ko. Naka-hood siya kaya hindi ko makita ang itsura. 

Magnanakaw ba 'to?

O rapist? Ahhhh!!!

"A-aray!! Hey, sino ka ba? B-bitawan mo nga ko!!"

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

O_O Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yon.

"DANIEL?!"  sigaw ko. Bigla naman niya tinakpan bibig ko.

"Huwag ka nga maingay, baka may makarinig pa sayo." 

Tinanggal ko ang kamay niya.

WHAT.THE.FUDGE.

"U-uy.." napa-uy na lang ako. Speechless ako ng nakita ko bulto niya. Siya nga. Siya yung Fiancé ni Sorene!!!

Kinuha ko agad cellphone ko para i-text si Sorene na andito ngayon sa harap ko si Daniel. 

Kinuha naman agad ng lalaking kaharap ko yung cellphone ko.

"Daniel, wait ite-text ko si Sorene!! Bakit ngayon ka lang dumating? Alam mo-" naputol ang sinabi ko ng nakita ko ang itsura ni Daniel na nalungkot.

"Sheryll. Makinig ka sakin. Aalis din agad ako, hindi ako magtatagal." sabi niya.

So, hindi ka babalik kay Sorene? Tadyakan ko itlog neto!

Para siyang multo bigla bigla na lang nagpapakita.

Nakikinig lang ako sa kanya. 

Kating-kati na yung kamay ko itext si bestfriend. OMG. Matagal niya na 'tong inaantay. Ang pagbabalik ni Daniel Cliffe.

Palingon-lingon sa paligid baka sakali mahagilap ko si BFF.

"Ibigay mo sa kanya 'to." sabi niya.

Nakita ko naman na may inabot siyang black envelope. Kinuha ko naman agad iyon. "Para saan ito?" tanong ko. Bakit ba chismosa ako eh!

"Basta. Wag mo din sabihin na nagkita tayo." 

ANO?! Pinagmasdan ko ang black envelope.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Hindi ko mapigilan ang bunganga ko mag tanong sa kanya.

"Daniel, kailan ka ba babalik kay Sorene? Naaawa na ako sa kaibigan ko." 

Nakita ko naman sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila.

Alam ko may mga rason ka Cliffe, pero itigil mo na 'to. Gusto ka na makita ng kaibigan ko.

"Sheryll, lahat ng ginagawa ko para sa amin. Pagbalik ko sa kanya, may mga sagot na ko. Basta alagaan mo ang mahal ko. Wag mo siya papabayaan."

Ayun lang ang tanging sinabi niya at nagmadali ng umalis.

Nilagay ko naman ang binigay niya sa bag ko. 

Naisip ko si Sorene, na dalawang taon ng nangungulila sa pagmamahal ni Daniel Cliffe. Lahat ng iyon, alam ko. Naaawa na ko sa kaibigan ko. Hindi ko alam kung paano ko siya papasayahin. Dahil may mga oras na nakatulala at malungkot ito simula nung iniwan.

Nag propose si Daniel sa araw ng monthsary nila noon. Ayun yung times na masaya pa sila at hindi pa busy si Daniel. 

Kaya lang ng tumagal, napapansin na ni Sorene na lumalayo na ito sa loob niya. Nagiging busy na. Nagpatayo pa nga si Tita Vi at Tito Gerald ang mga magulang ni Sorene ng bahay nilang dalawa mag nobyo. Para pag kinasal, hindi na sila mamomoblema sa bahay. 

Ilang araw din hindi umuuwi si Daniel kay Sorene. 

Kaya nung araw na yon, lagi na ako nasa tabi ng kaibigan ko.

Kaya ginawa ko lahat para mapabuti ang lagay ni Sorene. Makalimutan man lang saglit ang nobyo. Pero may mga araw talaga na nalulungkot at naaalala niya pa din.

Nung iniwan na niya si Sorene, hindi na ito nagpakita. Parang multo na bigla na lang nawala. Tinulungan ko din si Sorene, hanapin si Daniel. Kahit saan kami napadpad para tanungin kung nakita ba nila si Daniel. Subalit hindi kami nag tagumpay.

Wala kami nahanap na bulto niya.

At muntik na nga mawalan ng pag-asa ang kaibigan ko, halos dumating sa punto na gusto niya na magpakamatay.

Sumabay pa sa sakit ng nararamdaman ni Sorene nung na aksidente ang daddy niya. Kaya talagang depress na depress ang kaibigan ko. Lalo ng mabalitaan namin na namatay na ang daddy niya sa isang car accident. Hindi pa ito natutukoy kung nabangga o binangga. 

Pinipilit niya mag move-on sa nangyari sa daddy niya at kay Daniel na iniwan siya kaya lang hindi sumasang-ayon ang puso ni Sorene.

Hayyy. 

Tapos ngayong andito na si Daniel..

Ayaw niya man lang magpakita kay Sorene kahit saglit. Makausap man lang ito.

Awang-awa na ko sa kaibigan ko. Halos patayin niya na ang sarili kung paano niya i-hahandle lahat ng nangyayari sa buhay niya. 






Choosing The Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon