Nichole’s POV
Napasarap yata ang tulog ko dahil pagmulat ko ay 6:00 na ng umaga at bumungad pa sa akin ang maamong natutulog na si Blue. Kaharap ko siya pero nasa kabilang kama siya. Ang katabi ko ay si Gail, kaming dalawa lang.
Dahan dahan akong tumayo para maghilamos. Magsswimming naman kami mamaya e. Kaya hindi naman siguro gross kung hindi na muna ako maliligo.
Isinuot ko na din yung black two-piece na pinili ni Gab. Pinatungan ko lang ito ng shorts and loose white shirt. Hindi kasi ako ganun kaconfident sa katawan ko. >3>
Muntik na akong mapasigaw ng bumulaga sa akin ang mukha ni Blue paglabas ko ng CR. Oo, bumulaga talaga dahil ibinulong niya ang salitang “Bulaga”. Asul’s childish side.
“Ano ba? Bat ka nanggugulat?”
Bulong ko sa kanya sabay hampas ng mahina sa braso niya. Hindi ko siya magawang sigawan dahil tulog pa yung mga kasama namin.
“Wala lang.”
Kibit balikat na sagot niya. Nakooo. Ang lalaking ‘to talaga, kahit kelan.
“Move, baby. My turn.”
Noon ko lang napansin na may dala siyang damit. Magbibihis na siguro siya.
“Kdot.”
Inirapan ko pa siya bago lagpasan. He chuckled bago pumasok sa CR.
Umupo muna ako sa kama katabi ni Gail at nilaro laro ang phone ko. Bakit ba ayaw mahulog ng mga ingredients na ‘to. Hindi na tuloy ako nakaalis sa Level 202 ng Candy Crush. :3
Napatingin ako sa phone ni Blue nang bigla itong mag ring. Inabot ko iyon at lumapit sa CR nang mabasa ko kung sino ang caller, ang Dad niya.
“Oy, may tumatawag sayo.”
Sabi ko sabay katok sa banyo.
“Answer it.”
Sigaw naman niya mula sa loob.
“Ayoko nga. Si Dad mo ‘to e.”
Nakakahiya kaya. Edi kapag sinagot ko baka akalain ng Daddy niya na pakialamera ako. :3
“Fine. Psh.”
BINABASA MO ANG
Heartless Heartthrob! (Completed)
Teen FictionFirst Sequel of HSAC. This is the story of Nichole, the only princess of the Cullen Family. ^^ An almost perfect girl who met a cold and heartless heartthrob.