Liham

4 0 0
                                    


[Note: Ang Istoryang ito ay 'Fanfiction' lamang mula sa Talambuhay ni ginoong Timoteo Paez. Ako'y nanghihingi narin ng Paumanhin kung sakaling
marami man itong "Typo" )

---
na mamayang Alas Tres ako papatungo upang magsabay narin kami sa Merienda " Sabi ko Tumango ito at Sinabi ang

'Masusunod po Señor'

Nakaupo lamang ako dito sa damuhan kung saan Sakop ako ng lilim ng Puno ng mangga.

Pinapanood ko ang mga bata na naglalaro sa kalsada. 

'Halatang tumakas sila sa kanilang mga magulang'

napailing na lamang ako saking sariling naisip.

Wala pang alas tres kaya napag pasyahan kong Dumalaw sa Kabilang bayan. 

Inaamin kong madaming magagandang Pilipina sa bansang ito.

Pero isa lang ang Pinaka maganda sa Paningin ko. 

Si Binibining Gracia Santiago.

Tulad ng dating kagawian ay magtatago muli ako sa puno ng nara at pagmamasdan siyang naka upo sa lilim ng puno at nagsusulat sa kanyang Pluma. 

'Kailan ko kaya maaamin ang pag-ibig ko sayo Gracia?' Bulong ko .

Oras ang tinagal at tumayo na si Gracia at pumasok sa kanilang bahay.

naglakad na rin ako pauwi dahil alam kong malapit ng mag alas tres.

--+

"Magandang Hapon ama" bati ko dito at umupo sa kanyang harapan.

Tumango lamang ito.

"Ano po ba ang ating pag uusapan?" Tanong ko habang humihigop ng mainit na kape sa aking tasa

'Nasa tamang edad ka na" Sabi niya

Ngumiti ako. 

"Panahon na para mag disisyon ako sa aking sarili at mamuhay mag isa tama ba?" Sabi ko. Kahit mayaman ang aking ama na si Francisco Paez ay Hindi siya katulad ng ibang mga Español sa bansang ito. Tahimik lamang siya. Hindi ka niya papakialaman Hangga't Hindi mo siya Pinapakialaman. 

"Anong binabalak mo pagkatapos nito?" Tanong ni ama

" mag ta-trabajo ako bilang Mensahero" sabi ko at ngumiti ng matamis

Pinanliitan niya ako ng mata
"Ang iyong ngiti ay may ibig sabihin? Anak, Ika'y Umamin. Sino ang napupusuan mong binibini?" 

Nanlaki ang Aking mata sa kanyang Sinabi!

"Wala ama!" 

" Tu Voz! " Sigaw nito pabalik sa akin 

"Lo Siento " mahina kong sabi. Napailing lamang si ama

"Ayaw kong paalisin ka sa bahay ko pero nasasaiyo parin ang decisiòn" Sabi nito at iniwan akong mag isa sa silid Aklatan

---
Buwan ang lumipas at natanggap ako bilang Mensahero. Siempre. Nakikita ko din lagi si Gracia

"Teong, Maari bang ikaw muna mag padala ng mga Sulat kina Don. Santiago? " sabi ni Lukas.

Kaibigan kong Mensahero din. Alam niya na umiibig ako kay Gracia

"Sig---"

"SALAMAT KAIBIGAN!" Sabi nito at nagtatakbo na palayo.

Napailing na lamang ako

'Ang lalaking ito talaga'
--

Napabuntong hininga ako ng Aking mapansin na papalapit sa aking gawi si Binibining Gracia.

'Umayos ka Teong, si Binibining Gracia ang iyong makakaharap'

"Anong kailangan mo ginoo?" Salubong nito sakin ng may matamis na ngiti.

" Sulat po mula kay Senyora Esperanza Nakapangalan po sa inyong Ama" Sabi ko.

Napatango siya Habang nakatitig sa aking Mukha.

'Teka? May dumi ba ang aking Mukha?'

"Binibini? Ayos ka lamang ba?" Tanong ko. 

"Oh! Paumanhin" Sabi nito sabay tanggap ng sulat mula sa kamay ko. 

"Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?" Tanong nito.

Muli akong napatingin sa kanya at Kasabay non ang pagtagpo ng aming mga mata. 

Sobrang lakas ng tibok ng aking puso at tila Ang oras ay huminto. ngumiti ako.

"Ako si Timoteo Paez" Sagot ko

"Ako si Gracia Santiago. " Sabi naman niya sabay lahad ng kanyang kamay. napakunot ang aking noo. Anong gagawin ko sa kanyang kamay?

"Oh nais ko sanang nakipag kamay" Sabi nito na medyo namumula. 

Napangiti ako.

"Paumanhin. ngunit marami ang magagalit pag ginawa ko iyon binibini" Sabi ko.

inikot niya ang kanyang mata at kinuha ang aking kamay. At inalog ito.

" Oh? nagkamay na tayo" Sabi niya at ngumiti. Habang ako ay halos mamula dahil sa kanyang ginawa. Diyosmiyong babae ito? Ito ba talaga ang dilag na minahal ko ng palihim?

--

Napapikit ako at napangiti ng mapait habang inaalala kung paano kami nagkakilala ng ina ng aking anak.

At siyang aking kabiyak ko din. 

'Patawad kung hindi na ako makakabalik mahal, ngunit sana'y mabasa mo ang huling liham na aking iniwan'

Napatingin ako sa buong paligid. Ang daming mga katipunero ang Nakikipaglaban sa mga Espanyol.

Oo. nag takwil ako sa sarili kong lahi para lamang sa kanila. Mahal ko ang lugar na ito at sobrang sakit na ang kanilang nararamdaman. 

Muli kong tinitigan ang singsing na nasa aking mga daliri at napapikit.

" Patawad gracia, Hindi kita masasamahan hanggang kamatayan ngunit mamahalin kita Hanggang sa kabilang buhay" Sabi ko at lumuha.

Mahal ko ang aking Asawa't Anak.
ngunit mas mahalaga ang Bayang ito. 

Dahil buhay ng maraming tao ang nakasalalay dito.

At masaya ako.

Nang dahil sa isang Liham ay nakatanggap ako ng regalo na higit pa sa lahat ng ginto't dyamante.

Higit din sa buhay ko. 
Nang dahil sa isang liham ay nakilala ko ang Aking kabiyak na si

Gracia Santiago-Paez

Liham Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon