CHAPTER 2
Bumagsak sya sa akin, pareho kaming pawisan, pareho din kaming hinahabol ang hininga.
"That was great." Bulong niya bago tumayo at nagbihis.
Mga ilang minuto pa bago ako bumangon at pinulot ang damit ko at sinuot. Pagkatapos kong isuot ang damit ko ay diretsong nagtama ang mga mata namin ni Dark. Agad din akong nag-iwas ng tingin, at iniwas ko din ang mukha ko, dahil alam kong namumula nanaman ako. Just like a teenager. Tsk.
Inaamin ko, hindi parin ako sanay na titigan niya ako, na halikan niya ako, na yakapin at kung ano ano, kahit na dalawang taon na namin itong ginagawa. Nagpanggap akong sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri habang nakatalikod sa kaniya para maka-iwas sa kaniyang paninitig, narinig ko syang tumikhim kaya, dahan dahan ko syang nilingon.
"Ano yun?" Tanong ko sa kaniya.
Bahagya siyang ngumuso. "Sabi mo nagugutom ka na dba?"
Dahan dahan kong itinango ang ulo ko habang nakakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
"Then let's go." Sabi niya at walang pasabing hinila na ako palabas.
A loud crowd and music welcomed us as we walk pass by the wild wasted people. Sobrang ingay, pero sanay na ako, nasa gilid ko lang si Dark, at di ko maiwasang tingnan ang gwapo niyang mukha habang naglalakad, naka kunot ang noo niya at naka igitng ang kaniyang bagang, di ko alam kung bakit sobra akong nasisiyahan sa tuwing nagagalit sya o kaya naman ay nagiging protective sya sa akin.
Kasi nakakaramdam ako nang kunting pag-asa, na pareho kami nang nararamdaman para sa isat isa.
"Hi miss, can I get your number?" Biglang tanong sabay hablot sa akin ng isang binata, napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Su-"
"Hands off boy." Biglang sulpot ni dark, tiningnan lang sya ng binata at nanatiling nakahawak padin sa akin. "I said hands off!" Madiin ulit ni Dark.
Tumaas ang kilay ng binata at tumingin sa akin bago ako binatawan. "My name is Emerald Myers, and you are?" Tanong niya habang nilalahad ang kamay niya
"Lenny-"di ko natapos ang sasabihin ko nang hilain ako ni Dark palabas ng club.
"Ano ba! Masakit! Nasasaktan ako! Dark!" Sigaw ko sa kaniya habang papalabas kami ng club, di niya ako binitawan hanggang sa makapasok kaming dalawa sa kaniyang kotse.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kaniya, pagkapasok niya sa loob ng kotse.
"Ikaw?! Ano ang problema mo?! Alam mong nandoon ako?! But you were still flirting with that boy! Paano pa kaya kapag wala ako dun! Baka naghubad kana?!" He looks so livid.
"Oo nga eh, baka nga nakahubad na kaming dalawa kung wala ka?! Wala naman sigurong masama dun kasi trabaho ko yun?!" Sigaw ko pabalik.
Nakita ko ang panggigigil at paghawak niya nang mahigpit sa manobela. Bumilis ng triple ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.
"Dark!ano ba! Ang bilis mo nang magmaneho!? SLOW IT DOWN!" Sigaw ko pero di sya nakinig.
Napapikit nalang ako at napahawak sa tyan ko, ayaw ko pang mamatay. Gusto ko pang mabuhay kasama ang magiging anak ko!
Tumulo ang luha ko na di ko namamalayan, sumunod ang paghikbi ko. Agad akong napamulat nang maramdamang huminto na ang sasakyan. Sunod sunod na malalim na hininga ang ginawa ko.
YOU ARE READING
I am Dark's (ASHLEY 1) ☑
Lãng mạnI am his and... He is Dark... I am Dark's. Please read at your own risk! Dark Jay Ashley •Ashley 1 (First Generation) Date Started: 05/17/20 Date Ended: 07/21/20 Status: Completed. Editing.