Rhed's P. O. V
Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at hinalikan si Sam,hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ko yun ginawa. Basta ang pumapasok lang sa isip ko ngayon ay ang aminin ko sakanya na mahal ko siya.
Holly Shit! "
"Oh my-What the heck? "
Narinig ko ang mga boses na yun kaya,naitulak ako ni Sam dahil sa gulat.
"Ahh..akyat muna ako saglit hehe" sabi ni Sam at mabilis na pumasok sa kwarto niya.
"Hoy diba sabi ko sayo walang mangyayari ano tong eksenang naabutan namin aber? " pumaywang na sabi ni Kyla sa akin.
Kinamot ko nalang ang likod ng ulo ko at tumingin sa baba dahil sa kahihiyan. Naramdaman ko nalang na hinampas na niya ang ulo ko kung saan banda naka patong ang kamay ko.
"Bro, naka score kana agad? " Manghang sabi ni Chris kaya nakatikim din siya ng batok kay Kyla.
"Score..score ka diyan..maka gusto mong mamatay ha? Chris? " pagtataray nito.
Pero napaisip ako sa halikan namin kanina, grabe ang lambot pala ng labi niya,saka ko na alala na humalik din siya.
'So ibig sabihin ay alam niya na ang sagot dahil hinalikan niya din ako? '
Tanong ko sa isip ko pero naputol ang pag iisip ko dahil binatukan nanaman ako ni Kyla. Kaliit na tao ang lakas mambatok.
"Hoyy tigil tigilan mo ang pagnanasa sa kaibigan ko, tulungan mo kaming mag prepare for snacks" sabi niya. Then she headed in the kitchen.
Inakbayan ako ni Chris saka binigay sa akin ang isa pang plastic bag na puro mga prutas ang laman.
Habang nag preprepare kami ng snacks ay may biglang tumawag kaya napalingon kami sa isat isa.
Dinampot ni Chris ang kanyang phone dahil sakanya pala yun.
"Hello?"napakunot noo siyang tinignan ang phone at tinapat uli sa tainga. "Hello? Whos these? " parang naiinis na niyang sagot.
Napatingin ako kay Kyla at ganon din siya, sumenyas ako kung sino ang kausap niya pero nagkibit balikat lang siya bilang sagot.
"Wala akong panahon para makipag lokohan, so please stop doing this" galit niyang sigaw saka padabog niyang binaba ang kanyang phone. "Bwisit!"
"Bro,okay kalang?" umiling siya saka kumuha ng tubig sa ref
"Siya nanaman ba yon? " sabi ni kyla at humarap sakanya.
"Oo"
"Sinong siya? " tanong ko.
"Unknown number yun, pinaprank yata ako" sabi niya at pumunta ng lababo para hugasan ang mga vegetables.
Matapos gumawa ng meryenda umakyat si Kyla sa kwarto ni Sam para tawagin,at makapag meryenda na.
Dinala na namin ni Chris ang mga pagkain sa sofa,saktong pagka upo ko ay bumaba narin sila..tumingin ako kay Sam at bakas sa mukha nito ang pag ka ilang ng mag tama ang paningin namin.
Umupo siya sa tabi ni Kyla at nag simula ng lumantak ng pagkain..natawa ako sa itsura niya dahil halata mong gutom.
Nanood kami ng movie saka nag linis dahil sobrang kalat na ng bahay nila,paano ba naman batuhan ng chitchirya habang nanonood..
"Pre awkward kayo ngayon ah? " bulong ni Chris na napatingin pa kila Sam na nag huhugas ng mga plato.
"Oo nga eh..di ko alam kung paano ko lalapitan" sabi ko.
"Gago ka kasi eh!"at binatukan pa ako "Umiscore ka agad" halatang pigil na sigaw nito.
"Kailangan mang batok?!" inis na singhal ko habang hinihas ang batok ko.
"Aba..OO! Para magising ka"
"Magising saan? "
"Ay PUTIK! " napahilamos siya sa mukha niya at saka tumitig sa akin "Napaka slow mo..syempre para magising ka sa katotohanang binigla mo yung tao"
Napakamot ako sa ulo when I suddenly realized that he's right. Masyado ko siyang binigla..lalo na ang insidente kanina sa pagitan niya at kay Justine..tapos aamin ako at hahalikan siya right after the incident.
'Ang bobo mo Allen Rhed James ' isip isip ko.
"What should I do? "
"Umamin kana diba? " tumango ako sa tanong niya.."All you need is to prove to her that you like her"
"In what why? " litong tanong ko.
"Ipakita mo sa mga galaw mo.."
"I don't know men..you know naman na, she didn't want me" dismayadong sabi ko.
"Papatalo kaba sa Justine na yun ha? Eh asungot lang naman yun.."
"Yun nga ang problema ko..halatang wala akong panama doon"
"How do you say so? "
"Kasi..kanina grabe ang dissapoinmeant niya ng malaman niyang hindi siya gusto ni Justine at ng ipahiya siya sa harap nila Rica."
"ANO?? Pinahiya siya? " napasigaw na sa galit si Chris ng malaman niya yun.
"Hinaan mo nga boses mo..marinig tayo nun" giit ko sakanya at lumingon kila Sam..pero parang di naman nila napansin yun.
"Aba! Loko yung gagong yun ah" humak pa siya sa baywang niya at tumingin sa pinto,animoy nandoon ang pinag uusapan namin. "Basta protektahan mo siya sa asungot na yun,oh? Na enjoy mo ba yung kiss..kiss..niyo? " Tumingin siya sa akin at halata mo ang panunukso sa kanyang mata.
"Pakyu" sabi ko nalang.
"Asus,sabihin mo kinilig ka" at tinusok pa ako sa baywang..kung mang asar ito daig pa ang mga babae..
"Tumigil ka nga,para kang bakla"at hinawakan ang daliri nito na pinipindot ang baywang ko.
"Did she kiss you back? " biglang seryosong sabi nito.Kita mo to? Napaka moody, bigla nalang seseryoso.
"Yeah, maybe, I don't know "
"Ulol. I don't know daw, eh halatang sarap na sarap kayo kanina eh. Kung-"
"Anong sarap na sarap? " nagulat kami sa biglang pag singit ni Kyla. Mas ikinagulat ko pa ng makita ko si Sam na katabi nito na halata mo ang pag tataka.
"Ka..kanina pa ka-yo di..diyan? " utal na tanong ko.
"Nope"sagot ni Sam.
"Ah..hehe..buti naman"bumuntong hininga ako sa sagot niyang yun..
'Pucha kinabahan ako dun ah'
"Uyy ano yung sarap na sarap na narinig ko? " pag uulit ni Kyla.
'Hindi nalang manahimik eh no? Sarap supal palan ng tape itong bunganga ng babaeng to! '
"Ah hehe yun?? Wa.. -" Chris cut me off.
"Sarap na sarap kami sa meryenda kanina, ang galing kasi nung gumawa at ang gwapo ng mga tumulong eh" palusot ni Chris, saka kami nagkatinginan.
"Gwapo your ass" singit ni Sam na nakatawag pansin sa amin.
"Oh? Nandiyan ka pala? I thought pata..- este payat kana hehehe.. Nag papapayat should I say" pang aasar ni Chris sakanya.
She rolled her eyes at dumiretso na sa salas, nag katingin muna kami saka pumunta din sa salas

BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...