HINDI mawala sa isip ko ang mukha ni Yohan bago ako umalis kahapon. Sa itsura niya ay parang hindi siya makapaniwala at gulat na gulat pa.Hindi ako nagkakamali, narinig niya talaga ang pag uusap namin! Bakit kasi napalakas ang boses ni Mr.Zamora?!
"O aalis kana Summer?" Tanong sakin ni mommy ng dumaan ako sa dining area upang kunin lang ang baon kong lunch.
Naroon rin si Mr.Zamora na walang imik habang umiinom ng kape at nagbabasa ng broadsheet. Hindi niya ako pinapansin dahil malamang ay galit pa siya sa pagtatalo namin kahapon.
"Opo. May ipapasa rin kasi akong reflection essay bago mag 8:00 o'clock"sagot ko.
"Hindi ka ba kakain? Kumain ka muna at humigop ng milk"
"Hindi na ho--"
"Eat first before you go. Wag mong pabayaan ang katawan mo Summer."biglang saad ni Mr.Zamora.
"Maybe she's really in hurry Kevin. Sige na Summer——"
"She.will.eat.breakfast"madiing saad nito.
Nagtitigan silang mag asawa.
"She should take care of her body Kristine"ani pa nito.
"Kakain na ho ako"sabi ko at umupo.
Ayoko na magalit na naman siya kaya sumunod nalang ako. Kaunti lang ang nakain ko pero ininom ko naman lahat ng gatas ko.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ng bigla ring tumayo si Mr.Zamora.
"Sumabay kana sakin"aniya at naunang lumabas sa dining room.
"Mom.. mauuna po ako"
"Oh sige mag iingat ka ha. Siya nga pala, sa saturday afternoon ay ie-enroll kita sa driving school ah? Diba tapos na ang immersion mo by 2:00 pm?"
"P..po?"
"What? Diba may biniling kotse sayo? Sayang naman kung hindi mo magagamit"
May pagprotesta sa mga mata ko ng tignan ko siya. Hindi ko naman kasi kailangan matutong magdrive, ayokong magdrive dahil baka mataranta ako sa daan at mabunggo.
"Summer can drive. So you must learn too."bulong ni Mom at kinindatan ako.
Tumungo nalang ako at lumabas na ng kotse, humingi ako ng paumanhin kay Mr.Zamora dahil medyo natagalan ako ngunit hindi niya ako pinansin.
"You know you should act like her right?" Biglang nagsalita siya habang nasa biyahe kami.
"Hindi ho yun ganun kadali"sagot ko.
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para sumagot na sa kanya. Siguro'y nagsimula yon kahapon, dahil ipinamukha niya sakin na utang na loob ko ang buhay ko sa kanya na hindi kailanman ay hindi ko naman hiningi.
"You need to live like her. Mahirap bang gawin yun? And the way you speak! Stop saying 'ho' or 'po' or whatever! Summer never say that word!"inis niyang saad.
"Siguro dahil hindi niyo siya tinuruan maging magalang" napaismid ako na kinainis niya.
"Sinasabi ko sayo Mikishie... binigyan ka ng pagkakataon para mabuhay ulit--"
"Hindi ko ginusto 'to" inis na sabi ko at tumingin sa kanya. "Kayo ang may gusto nito. Kung paulit-ulit mo ring isasampal sakin yang sinasabi mong utang na loob ko sayo ay mabuti pang ibalik mo nalang ang utak ni Summer at hayaan mo na akong mamatay"seryoso kong saad.
"Kasi in the first place? Dapat patay na ako diba? Dapat kasama ko na ang pamilya ko pero dahil sayo ay naudlot yun lahat. Akala mo ba masaya ako? Akala mo ba gustong gusto ko mabuhay sa katawang 'to?"inis na sabi ko.
BINABASA MO ANG
✔Live Your Life And Love Me
Narrativa generaleOne day, I woke up inside the body of a stranger. And that's when I started to live as another person. === This is written in Filipino COMPLETED AND UNEDITED Photo not mine. Credit to the rightful owner. Source from Pinterest. Dec282019-May102020 #1...