Kung Ako Na Lang Sana Part 27

2.9K 14 35
                                    

Part 27

"Jules!" ang sigaw ko sa kanya at agad ko naman siyang nilapitan, subalit tila ba hinde siya natutuwa na makita ako, kung sabagay, wala naman ako dapat ipagtaka sa naging reaksyon niya pero ako, may karapatan magtaka nang mga oras na iyon dahil ang pagkakaalam ko ay dapat nandoon si Jules sa bahay ni Eusha. Magtatanong pa lang sana ako sa kanya kung bakit siya nandoon ay bigla na lamang siyang naglakad palayo sa akin, agad ko naman siyang sinundan habang paulit ulit na binabangit ang kanyang pangalan
"Jules, oi, sandali lang Jules"
Subalit kahit anong pakiusap ko sa kanya ay tila ba hinde niya ako naririnig at mabilis siyang naglalakad palayo sa akin, medyo nainis na ako kaya naman agad kong hinawakan ang kanyang kamay, isang bagay na agad ko ding pinagsisihan dahil wala pa sigurong 5 segundo nang mahawakan ko ang kanyang kaliwang kamay ay agad nang lumapat ang kanyang kanang kamay sa aking pisnge
"Don't you dare touch me!" ang gigil niyang sabi sa akin habang dinuduro ako at muli siyang naglakad, namanhid nang husto ang kaliwa kong pisnge sa pagkakasampal niya subalit hinde ko ba alam kung bakit pero muli kong sinubukan na hawakan ang kamay niya habang naglalakad siya at muli siyang humarap at isa na namang humahagupit na sampal ang natangap ko sa kanya
"Putang ina, isa pa tatawag na ako nang pulis" ang gigil niyang sabi sa akin at that point, I know I got her attention and said
"Jules, si Eusha may sakit"
I noticed the changes on her facial expression, mula sa inis at iritado ay bigla itong naging puzzled, pagdududa na may halong pagaalala
"Ano bang pinagsasabing mong putang ina ka?!" ang malutong na tanong ni Jules sa akin
"Sabi niya sa akin kanina pa na tinawagan at tinext ka daw niya, gusto ko sanang puntahan siya at – "
"Hoy kurimaw, kung gagawa ka na lang din naman nang kwento pwede wag mo na idamay si Tam? And besides, bakit naman ako maniniwala sa sinasabi mong gago ka?"

"Nacheck mo na ba ang phone mo?" ang sabi ko sa kanya, medyo naiinis ako sa kanya, pero that time, I know I don't have the rights to be, may kasalanan ako sa kanya, sa kanila, and it was something na hinde lang mawawala sa mga malulutong na murang matatangap ko sa kanya at malalakas na sampal na ipapadama nang kanyang mga kamay. Tinignan niya ako at agad ding kinuha ang cellphone sa kanyang dala dalang shoulder bag, matapos nito ay muli siyang tumingin sa akin, at sa tingin niyang iyon, alam ko na nalaman niya na nagsasabi ako ang totoo, she quickly turns around at nagsimula na namang maglakad nang mabilis, this time hinde na ako nagsalita at tahimik lang na sumusunod sa kanya. Medyo nahihiya man ako sa aking ginagawa dahil sa pinagtitinginan ako nang mangilan ngilang taong nakakita sa pagsampal sa akin ni Jules ay patuloy pa din akong sumunod sa kanya, iniisip ko na lang na sana, isipin na lang nang mga kumag na to na shota ko ang babaeng sinusundan ko at nagkaroon kami nang pagtatalo, wala naman kasi nakikialam sa aming dalawa kaya naman kampante ako na iyon ang iniisp nag mga tao sa paligid. Nakarating kami sa may high way at doon ay agad niyang nilapitan ang isang taxi driver, nang malapit na ako sa kanya ay agad na siyang sumakay sa loob nang taxi at agad niyang pinaalis ang taxi, leaving me behind, bute na lamang ay may kasunod ito na taxi at agad kong kinausap ang tsuper nito
"Kuya, sundan natin yung taxi na nasa harapan nyo kanina"
"Bakit? Nagaway kayo nang GF mo mo noh?" ang natatawang tanong nito sa akin
"Oo manong eh, nahuli akong may kadate na iba" ang pagsisinungaling ko sa taxi driver na iyon, mas mabuti na kasi na isipin niya na karelasyon ko ang susundan naming babae upang hinde na magkaroon pa nang ibang espekulasyon, mahirap na, mamaya pagkamalan pa akong rapist or stalker or holdaper na sinusundan yung babaeng yun. Hinde naman ako binigo ni manong sa aking pakiusap at halos bumper to bumper lang ang pagitan nang sinakyan naming taxi. Matapos ang halos tatlumpung minutong pagbuntot sa sinakyan niyang taxi ay nakarating na din kami sa bahay ni Eusha. Agad na akong nagbigay nang bayad sa taxi na nasakyan ko subalit napansin ko na tila ba nakikipagtalo pa si Jules sa taxi driver
"Manong grabe naman kayo! Bakit naman ho 250 ang metro eh madalas ako magtaxi papunta dito 120 lang ho binabayaran ko?! Aba manong pwede ko kayo isumbong sa mmda niyan! May picture nak ayo sa cellphone ko at yang id niyo "
"Abay sira ka pala eh?! Paanong naging 120 lang? Kitang kita naman sa metro diba? Gagawin mo pa akong sinungaling? Magbayad ka kung hinde –|"
Agad na akong lumapit sa driver na nang sandaling iyon ay halata na ding iritado
"Kuya, magkano ho ba ang bayad singilan niyo?"
"Ayan malinaw na malinaw ! Two fifty! Aba! Ako pa gagawan nang problema nang babaeng to"
"Ah ganun ho ba? Kasi ho manong yung sa metro ho na binayaran ko nasa 135 nga lang ho eh, magkasunod naman tayo, ayon pa nga ho yung taxi na naghatid sa akin dito eh" ang sabi ko sa kanya habang tinturo ko yung taxi na paalis pa lamang
"Ay tanga siya! Bakit 135 lang siningil niya sa iyo?! Aba boy, para matapos na lang to, bayaran mo na lang yung kulang nitong shot among matabil ang labi"
"Sige ho, ako na magbabayad, sandali ho ha?"
Kunwari ay may tinawagan ako sa telepono at nagsimulang magsalita
"Hello pre, medyo may problema lang, itetext ko sa inyo kulay nang sasakyan, oo, dadaan yan sa kanto"
At habang kunwaring may kausap ako ay narinig ko na bumukas na ang pinto nang taxi na iyon at agad nang lumabas si Jules
"Putang ina ka tatandaan ko mukha mong gago ka" ang sabi sa akin nang driver na iyon at akma pa ngang babangain sana ako bute na lang ay agad akong nakaatras sa aking kinatatayuan at agad na itong humarurot. Nakita ko na nakatingin lang sa akin si Jules at matapos ay agad na din itong pumasok sa loob nang compound at dali daling nagtungo sa tinutuluyang kwarto ni Eusha. Ako naman ay di alam ang gagawin kung susunod ba ako o hinde, baka kasi magalit si din si Eusha pag nakita niya nandoon ako, kaya naman minabuti ko na lang muna na manatili sa may 1st floor habang nagsisigarilyo.
"Putang ina ang sakit nang pisnge ko" ang sabi ko sa aking sarili habang hinihimas ang pisnge kong nadouble kill sa sampal niya ni Jules kanina, mahapdi siya lalo pa sa may bandang tenga, malamang ay tumama doon ang kuko ni Jules at marahil ay may sugat iyon, tila nga may latay din ang pisnge ko na iyon dahil ramdam ko ang umbok nang ilang parte nang balat nito. Napahithit na lang ako sa aking yosi habang pinagmamasdan ang kalangitan. Kinuha ko ang aking cellphone at sinilent mode na lang muna ito, mahirap na, mamaya kasi ay may maistorbo ako sa palapag na iyon. Habang naglalakad lakad ako ay bigla kong naisip
"Ano kayang nangyayare ngayon kay Eusha?"

Book 6  Kung Ako Na Lang Sana By El NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon