" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEECHAPTER FIFTEEN
"Dahan-dahan lang anak." Ani Magdalene ng napansin na gising na sa wakas ang panganay nilang anak.
"Nasaan po ako---Ahhh those pest! Where are they na po? Si Janina mommy kumusta na siya? Where is she now?" Agad na sabi ng binata ng maalala ang ambushed na naranasan.
"Nasa kuwarto niya dito sa pagamutan anak dahil mas malala ang tama niya kaysa sa iyo. Your hands were nearly broken pero makukuha pa sa gamot at paghilom ng sugat sa loob samantalang si Janina'y ulo niya ang tumama daw sa bato ayun sa doctor kaya't hanggang ngayon tulog pa. Gusto mong kumain anak?" Sagot ni Magdalene.
"Tubig lang po mommy." Tugon ng binata. Sa isipan ay pilit inaalala kung sino ba ang mga humarang sa kanila ng gabing nasa biyahe sila.
Agad namang iniabot ng Ginang ang tubig sa binata saka nagwika.
"Ilang araw na kayong tulog anak pero sabi naman ng doctor ligtas na kayong pareho. Masuwerte pa rin kayo dahil kahit mga taong bundok ang nakakita sa inyo ng araw na iyun dahil kilala ng lolo Darwin at lolo Amor mo ang lider nila. Kasalukuyang nagpapatrolya ang tauhan ng tiyahin ni Janina or AGDA men and Camp Villamor men nang may tumawag sa bahay hinahanap si daddy iyun pala'y nandoon kayong dalawa ng nobya mo iyun nga lang parehas kayong walang malay. Sa madaling salita kaya't nandito kami sa Baguio ng daddy mo para may magbantay sa iyo pero lumipat doon sa ward ni Janina upang kumustahin siya." Pahayag nito.
"Ang imbistigasyon mommy may balita po ba? Alam na ba nila kung sino ang utak ng ambush?" Agad ding tanong ni Elijah dahil wala naman siyang kaaway na tao kaya't clueless siya kung ano ang motibo ng may pakana ng ambushed.
Pero bago pa man makasagot si Magdalene sa anak ay siya namang pagbukas ng pintuan, dumating ang asawa kasama ang ama ng nasa kabilang room.
"Kumusta ka na iho?" Magkapanabay pang tanong mga ito.
"Okey lang po daddy, tito. Si Janina po kumusta po siya? Sorry po tito wala akong nagawa upang protektahan siya." Sagot ng binata na akmang babangun pero hindi maigalaw ang mga braso.
Kaya naman imbes na sagutin ito ng dalawang lalaki'y iba ang sinabi.
"Dahan-dahan lang iho. You're left arm was broken kaya't hindi mo maigalaw. Hinihintay lang ng doctor na magising ka upang ayusin nila smg sira ng braso mo. Don't say sorry dahil wala kang kasalanan parehas lang kayo ng nobya mong biktima." Ani Garreth na sinundan ni Greg.
"Your a fighter anak dahil lumaban ka at heto salamat sa Diyos ipinahintulot niyang gumising ka na kaso ang nobya mo'y wala pa ring malay hanggang ngayon. Sabi pa ng doctor ay may tendency na magka-amnesia ang nobya mo. Kung hindi pa magigising hanggang bukas ay declare na ng doctor na under---"under comatose siya nais sanang sabihin ni Greg pero siya namang pagtunog ng cellphone ni Garreth.
"Hon? Okey I'm coming. Yes hon nandito ako sa room ni Elijah. Okey hon nandiyan na." Hindi magkandatutong tugon nito sa kausap.
Nang napatay na ni Garreth ang cellphone ay binalingan ang mag-anak.
"Thanks God my daughter was awaken already kaya't maiwan ko muna kayo dito. We need to talk to the doctor." Sabi niya saka mabilisang lumapit sa binata.
"Magpagaling ka anak." Agad niyang sabi saka tinanguan ang mag-asawa bago tuluyang lumabas at bumalik sa kinaroroonan ng mag-ina niya.
Hinintay nilang nawala ito sa kanilang paningin bago muling nagsalita si Greg.
"Thanks God gising na siya anak pero itutuloy ko ang naudlot kong sinasabi kanina. Malaki amg tendency na magkaka-amnesia ang nobya mo anak dahil kung ilang oras kayong nasa kabundukan bago kayo natagpuan ng mga taong bundok ay walang nakakaalam, malaki ang impact ng bagok sa ulo niya lalo at nagkaroo blood clots sa mismong utak niya kaso hindi siya maaring operahan na walang malay dahil baka matuluyan itong ma-comatose." Ani 'to.
BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
General FictionGeneral Fiction/ Romance/ Drama