Eireen Pov.
Buong akala ko matatapos ang lahat sa aksidenteng hindi ko inaasahan sisira sa buhay namin pero nang imulat ko ang aking mga mata at nagising sa hindi pamilyar na lugar ay nagtaka ako. Kumunot ang noo ko ng igala ko ang buong paningin nang makita kong maraming nakakabit na tubo sa'kin ngunit may isang tao nagpatigil sa'kin kasabay ang pagtibok ng puso ko.
"M-m...j" sa unang bigkas ko ay halos nahirapan ako. Ramdam ko ang tuyo sa lalamunan ko at gusto ko makatikim ng tubig. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit ang kapit sa'kin at ayaw akong bitawan.
Sumiklab ang puso ko sa saya sa nakita. Pinakaramdam ko ang sarili ko at doon ko naramdaman ang pangangalay sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nakahilata rito pero base sa pagsusuri ko ay matagal nang naghilom ang mga sugat ko.
Natulala ako sa kisame at sunod sunod na eksena ang pumasok sa isip ko. Halos manlamig ang buong katawan ko ng maalala ko ang pagbagsak ko mula sa taas ng building. Y-yung mga sinabi sa'kin ni MJ na hindi niya ako mahal. Nanginginig ang labi ko ng ilipat ang paningin sa kanya.
Why he is here now? Anong nangyari at nandito siya sa tabi ko. Hinihintay ang paggising ko? O di kaya panaginip lang ang lahat?
Hindi ko alam kung ilang minuto ako tulala sa kanya hanggang sa unting-unti niya minulat ang mga mata. Nang magtama ang paningin namin dalawa at nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Bakas ang gulat sa mukha.
" Y-you're awak-ke... " bulalas niya at isa-isang nagsilaglagan ang luha sa mga pisngi niya.
Tila may humaplos sa puso ko sa nasaksihan. Sinubukan ko magsalita pero pati yata boses ko ay hindi nakisama. Uminit ang sulok ng mata ko lalo ng hinalikan niya ang noo ng matagal bago ako mariin tinitigan.
" Eireen... S-salamat sa Diyos at nagising ka na! S-salamat. " his voice broke that made my heart hitched. Tumungo ako habang may luha na rin sa pisngi.
" T-teka lang tatawagin ko lang si doc." bakas sa boses niya ang pag-alala. Hinaplos niya ang pisngi ko bago siya napilit lumabas. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magkalabas siya sa kwarto.
Bumalik muli ang paningin ko sa kisame at pinakiramdam ang sarili. Bumigat ang paghinga ko sa di malaman dahilan pero hindi naging sagabal ang saya sa puso ko.
May ilang minuto ako tulala bago ko muli narinig ang pagbukas ng pinto pero bigla nanlabo ang paningin ko.
" Eireen!" tawag niya sa pangalan ko at ngumiti ako sa kanya bago ako unting-unti nawalan ng malay...
MJ Pov.
Halos mawalan ulit ako ng pag-asa ng pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ni Eireen ang siyang pagpikit nito.
Nanigas ang buong katawan ko nasaksikan. The hell! A-anong nangyari?! B-bakit pinikit niya ang mga mata niya!
"Sir excuse me po."
Mabilis ako tumabi sa gilid ng dumating si Doc kasama mga nurse na dala-dala ang gamit niya.
Nanginig ang buong katawan ko sa takot at ang kaba sa dibdib ko ay naramdaman ko nung unang kita ko sa kanya na walang malay at nanghihinang nakahilata sa kama.
Tila bumalik ako sa sitwasyon kung saan parehas kaming nanghihinang dalawa.
" D-doc k-kamusta ang kalagayan niya?" tanong ko habang pilit na kunukumbinsi ang sarili na magiging maayos lang ang lahat.
" She's suffering traumatic head injury na naging lead para macomatose ang isang patient. May ilang buwan bibilangin bago magising ang isang patient but may taon rin bibilangin. Base sa case hindi naging maganda ang pagkakabagsak ng ulo niya and the operation went well but.."
Nahigit ang hininga ko ng tumingin ako sa doctor ay malungkot niya ako tinignan. Nanginginig ang kamay ko ng tinulak ko ang wheelchair patungo sa kama niya. Hindi ko alam kung bakit ako sinuwerte at hindi malala ang naging galos ko pero kung ikukumpara sa kanya ay walang-wala lang itong sa natamo ko.
Bagama't nakasakay ako sa wheelchair dahil nakabandage ang paa ko at cravat bandage ay hindi sapat ang lahat ng sakit nararamdaman ko ngayon sa sitwasyon ng taong mahal ko.
"Please doc t-tell me that she gonna make it.. N-na magiging okay lang ang lahat. Namamagawa namin ito." hinang-hina ko hinawakan ang kamay niya at kulang na lang ay ilipat ko lahat ang nararamdaman niya..
Lahat ng sakit. Mas gugustuhin ko na lang na ako nasa sitwasyon niya. Hindi ko kaya naghihirap siya. I love her so much that I willing to die for her.
" W-well tulad ng sinabi ko kanina ay naging maayos naman ang operation at isang buwan ng nakalipas and after that month we found out that the patient is pregnant."
Umawang ang bibig ko at tila binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Pinaglalaruan lang ba ako sa narinig ko?
Natulala ako saglit bago naglakas loob magtanong." k-kamusta ang b-baby?" tumikhim ako at bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.
" Mahina ang tibok ng puso ng fetus sa sinapupunan ng ina na pwede maging dahilan ng miscarriage niya. Which means mahina ang kapit marahil siguro hindi nabibigyan ng maayos na sustansya na kinakailangan tuwing first semester. "
Halos panghinaan ako ng loob at pilit na pinapasok sa isip ang lahat. Tinapik ni Doc ang balikat ko bago ako hinayaan mag-isa kasama si Eireen. Mas ko hinawakan ng mahigpit ang kamay niya at ilang beses pinatakan iyon ng halik. H-hindi ko alam kung ano gagawin ko. U-una ang balak ko pagsampa ng kaso kay Mom dahil pagkatapos ng lahat ay hindi ko siya kayang patawarin.
Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya at nanghihinang pilit na hinaplos iyon. " P-please baby lumaban ka rin. Parehas kayo ni Mommy mo lumaban. " bulong ko dahil sa sobrang emosyon ang naramdaman ay hindi ko mapigilan mapaluha at sisihin ang sarili lalo na pagkalipas ng dalawa araw ay napagalaman nilang wala ng buhay ang bata nasa sinapupunin ni Eireen.
Tila nawalan ako ng lakas lalo ng ibigay nila sa'kin ang isang jar kung saan nandoon ang tinanggal nilang nabubuong fetus. Habang yakap ang jar na iyon ay nakaharap ako sa harapan ng nakacross na Jesus at humihingi ng tawad at tulong sa kanya na basang-basa ng luha ang pisngi ko.
Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ang lahat kay Eireen ang lahat at malakas ang pakiramdam ko na sisihin niya sarili na ayaw kong mangyari. Pinanlamigan akong bumalik sa reyalidad.
Kinabahan ako nagtungo sa kwarto ni Doc habang may saya, kaba at takot sa dibdib ko.
" D-doc my w-wife! G-gising na siya. Finally!" masayang bati ko at naging mabilis naman ang kilos niya at parehas kaming nagtungo sa kwarto niya. Hindi ko alam kung ilang beses ako nanalangin upang dumating ang araw na ito!
Pangako kong hindi ko na siya bibiguin.
Umukit ang ngiti sa labi ko lalo na ng pagbukas ko ng pintuan ng kwarto niya ay mabilis na lumingon siya sa gawi ko pero halos dumagaanan sa dibdib ko ang pagalala lalo ng makita ko ulit ang unting-unti pagpikit ng kayang mga mata.
N-noo.. N-not this again!
" E-eireen!!" my heart flinched.
BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Teen FictionMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...