Sam's P. O. V
Nag tawanan ang buong klase dahil sa sinabi ni ma'am kanina. "Soo..mag pa register na kayo sa may field mamaya para malaman niyo na ang schedule niyo sa sports fest. That's all class dismissed." sabi ni maam at lumabas na.
Natapos ang buong klase ng umaga at lunch time na, sabaysabay kaming nagpunta sa canteen at pumila para bumili ng pag kain.
"Samahan niyo akong mag register mamaya ha? " sabi ko at tinignan sila.
"Ahmm..may gagawin pa ako sa library mamaya eh" sabi ni Kyla.
"Sasamahan ko siya. " sabi ni Chris.
Napatingin naman ako kay James,at nag kamot ng batok ang loko.
"May practice ako mamaya" pag dadahilan niya.
Mga tamad talaga ang mga kaibigan ko kahit kailan. Napatingin naman ako kay Lizel,pero I didn't bother to ask, halatang ayaw nila akong samahan.
"Mali ang iniisip mo, actually wala akong gagawin mamaya pwde kitang samahan." nagulat naman ako dahil mukhang nabasa niya ang iniisip ko.
"Ok,thanks" nakangiting sabi ko, at nag patuloy na sa pagkain.
Pumasok na kami dahil patapos na ang lunch time. Pag pasok namin ay saktong tumunog ang bell hudyat ng class time na.
Pumasok si sir Kalayaan na may dalang tape."Miss Ferell are you ready? " nagtaka naman ako sa tanong niya.
"Si..sir? " utal kong tanong.
"Powerpoint or chart? " mabilis niyang sabi.
"Ha? " nagulat ako sa sinabi ko kaya hinawakan ko ang bibig ko."Diba pinagrereport kita,pero naudlot kasi nasuspend kayo,mahaba ang naging bakasyon mo kaya sigurado akong prepared ka" kunot noo niyang sabi.
"So..sorry sir, I forgot Im not prepared" mahina kong usal.
"Alam ko" nagulat ako sa sinabi niya "Kaya wala akong regrets na bigyan ka ng line of seven" sabi niya at taas noong tumingin sa buong room. "Okey,get yurr one fourth number yurr piper one to 20." matitigas niyang sabi.
"Ano bayaann...wala namang pasabi" reklamo ni Nicolle.
"Di naman nagturo kahapon" tamad na kinuha ni Jenelyn ang kanyang papel.
Natapos ang klase na puro discussion,seat work,at quiz, pero nawala ang lahat nun ng maalala ko na registration na para sa volleyball .
"Lets go? "sabi ko kay Lizel pag kasara niya sa locker niya.
Ngumiti siya saka tumango,dumiretso na kami sa field at kinausap ako ng babae na kaylangan sabay sabay kami ng team mates ko. Hinintay lang namin sila saglit saka kami nag register.
"Miss,kulang pa po kayo ng isang member"sabi sa akin ng babae.
"Sinong kulang satin? "tanong ko sa team mates ko.
"Nag back out si Mica dahil injured siya" sabi ni Nicolle.
"At hindi niyo man lang agad sinabi? " inis long tanong.
"Duhh..suspended ka nga diba pano namin masasabi? " Reniel said then she rolled her eyes to me.
"Oo nga no? Napakatalino mo talaga,buti pina alala mo." I sarcastically said habang pumapalakpak ako, at ang gaga hindi nakahalata at nag flipped hair pa habang ngiting ngiti.
"Wag mo naman akong purihin alam kong matalino ako"
"Saang utak mo nakuha kaya yan? Sa sobrang talino mo gusto kong iumpog kita sa bato dahil sa napakatangang pag iisip yan"
"Ano nanaman ba ha? "
"Eh kung hindi ka tanga, maiintindihan mo kung ano ang pinag sasabi ko. Pwede namang i chat niyo ako haysstt.."
"Ahmm..pwede namang ako nalang muna ang pumalit" singit ni Lizel habang nakataas ang right hand niya na animoy nag rerecite.
"Ikaw? " takang tanong naming lahat, tumango lang siya.
"Marunong kabang maglaro? " tanong ni Jenelyn.
"Slight" sabi niya
"Pwede na yan basta mabuo lang tayo" sabi ni Rizha.
"Wala nabang ibang marunong sa room natin? " tanong ni Alex.
Umiling ako dahil alam kong hindi interested ang mga yun, ang bagsak ay pumayag nalang kami dahil walang choice kasi last registration na yun.
Pumunta ako sa taekwando studio dahil guto kong makitang mag practice si James,ewan ko kung bakit James na ang tawag ko sakanya, siguro para maasar ko lang siya.
Nasa tapat palang ako ng pinto pero rinig ko na ang mlakas na sigaw at pagbagsak sa may foam,pumasok ako at umupo ako sa may gitna. Kinuha niya ang kanyang gamit saka lumpit sa akin.
"Bakit nandito ka? "
"Duh..malamang para manood"
"Punasan mo ako, pawis na ako oh? " sabay turo niya sa mukha niya.
"Ano ka sinuswerete? "
"Sige na" parang bata niyang sabi.
"May kamay ka naman ah? "sabi ko saka nag cross arms.
"Gusto ko ngang punasan mo ako,please.."pa cute niya sabay abot ng twalya niya.
Napilitan akong kunin yun saka pinunas ng madiin sa mukha niya."A..aray naman, dahan dahan"kita mo to? Napaka arte,gustong punasan tapos napaka demanding pa tsk.
"Oh"sabay tapon ko ng twalya sa mukha niya."Ikaw na magpunas,napaka demanding mo,may kamay ka naman".inis na sabi ko.
"Gusto ko ikaw ang mag punas eh." saka nag pout lips.
"Ang arte" bulong ko.
"Balik na ako sa practice, mahal ko"sabi niya saka kumindat sa akin.
"Mahal mo mukha mo"
"Syempre,pogi to no? " sabay kindat sa akin.
"Sige na,bahala ka" inis kong sabi.
Umpisa palang ng practice nila ay hindi kona kinaya,kaya napapatakip ako sa mata ko dahil sa mga suntok na natatanggap niya.
Bakit pa kasi na sali itong taekwando sa sports namin, masyadong buwis buhay patayan na yata to?
Hindi kona alam ang nangyayari dahil nakatakip parin ang mga kamay ko sa mukha ko. Naramdaman ko nalang na may humawak sa mga kamay ko kaya dahan dahan ko itong ibinaba.
"Natakot kaba? "kita mo ang pag aalala sa itsura niya at pananalita. Hinampas ko siya sa balikat kaya napahawak siya sa balikat niya. "Aray! Para saan yun? "singhal niya.
"Baliw kaba? Tatanungin mo ako kung natakot ba ako? Aishh..malamang ano sa tingin mo? Matutuwa ako, habang pinapanood kong nasasaktan yung taong gusto ko? "napatigil ako sa sinabi ko.
"A..ano,pwede bang ulit mo yun? "
"A..ang al..in? " utal kong sabi.
"Yung sabi mo kanina, na kung matutuwa ka habang yung taong....???" panunukso niya.
"Ha? Ano yun? Wa..wala ahh.."patay malisya kong sabi.
"Meron ehh.." pagpilit niya.
"Wala nga! "sigaw ko. Napalingon akosa paligid at buti nalang walang tao.
"Sige na nga..tara kain tayo. " saka niya kinuha yung mga gamit niya.

BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
RomanceLove Episode #1 Love is a choice, love is complicated, love is the hardest part of our lives..yet it is the best feeling..and love is unpredictable and unexpected.. Ang kwentong ito ay tungkol sa hindi inaasahang pagmamahal, pagmamahal na hindi inaa...