Chapter 15

53 4 1
                                    

Kyla's P. O. V

Pagkatapos naming bumisita ay umuwi na rin kami ng maaga dahil papasok na kami bukas. Palabas na sana ako ng kotse ni Chris ng makita ko ang isang pamilyar na babae.

"Uy..di kapa ba bababa? "napalingon naman ako sakanya ng bigla siyang nagsalita.

"Sino yun? "turo ko sa pwesto ng babae kanina.Pero nagulat ako ng makitang wala na ito sa pwesto niya.

"Saan? Wala naman? Hay nako baka pagod kana..magpahinga kana, at maaga pa tayo bukas"at kinutusan pa ako.

"Paraa saan yun ha? " inis akong napalingon sa kanya.

"Wala. Pumasok kana sa bahay niyo para makapag pahinga kana"

Bumaba na ako saka nag pasalamat at pumasok na sa gate namin, pag pasok ko sa bahay ay pataya lahat ng ilaw.

'Tulog na sila siguro'

Umakyat ako sa kwarto ko at nag shower na, pag labas ko ng banyo at papahiga na sana ako sa may kama  ng makita kong bukas ang bintana.

Nilapitan ko ito para maisara, hihilain kona sana ito ng may napansin akong taong naka tingin sa akin, masyadong malayo ito para makita ko ang mukha niya.

Biglang akong nakaramdam ng kung anong malamig na bagay sa katawan ko kaya sinara kona ito agad.

"Namamalikmata lang siguro ako, dala narin ng pagod" bulong ko sa sarili ko.

Humiga na ako sa kama ko at pinikit kona ang mga mata ko. Ilang oras pa ang nakalipas ay hindi parin ako makatulog. There's something bothering me, pero hindi ko alam, I just can feel it, kinuha ko ang phone ko saka nag instagram nakita kong naka open si Chris so I chatted him.

'Did you got home safe?'

'Yeah, why are you still awake? '

'Can't sleep,you?'

'Same here.Can I call you? '

'No problem'

Agad ko namang sinagot ang tawag niya.

"Oh? "

"Balik school nanaman bukas" halata mo ang asar niya sa pananalita niya.

"Parang di kapa masaya? "

"Talagang hindi, gusto ko pang magbakasyon eh. "

"Edi wag kanalang mag aral, kung yaan din naman pala gusto mo,mag drop out kana"
napaikot naman ang mata ko habang sinasabi ko iyon.

"Bakit parang galit kapa? "I heard him chuckled .

"Naaawa lang ako kina tita, your just wasting there time and money"humiga ako sa kama ko dahil masakit na ang likod ko.

"Wala namang problem doon"sagot niya.

"Parang sinabi mona na tinatapon mo lang ang perang pinaghihirapan nila"napahikab
ako dahil nakakramdam na ako ng antok.

Chris P. O. V

"Parang sinabi mona na tinatapon mo lang ang perang pinaghihirapan nila" sabi niya.

"Grabe ka naman, kung magsalita ka akala mo naman kung sino ang hindi mahilig mag waldas ng pera" biro ko.

"Hoy at least may purpose yun no, eh yung sayo meron ba? " natawa ako dahil halatang napikon siya sa sinabi ko.

"Tamo, edi umamin karin"

"Aissh..may purpose nga kasi yung akin"inis niyang sabi.

"Mayroon din naman sa akin no, sa pag babasketball ko? Diba makapag practice ako ng marami" pagyayabang ko.

"Practice daw? Baka gala ang sabihin mo"
At humikab nanaman.

"Tulog kana"sabi ko dahil nakakaramdam narin ako ng antok.

"Dipa ako inaantok,ikaw na ang matulog diyan" hindi daw pero lakas niyang humikab.

"Di pa din ako inaantok" kunwari kong sagot,pero ang totoo ay inaantok na ako ng sobra.

"Edi mag kwentuhan muna tayo"

"Anong klaseng kwento naman? "

"Kahit ano" sabi niya.

"Ikaw mag start sunod ako,game?"

"Game. Alam mo ba nung bata ako puros kalaro ko sa U. K. ay mga lalaki,kasi sila yung madaling kasundo doon kesa sa mga babae,one time sabay sabay silang nag pagupit dahil summer na doon at feel daw nila ay masydong mainit na raw in the following week, so nag pagupit sila dahil ako ay hindi naman pwedeng mag pagupit ng gaya sakanila dahil babae nga ako nainggit ako ng sobra, pumwesto ako sa vacant na upuan and guess what?" natatawang tanong niya.

"Ano? " natawa narin ako dahil parang alam ko na ang pinag gagawa niya.

"Kinuha ko yung gunting dahil ayaw din akong gupitan dahil sabi ni Mom na wag daw,lumapit ako sa barber at hinila ko siya pa upo,kunyari nag paturo akong mag gupit gupit,siya namang si tanga ay pumawayag na kunwari siya ang gugupitan ko, ang hindi niya alam ay nilagyan ko na siya ng poknat, and take note yung buhok niya that time ay bagong style lang,hahaha,pucha nung umalis siya sa upuan dahil daw may costumer at kailangan daw asikasuhin, nung pag talikod niya sa amin nagsitawanan lahat ng tao dahil talagang kita mo yun,dahil sa laki ng ginawa ko, napalingon siya ng konti sa salamin pero sakto lang yung position niya para makita yun. Grabe yung pamumula ng mukha niya. Pinapunta si Mom at sinabi lahat ng ginawa ko ayun napagalitan ako,pero kahit na at least laughtrip yun." tawang tawa siya sa kwento niya.

Natawa narin ako dahil hindi ko expected na magagawa niya yun,ang nasa isip ko kasi ay nag pagupit din siya.

"Noong bata ako may nakita akong babae sa may park,natawa ako sa mukha niya dahil habang umiiyak siya ay tumutulo na yung sipon niya dahil sa iyak niya. Nilapitan ko siya at nung nasa tabi niya na ako nakita-"  naputol ang pag kukuwento ko ng makarinig ako ng hilik sa kabilang linya.

"Hey still there? " tanong ko dahil yun lang naririnig ko.

Ilang segundo pa ang lumipas ay walang sumasagot sa kabilang line. Tignan mo to? Tinulugan ako, di daw pala inaantok ah?

"At yung batang yun pala ay maganda kahit ganon ang itsura" pag patuloy ko. "nag pakilala ako at siya,naging besties kami at ng kailangan niya ng pumunta sa London nag promise siyang ako lang ang first and last love niya. Nag promise rin siyang pag balik niya sa Philippines ay pakakasalan niya ako, pero ng pag balik niya rito ay wala siyang maalala dahil na operahan siya sa utak niya dahil may damage ito ng malaglag siya sa hagdan, hindi niya na ako kilala, pero hinihiling kong sana ay maalala niya ako."

Pinag patuloy ko ang kwento ko kahit mag mukha akong tanga kakadada..

"The end, good night sleep tight"

Saka ko inend call at iniayos ko ang higa ko, na alala ko nanaman yung  batang babaeng yun,pumatak nanaman ang mga luha ko dahil na alala ko ang batang babaeng yun, sana mag kita tayo at maalala mo ako at yung promise na yun.






Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon