CHAPTER TWENTY-FOUR: Briana And Theo

75 109 0
                                    

"Si Criana." Napangiti naman siya.

"Anong? Bakit si Criana?" Protesta ko at napatayo na dahil sa gulat. Naramdaman ko ang kirot na mula sa aking likod. Hinawakan ako ni Justin.

"Humiga ka na muna dahil kaka opera pa lang sa'yo." Inalalayan niya akong humiga ulit. "Bakit si Criana? I mean, ikapapahamak niya ito for the second time. Iba ang mundong kinalakihan niyo ni Ariana kay Criana kaya pwede ba? Ilayo niyo siya sa gulong ito. Oo wala na kami, pero mahalaga pa rin siya sa akin. Bago naging kami ay naging magkaibigan kami kaya hindi ako papayag na mapahamak siya." Napatingin naman kaming lahat kay Justin. Ang OA ah? Ako dapat 'yung mag rereact ng ganyan eh.

"OA mo dude." Sabi ni Theo at tunawa na parang bata.

"Anong OA? May point naman siya. Mahina si Criana at sa pagkakataong ito ay baka hindi na niya ikapahak. Baka ikamatay niya pa ang bagay na balak mo, Briana." Gigil na sabi ko.

Napatayo naman siya sa kinauupuan niya at hinarap kami. "Guys? You know what you are OA. Hindi ko naman siya isasabak ng walang training eh. Hindi niyo ba alam kung bakit wala si Criana dito sa states para mag-aral kahit na gising na siya? Iyon ay dahil nag-aral siya. Nag-aral siyansiyangmaging katulad natin, Ariana. Kaya pwede ba? Let her do what she wants. Gusto niyang ipaghiganti ang sarili niya." Paliwanag nito.

Hindi ko alam ang plano niya ngayon pero isa lang ang alam ko. Dapat akong magtiwala.

"Natrace na ni Ruby kung nasaan si Diamond. We will surprise him. Puno ng mga codes and ciphers ang buong mansyon nya na puno ng illegal drugs and guns. May mga marijuana din dito. Kaya kailangan talaga nating mag-ingat. Siya amg pinaka leader ng sindikato o terorista. Si Amethyst at Amber ay pareho nang humiwalay kay Diamond dahil nga alam mo namang psycho si Amethyst at bipolar naman si Amber. May nga sayad sila sa ulo pero dahil kapatid sila ni Diamond ay okay lang sana. Kaso pinagsalitaan ng masasakit na salita ni Diamond ang dalawang baliw na kapatid kaya lumayas sila sa pamamahay ni Diamond." Nagulat ako sa dami ng impormasyong nakuha niya. Puno ng pagtataka ang nga mata kong nakatingin sa kanya.

"Kanino mo nalaman ang mga 'yan?" Taning ko sa kanya. Wala talaga akong idea sa mga nangyayari. Si Justin naman ay na o-out of place na sa usapan namin.

"Let's thanks your bestie, Janelle. I thought na nagpapahinga lang siya but nooo. She is full of surprise. Ayon sa kanya, naghahanap daw siya ng extra work sana pero naisip niyang pumasok sa "La Bamba" na naghahanap ng bagong cook. Eh alam naman na daw niyang surname ito ng mga terorista. Tanga 'no? Di nila naisip na pwede silang pasukan? Nag panggap daw na hamak na probinsyana lang noong una si Janelle. Kaya ayun nakapasok agad siya. Naisip niya na ngang lasunin si Diamond at mga kapatid nito, kaso agad siyang mapagbibintangan dahil siya lang naman ang taga luto doon. Naisip niya ring isumbong sa Mars Universe Ph, kaso hindi makikila ang grupo natin kapag ganoon at tiyak na ang Mars Universe Ph lang ang makikilala dahil sila ang makikipag talo dito. Isa pa, siya lang ulit ang mapagbibintangan sa trabaho dahil siya lamang ang bago kaya iniba niya ang plano at ito ang plano natin." Sabi niya at lumapit sa akin.

"Magtatanim tayo inside his mansion. Of course, Janelle wouldn't do that dahil siya'y nagtatrabaho doon and ikapapahamak niya ito." Sabi niya. Umupo ito sa tabi ng aking kama. "So Jm would do that." Nakangiting saad niya.

"Si JM? Bakit siya?" Tanong ko. Ikapapahamak niya din naman iyon. Don't get me wrong ah? Oo naka move on na ako sa kanya pero kasi kaibigan ko na siya eh. Ikalulungkot ko rin iyon kung may masamang mangyayari sa kanya at alam kong hindi niya iyon kaya.

"Don't you have trust on your ex boyfriend? You know what? You should be proud. Be proud because it's his time to shine. It's time para makilala naman na si AgentJM of Mars Universe USA." Nakangiti niyang sabi. Hindi kasi talaga, parang hindi niya kaya.

"Based on your tone, parang ikaw ang proud ah?" Inis na sabi ni Theo. What's wrong with this two. Napatayo naman si Briana at humarap kay Theo, naka pamewang pa ito.

"And so what? Nakaka proud naman kasi bilang ka grupo natin si Jm. Ikaw, dapat maging proud ka rin sa kanya. Jm is nice and cool. He's almost perfect." Sabi ni Briana at ngumis.

Yeah right. He's almost perfect. He's handome, sexy, talented, gentleman, pero duwag. Kaya wag kayo sa kanya, kahit hindi na siya sa akin.

"Sinong mas cool sa amin?" Diretsong tanong ni Theo na ikinalaki ng mata ni Briana.

"It's JM." Walang pag aalinlangang sabi ni Briana. Napasulyap ako kay Justin at pasimple siyang natatawa sa dalawa. Kinalabit ko siya at palihim kaming natawa. "You're weird kasi eh. You're the weirdest person I know."

"Yes I know." Biglang tumayo si Theo na ikinagulat ni Briana. Ang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. "Sinong mas mabait?" Tanong niya.

"Of course siya. You're so annoying and he's not. We're okay, we're friends. We're not." Matapang na sabi ni Briana.

Kumunot naman ang kilay ni Theo sa kanyang mga sinabi. "What are we then?" Inis ng tanong niya.

"We're nothing." Diretsong sabi ni Briana na hindi man lamang nag alinlangan na baka masaktan si Theo.

"Last question, sinong mas gwapo sa amin?" Tanong ni Theo na ikinatigil ni Briana. Hindi siya naka imik.

Gwapo si Jm, kaya ko nga siya nagustuhan eh, ngunit minahal ko siya sa ugali niya. Ngunit mas gwapo si Theo. Hindi mo mawari ang kaniyang lahi at parang hindi makatotohanan ang kanyang mukha. Ang kinis niya at para siyang living anime dahil sa kagwapuhan. Kahit sinong tao ay hindi iyon maipagkakailala.

"Look, I ranked #1 in the most handsome men in the world this year, but I wanna know your opinion, Bri. Am I handsome? Am I handsome than Jimmy?" Tanong ni Theo. Ang tagal ng sagot ni Briana at sa palagay ko'y hindi ito sasagot.

Binato ni Justin si Theo ng plastic bottle na isa sa biniki niya dahil wala na itong lamang tubig. "Uncle? What the hell!" Inis na sabi ni Justin. Nakangiting sumulyal naman sa kanya si Theo pagkatapos ay balik kay Ariana ang tingin.

"Ako diba? Kahit ano pang sabihin mo, mas gwapo ako. Soon you'll be my lady so don't worry." Nakangiting sabi ni Theo sabay halik sa noo ni Briana.

BRIANA'S POV

What's that? Why he even kissed me? Tinimgnan ko si Ariana at si Justin na parehong walang kibo. Lumabas ako at sinundan ko siyang naiinis. Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang naglalakad palayo. Sinundan ko siya at naramdaman niyang nasa likod niya ako kaya humarap siyang bigla at ang lapit namin sa isa't-isa.

He smirked and he asked me. "Briana do you like me?" He asked seriously while looking into my eyes. I can't breathe properly. "Because, I do, Briana. I like you."

Napatigil ako sandali. I haven't experience any romantic relationship nor mutual understanding. I can't even say that I like Theo because wala pa nga akong experience kahit crush. Napairap ako sa naiisip ko. "I don't know." Hopeless kong sabi. Napangisi siya.

"Then you like me." Inis naman akong napaharap sa kanya. "If not, you can easily say no but you didn't know. You didn't know that you like me. I love it." Sabi nito at lumabas na ng tuluyan sa hospital.

[Baliw Sayo by JRoa]

[Nung una kitang makita
Binihag mo agad ang aking mga mata
At dahan dahan ng nahulog
Hindi ko namalayan na ikaw pala
Ikaw na nga ang matagal ko nang hinintay
Ohh im falling inlove with you 
Girl i just cant stop thinking bout' you
Ikaw ang laging sigaw ng puso-oh-ong ito]

Do I really like him? Do I admire him? If admire, well yes. But I don't know if I like him.

[Kaya sana naman ako'y pansinin mo
Pagbigyan ang pusong ito na mahalin ka
Aalagaan kita Cause there's something
Bout' you baby that just makes me go
Cre-eh-e-azy yeah yeah yeah
You make me cre-eh-e-azy
Cre-eh-e-azy yeah yeah yeah 
Im going cre-eh-e-azy for you...]

#

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon