Chapter 4

23 3 0
                                    

Bella's POV

NATAPOS ang klase namin sa araw na to ng puro pakilala lang at nakakawala gana paulit ulit lang ng sinasabi.

Naglalakad na kami papunta sa tinutuluyan namin ni Annie.
Marami-rami na din ang mga estudyante ang naglalakad para umuwi din. 5pm pa lang pero medyo madilim na din ang paligid. May mga ilang students ang nasa bench pa at nakikipag usap sa mga kakilala nila, ang iba ay naghahalikan sa tabi tabi, mga PDA sila porket wala kaming jowa dito ee maggaganyan sila. At bumaling naman ang paningin ko sa katabi ko, si Annie. Nakangiti ito magisa at mukhang may iniisip na kung ano.

"Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo dyan sis haa?! " sabi ko sa kanya na napahinto pa kaya nahinto din siya.

"Magsabi ka naman para hindi ka nagmumukhang baliw kakangiti mag isa dyan." dagdag ko pa na deretsong nakatingin sa kanya.

"Ano ka ba naman, it's nothing." sabi niya at nagtuloy sa paglalakad kaya napahabol ako sa kanya.

"It's nothing daw pero ngiting ngiti siya, nagsisikreto kana ba sakin ngayon ha? " pagpapaawa ko sa kanya na napapayuko dahil sa pagpipigil ko ng tawa. Kailangan ko tong gawin para magsabi siya sakin.

"Ano ba!  Mamaya na sa bahay, ikukwento ko din naman sayo, ngayon ako muna mag isa ang kikiligin. Dadamdamin ko muna ang sandali HAHAHAHA --- waahhhh" sabi nito at tumawa na nauwi sa impit na tili niya na animo kinikilig talaga.

"Siraulo"bulong ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakauwi na din kami at ayun si Annie pasalampak na naupo sa sofa. At nakangiti parin. Dumeretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay pumunta na ko sa kwarto namin para magbihis. Kakabukas ko palang ng cabinet nang pumasok si Annie sa kwarto. At naupo sa gilis ng kama.

"So ano nga ang dahilan ng pangiti ngiti mo dyan sis?" tanong ko sa kanya habang naghahanap ng damit.

" Ano kasi." nag aalinlangan pa niyang sagot.

" Come on sis, maliligo pa ko ang init na!" saad ko sa kanya at naupo pa sa tabi niya.

"Maligo kana dun.Ikukwento ko nalang sayo mamaya sa dinner. Magluluto muna ko habang naliligo ka." sabi niya,tumayo at lumabas na ng kwarto. Tumayo na din ako at pumasok sa banyo at naligo. 

Habang naliligo ay di ko maiwasang isipin ang nangyari kanina sa school. At kung ano anong tanong na naman ang nabubuo sa isipan ko. Natapos akong maligo at nagbihis ng di ko namamalayan dahil na din sa pagod. Lumabas ako ng kwarto at nakita si Annie na patapos na sa pagluluto.

"Hey, I'm done, ako na maghahanda niyan sa table. Shower kana dun. Antayin kita please lang bilisan mo ah" nang aasar na sabi ko kay Annie at kumuha na ng pinggan.

"oo na kala mo naman di ka din matagal kung maligo." nang aasar din na sagot niya at pumasok na sa kwarto.

Kakatapos ko lang ilagay lahat ng kakainin namin ng lumabas na si Annie galing kwarto.

"oh done kana?"gulat na tanong ko sa kanya. Ang bilis niya nga maligo my goshh

"Di ba obvious sis?" sagot niya na natatawa pa.At umupo na kami sa mga pwesto namin.

Susubo na sana ko ng pagkain ng magtanong si Annie.

"San kayo pumunta kanina ni Mr. Handsome?" nakangising tanong niya sakin, na nasa pagkain parin ang paningin.

"Dyan lang sa tabi tabi sis." sagot ko na di makatingin sa kanya, naiilang ako fuck!

"San sa tabi tabi?"tanong parin niya

"Restaurant. Inaya niya ko mag breakfast, tutal gutom din ako kaya pumayag na ko tyaka ayoko din maghintay ng ilang oras sa susunod na sub kaya ayun" tuloy tuloy na sagot ko sa kaniya at napainom ng tubig.Parang mabubulunan ako sa tuloy tuloy kong pagexplain sa kanya at ayokong magtanong pa siya.

"okay, Chill sis baka mabulunan kana dyan." natatawang sabi niya na nakatingin sa mismong mukha ko.

Tinarayan ko lang siya at pinagpatuloy na ang pagkain.

Nang may maalala ay napangiti at tumingin sa kanya.

"So ano nga  nangyari sayo kanina?" biglang tanong ko sa kanya dahilan para bigla siyang masamid. Napatawa ko sa inakto niya. Sigurado akong may nangyari nung wala ko sa room kaya ganyan siya kung kumilos.

"Rio invited mo to go his dorm tomorrow."nahihiya sabi niya at napaiwas ng tingin sakin.

"What!?" nagugulat kong tanong sa kanya. Napatingin din siya kaagad sakin.

"Alam mong bago palang tayo dito, hindi dapat tayo sumasama sa mga taong di pa natin lubos na nakikilala Annie."makahulugan kong saad sa kanya.

"Bakit ka sumama kay Devon kung ganon? Hindi mo nga din siya lubos na kilala pero sumama ka padin." deretso siyang nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi niya ang mga salitang yun.

Oo nga naman, may tama din si Annie. Pero pano kung may mangyaring masama sa kanya? Di ko siya pwedeng pabayaan lalo na at kaming dalawa lang ang magkakampi ngayon. Hindi pa naman alam kung sino ang kakampi namin at kung sino ang hindi.

"Ibang usapan naman yun Annie ee. Kung gusto mo talagang pumunta dun, sge. Basta sasama ako sayo. And that's final." sinsirong saad ko sa kanya.

"sge,sabi mo ee" sagot naman niya at tinapos na namin ang pagkain namin. Ako na ang naghugas dahil siya naman ang nagluto para hindi unfair sa kanya. 

Pagkatapos kong maghugas ay pumunta na ko sa living room. Ayoko pang matulog tutal it's 8pm palang ng gabi. Naabutan ko dun si Annie abala sa cellphone niya.

"Are you mad at me?" tanong ko sa kanya at tumigil naman siya sa ginagawa niya sa cellphone niya at tumingin sakin.

"Of course not! I know naman na nag aalala ka lang sakin." nakangiting sagot niya,lumapit at hinawakan ako sa kamay.

"Tara na, matulog na tayo at maaga pa ang pasok tomorrow sis!" Sabi niya sabay hila sakin papuntang kwarto namin.

Napatingin ako sa orasan na nasa side table, it's 10pm na. Tulog na si Annie at ito na naman ako di makatulog. Hindi naman siguro masasamang tao ang nandidito kasama namin. Sana nga hindi totoo ang iniisip ko tungkol sa kanila. 

"WAAAGG POO!"

Naputol ang pag iisip ko ng makarinig ng sigaw malapit sa dorm namin. Napabalikwas ako at dali daling tumakbo papuntang pintuan namin. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at sisilip na nasa ng may humatak sa braso ko.

"Ano bang ginagawa mo dyan?!"pabulong na tanong sakin ni Annie takot na baka may makarinig samin, at dahan dahan sinarado ang pinto at nilock yun.Di ko man lang namalayan na nagising pala siya.

"May sumigaw, titignan ko lang naman kung sino yun." natatarantang  pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Chismosa ka talaga! Halika na baka may makarinig na pa satin." mahinang saad niya at hinatak na naman ako pamunta sa kwarto namin. 

Nakasilip na kami pareho sa bintana ng kwarto namin. Ingat na ingat parin sa paghawi ng kurtina dahil baka may makakita samin.

"Wala naman na ee." sabi ni Annie na nakasilip parin sinisiguro kung may taong makikita.

Napaupo ako sa kama at tumingin sa kanya na ayusin ang kurtina.

"Narinig mo ba yung sigaw kanina? Babae yung sumigaw ee." Sabi ko na inaalala pa ang nagyari kanina.

"of course! ang lakas kaya nung sigaw na yun.I'm going to sleep na, Goodnight" kalmadong sabi niya sakin, nahiga sa kama at natulog ulit.

Nahiga na din ako at pinagpasawalang bahala nalang yun. Ayoko na mag isip. 









Demon Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon