CAMERA SHOTS (ONE SHOT)

274 3 0
                                    

Enjoy reading! ^_____^

At sana magustuhan niyo. 

*****$#%&%^*****

Nandito ako ngayon sa mall. May sinusundan kasi ako. Dala ko ang aking precious camera. Oo na stalker na ang dating ko pero let me rephrase it "admirer" ako at hindi stalker. Excuse me maganda DAW ako sabi ng maraming tao kaya admirer ang tawag dun hindi stalker. 

Well back to reality, sinusundan ko yung crush ko. So sad kasama na naman niya yung babae na kasali sa cheering. Ang sarap talaga hilahin yung mahaba niya buhok! >__<. Pero FYI, mas maganda ako sa kanya (echos lang ^___^ ). Photojournalist ako sa school kaya dala ko lagi yung camera ko. Regalo kasi ito ng mommy ko bago siya mamatay. Pero I know naman na masaya na siya sa heaven kasama sila lola at lolo. 

Ay kwento ako ng kwento hindi pa nagpapakilala. Ako pala si Aya Mendoza. Oh ayan, kilala mo na ako.

Habang sinusundan ko si Rex, (pangalan yan ng crush ko) nagpaalam na yung babaeng kasama niya. Kung titignan mo silang dalawa eh aakalain mong magsyota sila pero NO WAY! Akin lang si Rex!

So as usual kinuhanan ko na naman siya ng litrato. Sa totoo lang puro picture ni Rex ang laman ng camera ko kaya hindi ko 'to pinapahawak kahit kanino.

Pagkatapos ko siyang picturan ah dumiretso na muna ako sa food court at kanina pa nagwawala yung mga sawa sa tyan ko.

Humanap na ako ng magandang pwesto pagkatapos nilapag ko muna yung camera ko sa table. Maya-maya dumating na rin yung order ko at syempre kumain na rin ako.

*******

Pauwi na ako ng mapansin kong may kulang. Umupo muna ako sa may bench at saka sinimulang halungkatin ang bag ko. Patay ako nito! >__________<

Nawawala yung camera ko! Dali dali akong tumakbo papunta sa fourth floor kasi nandoon yung food court. Kung bakit kasi naisipan pa nilang sa fourth floor pa ilagay yun! Isinusumpa ko kung sino man yung gagalaw ng camera ko! Oh no! Wala naman sanang nakakuha nun!

Nilibot ko yung mata ko para hanapin yung pinagpwestuhan ko kanina. At sa kamalas malasan, hawak hawak ni Rex yung camera ko. Dali dali akong tumakbo papunta sa kanya at hinablot yung camera ko. 

"What the!" lumingon siya sa akin. Kikiligin na sana ako pero nanlilisik yung mata niya >.<

"Ahh...eh.. Akin kasi 'tong camera. Nakalimutan ko nung kumain ako dito kaya binalikan ko.." nilagay ko na sa bag ko yung camera para siguradong hindi na ito mawawala. 

"Ahhh...okay lang.." syet ang wafu niya! >o<

"Nakita mo ba yung mga pictures dito?" grabe kinakabahan talaga ako dito.

"Uhmm. yeah." nakangiting sabi niya. Maya maya nagsink-in na sa utak ko.

"WHAT!!!"

********

Isang linggo na ang nakalipas simula nung kahihiyan na ginawa ko sa mall. Nung sumigaw kasi ako eh ang daming lumingon sa akin kaya tinakpan ko na lang yung mukha ko at tumakbo paalis ng mall.

Grabe hindi ako maka get-over sa nangyari. Lagi ko ngang iniiwasan si Rex kasi sobrang nakakahiya sa part ko na makita niya puro mukha niya ang nakalagay dun sa camera ko. 

"Aya! Ayaw mo ba talagang pumunta sa gym? Malelate na tayo sa P.E." sabi ni Bea sa akin. Wrong timing naman kasi yung P.E namin. Maglalaban ang section namin at ang section nila Rex sa basketball.

"Haaay! Sige na nga!" tumayo na ako at sumunod kay Bea.

"Wala ring mangyayari kung lagi mo siyang tataguan. Kaya kung ako sayo hindi ko na lang iintindihin yung nangyari." edi siya na! >.<

Nandito na kami ni Bea sa gym at magsisimula pa lang yung game. Nangunguna yung section namin pero minsan pumapantay sila Rex. Hanggang sa sila na ang nanalo.

Sigawan lahat nung nanalo sila Rex kaya heto ako ngayon, kinukuhanan siya habng nakangiti siya. Hahaha. Susulitin ko na yung pagkakataon! ^____________^

Eksaktong pagkapindot ko eh bigla siyang lumingon at kumindat. Bigla akong namula. Tumakbo ako palabas ng gym at dumiretso sa c.r.

Nagsisisigaw ako sa loob. Grabe pulang pula ako. Pagkatapos kong sumigaw ay naghilamos muna ako para kumalma naman ako kahit konti lang. hahaha!

Pagkalabas ko, hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. 

"R-Rex." nuutal kong sabi. "B-Bakit?"

"Hindi mo ba ako icocongratulate?" ang lapad ng ngiti niya syet!

"Ahhh... oo nga pala.. Congratz sa panalo niyo!" tatalikod na ako sana ako pero hinawakan niya yung braso ko.

"Aya, may sasabihin sana ako." seryoso niyang sabi.

"A-ano y-yun?"

"Matagal na kitang mahal. Sobrang natuwa ako ng makita ko na ako ang laman ng camera mo. Hindi ko inaasahan na may gusto ka pala sa akin. Pero nalungkot ako nung iniiwasan mo ako. Akala ko hindi mo talaga ako mahal o baka nag-assume lang talaga ako. Pero Aya.....Mahal mo na ako?" naiiyak na ako sa harapan niya dahil sa sobrang saya. Hindi ko rin kasi aakalain may gusto rin siya sa akin. Ang akala ko dati hanggang litrato lang ako pero ngayon sobrang saya ko.

Ngumiti ako sa kanya sabay sabi ng "Oo! Matagal na." bigla niya akong niyakap tapos nagsigawan yung mga tao sa paligid. Napabitaw kaming dalawa dahil marami na palang tao sa paligid namin.

Ang saya talaga kapag alam mo na mahal ka rin ng taong mahal mo. Sana siya na nga ang pupuno sa buhay ko at naniniwala akong hindi hanggang litrato lang ang love story ko! 

-FIN-

A/N:

Vote, comment and be a fan!

CAMERA SHOTS (ONE SHOT)Where stories live. Discover now