Chapter 51

39 2 0
                                    

Notice: The setting is when Xerene left them at habang binubura pa ang memories niya. Para hindi kayo maguluhan. Hihe.

Paris Kean's View

"Kakain na, guys." Walang emosyon at walang ganang tawag ko sa kanila na nasa sala, mga hindi nagkikibuan. Lumapit ako sa asawa kong nakikipaglaro sa kambal.

"Kakain na tayo, asawa ko." Tawag ko sa kaniya at pinat siya sa ulo. Tumingin siya sa akin at agad na namula ang mukha. Shet lakas ng tama niya sa akin. Kinikilig ang amazona!

"Uhhhm, o-okay."

Then---CUT! 'Yun na 'yon. Wala nang naging kasunod pa ang usapan namin. Kahit sa pagkain ay tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig. Hindi na kami sinasaluhan ni Van sa pagkain. Nagkukulong sa kwarto nila ni Bansot kaya dinadalhan na lang siya ng ina niya ng pagkain. Chine-check din namin siya. Aba, baka magulat na lang kami nagpatiwakal na pala siya. Haist.

Hindi na rin namin alam ang gagawin namin sa buhay namin. Nahihiya na din sa amin ang parents ni Silent, ni Yohanne dahil nga walang-wala sila matapos masunog ang bahay nila. Of course nasa kamay na ni Liorei ang mga papel at dokumento ng mga ari-arian nila. He's owning them as his own now for sure. Hindi na rin namin pa nakakausap sina Sir Devon dahil iniiwasan nga nila kami. Hanggang kailan kami magtatago dito? Ano nang gagawin namin sa mga buhay namin? Paano namin malalampasan ang problemang 'to?

"Mission? Saan?" Tanong ko kay Volt na inaayos ang mga gamit na kakailanganin niya sa sinasabi niyang misyon.

"Thailand. I just need to kill the person that threatens their King. For the meantime, I'll be protecting him since he'll attend a royal meeting." Tumango na lamang ako sa sagot niya. Madali lang naman pala.

"Sige. Goodluck na lang sayo. Penge pasalubong na lang." Hinatid namin siya ni Max palabas. Ganun din sina Freya. Ang alam ko babalik sila ni Minerva sa US kasama si Lancelot next week. Mukhang may ibinigay na namang assignment ang Presidente sa dalawa. Ako? Nganga. Tigang na tigang na ako dito sa bahay. Gusto ko nang gumawa ng assignment ulit!



"Matutulog ka agad?" Puna ko sa asawa kong nakahiga na agad sa kama.

"Oo." Tipid na sagot niya. Ang lamig niya, grabe. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumabi sa kaniya. Owkey, nababahag pa din buntot ko kahit mag-asawa na kami. Da pak, mga men! Nakakatakot siya! >________<

"Uhhhm, Maxine?" Waaaaah! Gusto kong umiskor para naman makalimutan ko saglit lahat ng problema namin.

"Oh?" SO COLD! >_______<

"Pa-score? Isa lang?" Paalam ko at hinawakan siya sa braso. Shiiit! Ang bakla mo Paris! >.<

"Pagod ako, Paris. At wala ako sa mood." Huh? Paano siya mapapagod eh, wala nga siyang ginagawa dito sa bahay?

"Sige na, asawa ko~" paglalambing ko at hinalikan siya sa braso papunta sa balikat niya. She groaned. Sabi ko nga ayaw niya.

"Sige, sleep ka na. Bukas na lang." Sabi ko at kinumutan na siya. Huhuhuhuhu. Isang round lang naman, eh.

"Goodnight, Love." At lumabas na ako. Bumaba ako at nakita si Max na kausap sina Minerva.

"Anong meron?" Sali ko sa usapan at umupo sa bakanteng couch.

"Wala naman. Random thoughts lang. Ang boring kasi, eh. Namimiss ko na si Aloisia..." Freya. Agad namang lumungkot ang mga mukha nila.

"Wala na tayong magagawa. Iyon ang desisyon niya. Ginawa niya 'yon para sa atin kaya huwag dapat nating sayangin 'yon." Mahinang sabi ko at napa-yuko. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Maisip ko pa lang ang mga kahayupang gagawin sa kaniya ni Liorei, nag-iinit na agad ang ulo ko.

The Dragon's Seal: DEATH after LIFE (UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon