Kung Ako Na Lang Sana Part 12

1.3K 9 0
                                    

Part 12

"Mustre pre? Busy ka ba?"Tanong ni Bords sa akin"Hinde naman bakit?""Tara punta ka dito sa bahay"Aya ni Bords sa akin"Saan?""Dito sa may Pasay pre""Saan diyan? Di ko pa naman napupuntahan yung bahay mo at anong meron?""Birthday ko pre! Tara! Madami akong bisitang chicks!"Natawa ako sa kanya sabay bati"Happy birthday nga pala, di naman ako busy pero di ko alam kung saan yan eh?""Basta sakay ka lang sa may MRT papuntang north tapos kita tayo sa may jolibee doon""Anong oras ba yan? Medyo matagal tagal ang biyahe ko eh""Hinde ngayon pre, bukas punta ka mga hapon, kasi may pasok ako ngayon""Ahh ganun ba, sige sige, mga anong oras ba?""Kahit mga alasingko o alasais, basta punta ka doon, tapos text mo ko pag nandoon ka na""Sige sige""Baka Indian ka ha""Pinoy ako tanga"At nagkatawanan kaming dalawa, matapos ay binaba na niya ang tawag at ako naman ay muling tumunganga at tumingin sa kisame, siguro, kailangan ko na muna na maglilo sa pakikipagrelasyon at enjoyin na lang siguro muna na single ako, isa pa, yung taong gusto ko din naman talagang mahalin eh may karelasyon pa. Inipon ko ang aking lakas at nagasikaso na nang sarili, naligo, sepilyo, nagbihis nang maayos at nagtungo sa computer shop upang patayin muna ang oras sa paglalaro. Pagdating ko sa computer shop na aking tinatambayan ay agad akong umupo sa bakanteng pwesto at nagsimula nang maglaro magisa. Halos apat na oras din akong naglaro bago ubusin ang isa pang oras na natitira sa limang oras na inupahan ko sa computer sa pagtingin tingin sa mga videos sa YouTube, mga status sa facebook nang mga random na kaibigan na inaadd ko at nagaadd sa akin dahil sa mga laro. Chicneck ko din ang aking email, napansin ko ang napakadaming mga spam messages at notification, at iniisa isa ko silang idelete hanggang sa may makita akong isang mensahe, isang linggo na ang nakaraan nang ito ay maipadala sa akin, email mula kay Charice~ **********@yahoo.com

Hey, kumusta ka na? How's life there in the Philippines? It's been a while since we last spoke, I tried calling your number but it seems like you don't use that number anymore. It's been a while na din since I opened this email, well, as you know, I am busy being a full time mom, so somehow, medyo ok na din ako, anyway, I hope you would reply on me on this message, kabwanan ko na next month, it's a baby girl by the way. And one more thing, I might come home for a while in the Philipines this coming September 2012, hoping to see you around, our family is the one assigned for our yearly family gathering, so I will be going home and might be around there during the holidays, but I am not that sure if September or October, anyway, take care, I miss you ~

Nang mabasa ko ito, hinde ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, kung matutuwa ba ako, o malulungkot, napatayo ako sa aking kinauupuan at nagyosi sa labas. It's been how many months, Nov of 2010, at ngayon ay 3rd week na nang June going July, napailing ako at napangite"I guess, I am a father"Ang sabi ko sa aking sarili, at tila ba may kakaibang bagay ang namutawi sa akin, isang bagay na hinde ko inakala na maiisip ko, sino kaya ang kamukha niya? I was smiling and hoping na hinde ako dahil kawawa naman ang bata, kababaeng tao at magiging kamukha ko, I hope, magmana kay Cha, kahit yung tangkad na lang sa akin, or kahit sa nanay niya, cute naman kasi tignan ang babaeng di ganun kalakihan, pero, kung sakali man, sana, sakanya mapunta yung genes nang aking tatay na mula pa sa blood line nang mga Espanyol, di man kasi halata sa akin, sa mga kapatid ko, sa ate ko, at sa kuya ko, kita ang genes nang tatay ko na may dugong espanyol, mula sa aking lolo o abuelo, biruan nga noon naming magkakapatid eh ampon lang ako, kasi, si ate maganda, si kuya pogi, pagdating sa akin latak, sabi kasi nila, pinagbuntis daw ako sa sama nang loob, unexpected pregnancy nga kung tawagin nang iba. Di naman maitatangi na anak ako nang tatay ko dahil kamukha ko talaga ang tatay ko maliban lang sa noo at sa nunal, sabi kasi ni Mama noon, pinaglihi daw ako sa pansit na madaming paminta, di naman ako nagpapaniwala sa mga pamahiin nay an sa pagbubuntis pero natatawa lang ako realizing na yes, madami nga akong nunal, kahit si Manoy meron, pero naipon ang pinamalaking paminta sa mukha ko, sa dami dami ba naman kasi nang lugar na paglalagyan nang nunal ko, sa mukha pa, ok lang sana kung sa noo, astig pa, parang third eye lang, draw drawingan ko na lang, or kahit sana sa tagong parts nang katawan ko pero, wala eh, mapagbiro talaga ang tadhana at doon nilagay ang itim na binhi.Isang bagay pa ang bigla kong naisip, next year, uuwi pala siya nang pinas, matagal pa kahit papaano, pero, makikipagkita ba ako sa kanya? Kasama kaya yung anak naming sa paguwi niya? Kasama ba niya ang asawa niya? Anong irereply ko sa mensahe niya? Natawa na lang ako bigla sa mga naiisip ko, at di ko alam na nandoon pala si Mike at si JanJan na halos sabay lang dumating. Nakauniporme si Mike samantalang si JanJan ay nakasando lamang at shorts

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon