Ganyan kita kamahal... Tropa (one shot story)

86 0 2
                                    

Gabi na naman at heto kami ng mga katropa ko sa tambayan namin. di lang kami puro lalaki dito kasi may mga katropa din kaming mga babae. walang talo talo dito. tropa tropa lang.

Pero pag minamalas ka nga naman! maiinlove na nga lang ako sa katropa ko pa! bwisit na buhay naman talaga oh!

"Oy sheen! alaluts ka na naman! babae yang problema mo no? idaan mo nalang yan sa alak!"

"Tigilan mo ko! e ano kung babae problema ko? tsaka ayokong uminom magagalit si ermats e." napatingin naman si caithlyn nung sinabi ko yun.

Si caithlyn? sya yung babaeng mahal ko. at tang*na! di ko naman sya pwedeng ligawan kasi nga tropa e! Sobrang close kami sa isa't isa. sa buong tropa namin sya ang sobrang kaclose ko na babae.

Maganda, matalino, mabait at napaka maalalahanin. yan ang mga katangian nya. yan din yung mga dahilan kaya ko sya minahal at patuloy na minamahal kahit bawal.

Lumayo muna ako sa kanila para makapag isip isip. kung aaminin ko na ba sa kanya o wag nalang. Biglang may lumapit sa aking babae.

"U-uhm, kuya pwede po ba akong makipagkaibigan sayo?" sabi nung babae habang tumitingin dun sa iba nyang kasama. maganda naman yung babae kaso kulang sya sa ayos kaya di mo mapapansin pag di mo nakita ng malapitan.

"Sure. ako nga pala si sheen. ikaw anong pangalan mo?" inabot ko kamay ko para makipagkamay.

"Lizney. n-nice to m-meet you, sheen." sabi nya sakin habang inabot yung kamay ko.

Pagtapos namin magpakilala sa isa't isa, nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. di ko na namalayan yung oras.

"Ah sheen, uwi na ako ha. nagtext na kasi yung isang kasama ko e. pinapauwi na daw sya ng mama nya."

"Ah ganun ba. sige ingat kayo sa daan ah. gabi na baka mapahamak kayo. ay bigay mo saken number mo para text text tayo." nagbigayan kami ng number at nagbabye sa isa't isa. Pagtapos nun bumalik na ulit ako sa tambayan namin.

"Oy sheen! sino yung kasama mo? chicks yun pre ah!" napatingin ako kay caithlyn. nag iwas naman sya ng tingin.

"Ah si Lizney. mabait naman sya."

"Yooooown! si sheen dumadamoves! pormahan na agad yan! hahahahaha!"

Mga siraulo talaga tong mga to.

"Hoy! mag aalas diyes na ng gabi! uwi na tayo! may pasok pa tayo!" biglang sigaw ni caithlyn. oo nga pagabi na ng pagabi.

"Oh sige una na ko. baka nag aalala na si ermat." paalam ko sa kanila. di ko na hinintay na magsalita sila. umuwi na ako agad at natulog.

***

Lumipas ang ilang araw, mas naging close kami lalo ni Lizney. minsan nga kahit nasa tambayan ako, katext ko pa din sya. Inaasar nga ako ng tropa na ang torpe ko daw bakit di ko pa daw ligawan si Lizney.

Minsan naman naglilibot libot kami ni Lizney sa mall. isang beses nga nakita kami ng buong tropa pati syempre si caithlyn nandun. inaaya nila kami na sumama sa kanila pero sabi ko next time nalang. inasar tuloy nila ako dahil dun.

Di ko na din palaging nakakasama si Caithlyn dahil mas natuon atensyon ko kay Lizney. mabuti na rin siguro to.

***
Nandito kami sa tambayan kasama si Lizney, ang bestfriend ko. wala naman sigurong masama kung maging bestfriend ko sya diba? tsaka hanggang kaibigan lang naman ang turing namin sa isa't isa e.

Nag iinuman ang buong tropa. nagpaalam na si Lizney na uuwi kaya hinatid ko muna sya sa labas.

Nang makasakay na sya ng taxi, bumalik na ako. di pa ako gaanong nakakalayo, nakita ko si Caithlyn. mukhang hinaharass sya nung lalaki kaya nilapitan ko.

Ganyan kita kamahal... Tropa (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon