Chapter 1 -- The Rose

33.5K 262 16
                                    

New York City....

Halos lahat ng tao sa Siyudad ay abala sa pag ta-trabaho. Kung saan makikita ang ilang sikat at magagandang lugar sa America. At kung saan halos lahat ng ating mga kababayang Pinoy ay dito gustong mag trabaho at mag punta. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa ganda ng Siyudad?


At dito sa New York naisipang mag bakasyon ni Natalie. Para kahit papano ay malayo siya sa usok at ingay ng Maynila. Para makapag relax siya, kahit tatlong linggo lang siyang mananatili dito sa Siyudad.


Natalie Ortega, a 24 year old bachelorette. Ang bunsong anak ng Businessman na si Mr. Enrico Ortega. Ang nag mamay-ari ng isa sa pinaka malaking modeling agency sa bansa.


She's a professional photographer. Kahit ayaw ng Dad niya na maging photographer siya ay pinagpilitan pa rin niya ang kanyang gusto. Ang pagkuha ng mga letrato talaga ang hilig niya. Kaya lagi niyang dala ang DSLR na camera niya na regalo sa kanya ng kanyang Dad nung birthday niya.


Nasa City siya at nangunguha ng magagandang letrato. Kahit anong magandang makita niya kinukuhanan niya. Ito lang naman ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya-- ang pagkuha ng mga letrato.


Paatras siya habang kumukuha ng mga letrato. Nang hindi niya namalayang may naatrasan siyang nag de-deliver ng mga bulaklak. Na out of balance siya kaya napahiga siya at tumilapon sa kanya ang mga rosas.


Nang tinignan siya ng delivery boy. "Okay ka lang ba?" Tanong nito.


"Pinoy ka?" Tanong naman ni Natalie.



"Mukha ba'kong kano?



Seryosong sabi nito. Tinulungan lang niyang tumayo si Natalie tsaka niya pinulot ang mga natapong mga bulaklak.



"Magkano ba yan? Babayaran ko na lang." Kumuha siya ng dollars sa kanyang wallet at binibigay dun sa lalake. "You know what? Just keep the change."


Hindi pa rin siya pinansin nung lalake bagkus ay tuloy-tuloy lang ito sa pagpulot ng mga bulaklak.



"Ayaw mo bang kunin?" Tanong ulit ni Natalie pero hindi pa rin siya pinansin nung lalake, 'ni hindi siya nito tinignan. Nagsisimula na tuloy mainis itong si Natalie. "Hoy, ano ba? Kinakausap kita."



"Itago mo na lang yan." Tsaka na umalis ang delivery boy.



May naiwang isang rose at kinuha 'yon ni Natalie. "Hey." Tinago niya yung rose sa bag niya at sinundan yung lalake.



Napadpad siya sa isang flower shop. Animoy nasa isang flower farm o garden siya sa dami at ganda ng mga bulaklak. Hindi niya matiis na kuhanan ang mga ito ng letrato. Nang hindi sinasadyang makuhanan niya ng letrato ang mga tao sa loob ng isang flower shop. Ito yung delivery boy kanina at pinapagalitan siya ng kanyang boss. Naawa tuloy siya dito.



Teka, bakit ako maaawa? Kasalanan naman niya, binabayaran ko na nga ayaw niya pang kunin. Anang isip ng Natalie.



Paalis na sana siya nang di sinasadyang masabit ang lace ng camera niya sa mga tulips na nakadisplay kaya natumba tuloy ang mga ito. "Oh my God!" Ang tanging nasambit niya. Nakuha ang atensyon ng mga nasa loob ang pagbagsak ng mga bulaklak kaya lumabas ang mga ito. "I'm sorry." Sabi ni Natalie sa isang kanong mataba, mukhang ito ang may-ari ng flower shop.



"Look what you did to my flowers." Galit na sabi ng may-ari.



"I'm really sorry. I didn't mean to do it. Sorry." Sabi ulit ni Natalie. Tinignan niya yung delivery boy. "Hey."



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon