Simula
A wish
Tanghali na at abala pa rin ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan ko. Malinis na malinis ang bawat sulok ng bahay at walang makikita kahit kaunting alikabok. Iniaayos na din ang aming garden para sa event mamaya. The stage and the tables are all set, it's just missing a few finishing touches.
"Sia, your gowns are here."
Bumaling ako sa pinsan kong si Jubie na siyang nagsalita. Tumango lamang ito ulit at pagkatapos ay pumihit na paalis. Agad akong nagtungo sa aking kuwarto para makita na ang mga gowns ko.
I have three gowns in total. Isang rose colored gown para sa pagbaba ko sa grand staircase at pag introduce sa akin. A wine red one for the rest of the programs at isang lilac ball gown para sa last program na eighteen roses. It's too much and a little unecessary pero nagpumilit si mommy. Ika nya, nagiisa daw naman niya akong anak na babae.
"Naku Cassia, lalo kang gaganda ngayong gabi kapag isinuot mo ang magagandang gowns na gawa ko. Hindi talaga nagkamali ang mommy mo na kuhain ako"
Sabi ni Barbie habang iminumuwestra ang kanyang mga disenyo. Barbie is a designer, magaganda ang mga gawa niya at paunti unti na din syang nakikilala internationally. Not that I mean anything, pero nakatulong sa kanyang pagsikat ang pagkuha ni mommy sa kanya para idesenyo ang kanyang wedding gown. Mommy and Daddy's wedding was considered as the event of the decade, laman ito ng mga balita at usap-usapan. Everyone was stunned with how beautiful the gown was, kaya pagkatapos ng kasal, dumami ang kanyang kliyente at nakilala na siya dito sa Pilipinas.
"And lastly..." unti unting binuksan ni mommy ang maliit na kahon na hawak nya and it revealed a shiny tiara.
"Mommy naman, a tiara seriously? What am I seven?"
pagaalburoto ko. A tiara? Do they seriously expect me to wear that? Hindi na ako bata and it's my debut for heaven's sake. They're supposed to treat me like an adult now.
"Anak naman eh, you know that you're our only princess. It's only fitting that you wear this."
I rolled my eyes at that. My mother is treating me like a child again.
"I'm no royalty mommy. Hindi ko susuotin iyan."
Umismid lang si mommy at nagtatampong sinarhan ang kahon at muling kumuha ng mas maliit naman na kahon mula sa kanyang bulsa. She gave it to me and I recieved it.
"Oh ayan. Kung ayaw mong magsuot ng tiara, atleast wear that."
Binuksan ko ito and it revealed a very beautiful necklace. Ang pendant nito ay agaw pansin. It is an oval shaped ruby na pinapalibutan ng maninipis na linya ng ginto. It looks ancient but it's gorgeous.
Umupo ako sa may vanity mirror. Kinuha ulit ni mommy ang kuwintas at isinuot nya sa akin.
"Sadyang ipinapasa ang kuwintas na ito sa panganay na babae kapag tumutungtong na sa tamang edad. Your grandmother gave it to me too when I turned eighteen."
Iniharap ako ni mommy sa salamin at napansin kong parang mas gumanda lalong tingnan ang kuwintas ngayong naisuot na.
"Ang sabi sa akin ng lola mo, mahiwaga raw ang kuwintas na iyan. She told me that it can grant you a wish."
Tumaas ang kilay ko sa katagang iyon. A wish?
"What did you wish for?" Tanong ko kay mommy habang nakatingin sa nakangiti niyang reflection sa salamin.
"I wished for a man who will love and cherish me in this life. Sa tingin ko, hindi naman nagkataon lang na nakilala ko ang daddy mo right after I uttered my wish."
Nagkakilala ang parents ko noong nagdebut ang mommy ko. They were strangers until my dad asked my mom for a dance. Simula noon, they dated at nagpakasal na nga nang tumungtong sa tamang edad.
"Aww, that was really sweet Aurella. Kung may ganyan lang din sana kaming family heirloom, I woud wish for the same thing! Kaso, magiging matandang bakla na lang ata ang beauty ko!"
Pagdadrama ni Barbie sa gilid at nagkunwari pang nagpahid ng luha habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib. I honestly forgot that he's still here. Napailing na lang ako at ngumiti.
----------
"Let us all welcome our debutant with a round of applause!"
Tumapat na sa akin ang spotlight at sinundan ako nito sa dahan dahan kong pagbaba sa hagdan. Nginitian ko ang mga bisitang nakatingin sa akin. Hindi pa rin natatapos ang kanilang palakpakan. I can see a few familliar faces including my friends and relatives. Ang iba naman ay hindi ko na kilala, siguro ay mga kasosyo ni daddy o potential investors.
Nagaabang ang escort ko sa dulo ng hagdanan. Nginitian ko ito at nang makarating na ako sa baba ikinawit ko ang kamay ko sa kanyang braso.
Matangkad, moreno, mapupungay ang mata, matangos ang ilong at manipis ang labi. Mukha siyang masungit dahil sa magkasalubong niyang kilay at dahil na rin sa hanggang sa makarating kami sa mini stage kung saan may maliit na throne para sa akin ay hindi niya man lang ako nginitian o kinausap.
The program started after I sat down. I got gifts and birthday wishes from friends and relatives. Umiyak pa si mommy when it was her turn to say her birthday wishes for me. Everybody was dancing and laughing. Ang lahat ay masaya at nasa ayos ang lahat ng bagay. But just like how the old saying goes, Good things always comes to an end.
That's when the explosion happened.
Everything just kind of went in slow motion. Nakita ko kung gaano kalaki ang pagsabog. Kung paanong nilamon ng apoy ang ilang mga taong malapit sa akin, kabilang na ang magulang ko. Sumigaw ako at umiyak, but i cant seem to hear anything. Tatakbo na sana ako papunta sa kung nasaan ang pamilya ko pero may biglang humila sa braso ko.
I saw my escort, panting and shouting. Everything is a mess, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
I was brought back to my senses when he shook my shoulders.
"Cassia, listen to me! Listen to me, okay?"
Hinawakan niya ang pisngi ko at tiningnan ang mga mata ko. Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha. Walang salitang lumalabas sa bibig ko kaya tumango na lamang ako.
"Now is the good time to use your wish Cassia!"
Wish? hinawakan ko ang kuwintas na ibinigay sa akin ni mommy. Can it really grant me a wish?
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin. Maybe its because I saw my family being engulfed by flames, or maybe it's because of the people lying on the ground either lifeless or injured or maybe its because of the thick smoke fogging up my senses. Nababaliw na ata ako.
But I believed.
Isang buntong hininga at humiling ako.
I wish I could undo this all
Pagkatapos noon ay isang pagsabog ulit. Doon na nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
MY BIRTHDAY WISH
Teen FictionCassia Eliza Alvarez went through a terrible tragedy. A bomb exploded at the night of her debut, killing both her parents and leaving her brother in a coma. Para sa kanya, sya ay nabubuhay na sa sariling impyerno. Pero paano kung may pagkakataon pa...