48

3.4K 115 17
                                    

"She's waking up."

Isang maliit na ilaw ang sinusundan ng kanyang mga mata na agad din namang naglaho, kasabay ng paglinaw ng mukha ng doctor na nakatunghay sa kanya.

"Hi, Moira. How are you feeling?"

Napalunok siya kasabay ng uhaw na biglang naramdaman.

"Thirsty?" her raspy voice reverberated in the room.

Bakit ganun? Parang ang tagal niyang hindi nagamit ang boses niya.

Ngumiti ang doctor bago muling nagsalita. "You've been asleep for a month so that's quite normal. We'll be giving you small quantities of food hanggang sa masanay ulit ang katawan mo. Aside from thirst, may iba ka pa bang nararamdaman?"

Pinakiramdaman niya ang sarili bago umiling. Tumango naman ang doctor saka umambang tatalikod ng hawakan niyang muli ang kamay nito.

Ang kaliwa niyang kamay na nakatihaya lang sa kama ay lumipat sa kanyang tiyan saka humimas doon.

"I-Is my b-baby..?" Napalunok siya muli dahil parang nanginginig ang kanyang kalamnan at hindi niya matapos ang tanong na kanina pang bumabagabag sa kanya.

Lumalam ang mata ng doctor kasabay ng mahinang ngiti.

Parang nakahinga siya ng maluwag dahil doon.

"She's fine. She's strong."

"Mama." Another voice echoed in her head kaya naman napapikit siya upang alalahanin kung saan niya narinig iyon.

Ni hindi niya na namalayan ang pag-alis ng doctor.

Where did she hear that? "Mama.."

A little boy. With gray eyes.

"Mommy Moira!"

Pagdilat ni Moira ay nasa harapan niya na sina Genocide, Prudence at maging si Kat.

"Katie." Halos hindi magkamayaw ang bata sa pagsampa sa hospital bed upang mayakap siya ng mahigpit. Medyo pinagalitan pa ito ng sariling ina dahil masyado na yata siyang nagalaw.

"Kat, dahan-dahan please. She's not going away."

"Mommy, miss na miss ka na namin. Mommy often cries pati na rin si Tito Geno, but most of all me." Naluluha na naman nitong turan.

The sweet girl kissed her cheeks even. "I miss you so much." untag ulit nito.

"I missed you too baby." Nakangiting sambit niya bago bumaling ang tingin sa dalawang nakatayo.

"Get up already!" tumayo ito sa kama niya saka hinawakan ang kamay niya upang itayo. Kaagad naman itong kinuha ni Prudence saka nilabas ng kwarto, habang nakatingin sa kanya ng may bahid ng pagsisisi.

The little girl shrieked like a banshee but Prudence was Prudence, she won't tolerate bullshit of course.

Naiwan sila ni Geno sa loob ng silid, parehong walang imik, parehong nakasunod ang mga mata sa mag-inang palabas ng kwarto.

When the havoc subsided, Geno turned to her and smiled. Ibinalik niya ang ngiting iyon. 

"How are you feeling?"

"Fine actually. Just a little weak."

Natigilan sila pareho, alam ang dapat puntahan ng usapan, pero walang ayaw magsimula.

Tumikhim ito.

"Dad wanted you to live a peaceful life Moi."

Biglang nanubig ang kanyang mga mata. They both stared at a particular object, unseeing. Parehong inaalala ang ama na para kay Moira ay isang uliran sa lahat ng ama sa buong mundo. Everly was the best man there ever was. He promised he'd see her again, pero hindi niya akalaing sa susunod na buhay pa matutupad ang pangakong iyon.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon